ESTÉE POINT OF VIEW Hindi ko na kayang magpaka-martir. Hindi ko na kayang magbulag-bulagan. Ngayong hawak ko na si Lumi, ngayong naramdaman ko na ang totoong halaga ng pagiging ina, hindi ko na hahayaan kahit sinong umapak sa amin. Habang tulog si baby Lumi sa crib, umupo ako sa gilid ng kama at tumitig sa kanya. Para siyang anghel. Maputi, makinis, malambot ang pisngi, parang bulak. Napakaliit ng katawan niya, pero sa maliit niyang katawan, andun ang buong mundo ko. Hindi lang basta pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya. Ito na ang pinakamatinding damdaming meron ako — proteksyon. Walang sinuman ang pwedeng kumuha sa kanya sa akin. Napatingin ako sa kisame, saka pinikit ang mga mata. Taimtim ang dasal ko. "Diyos ko, hindi ko hiningi ang marangyang buhay. Pero hihiling ako ngayon —

