Strength in Small Arms

1043 Words

ESTÉE POINT OF VIEW Hindi ko na naramdaman kung gaano kalamig ang simoy ng hangin. Pagkapasok na pagkapasok namin ni baby sa loob ng apartment, para akong biglang napahinga ng malalim. Wala man itong chandeliers o malalambot na sofa gaya ng mansion, pero may isang bagay itong meron na matagal ko nang hindi nararamdaman kapayapaan. Pilit kong ngumiti habang inihihiga si baby Lumiere sa maliit naming kama. Napakaliit lang ng kuwarto, pero sapat na. May cribs siyang pink na binili ko dati nung buntis pa ako, parang tadhana na rin na napadala agad dito. Simpleng kurtina. Simpleng mesang kahoy. Pero sa gitna ng lahat ng kawalan, ito ang mundo naming dalawa. Mundo kung saan ako ang Reyna at siya ang aking liwanag. Humagikhik si Lumiere nang maramdaman niya ang malamig na unan sa likod niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD