ESTÉE POINT OF VIEW Hindi madali ang mag-empake ng isang buong buhay, pero ginawa ko. Nagsimula ako sa mga pinakapayak. Damit ni Lumi, bote ng gatas, ilang diapers, notebook, IDs, cellphone, at siyempre, ang pinakamaselang bitbit ang mga pangarap naming dalawa. Umaga ng Lunes, lumuwas kami. Sa isang maliit na town sa bandang Norte, kung saan ang hangin ay mas presko, at ang mga tao ay hindi pa nakakakilala sa pangalang Monteverdi. Sakto lang ang biyahe, mahaba pero hindi stressful. May ilang pasahero sa bus na napatitig kay Lumi habang natutulog siya sa bisig ko, pero mabilis ko rin silang tiningnan pabalik, sabay ngiti na may bahid ng babala. Hindi ko sila kilala, at wala akong balak makipagkwentuhan. Ang town na pinuntahan namin ay kilala sa mga taniman ng gulay, sa malamig na simoy

