Selene
It’s been almost a month since I started working for Governor Louis at aaminin kong hsnggang ngayon sy naiilang pa din ako sa kaniya at hindi pa din akong komportableng kasama siya. Buti na nga lang at hindi siya gano’n ka chatty sa mga empleyado niya, mukha din kasi siyang masungit eh.
Nandito ako ngayon sa opisina ni Gov Louis, pinag ayos niya kasi ako ng mga dokumento habang may meeting ulit siya kasama ang ibang pang opisyal ng bawat lalawigan. Kailangan kong sipagan ang trabaho para naman kahit paano ay magkaroon ako ng lakas ng loob magpaalam sa kaniya sa tuwing magpapa-check up ako at para din kapag sinabi ko na sa kaniya ang totoo na buntis ako. Hindi ko pinaalam nung interview dahil natakot ako at kinabahan nung makita siya.
Maglilimang buwan na ang tiyan ko at visible na siya kung titignang maigi at kumpara sa mga unang buwan ay mas lalo akong nagiging maselan sa pang amoy at lalo na sa pagkain.
Tapos ko nang ayusin lahat ng pinapaayos niya at lalabas na sana ako ng opisina niya nung pagbukas ko ng pintuan ay nakasalubong ko siya kaya napaatras ako pero bigla akong na out of balance! Buti na lang at nasalo niya ako at doon nagtama ang mga mata naming dalawa kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagya ko siyang tinulak dahil sa pagkataranta ko.
“You’re always being clumsy.”
“Watch your step, Ms. Castillo.” Seryoso at malamig ang tono ng pananalita niya. Parang bumabaliktad talaga ang sikmura ko sa tuwing magkalapit kami at tumataas ang balahibo ko. Jusko! Anak! Huwag ka naman pagpahalata!
Sandali akong napapikit at napahinga ng malalim nung maamoy ko ang pabango niyang hindi naman gano’n katapang at sa totoo lang ay matamis nga ang amoy nito pero parang nasusuka ako, mahilig ako sa pabango pero napansin ko na simula nung nalaman kong buntis ako ay naging maselan ang pang amoy ko lalo na sa pabango at pagkain.
“Are you okay?!” Mariin at seryosong tanong niya habang nakatingin pa din sa akin kaya naman napayuko ako.
“O-okay lang po..” Nauutal ko pang sabi sa kaniya tapos ay aalis na sana ako pero laking gulat ko nung hawakan niya ang braso ko at pigilan ako pero hinawi ko yo’n kasi nasusuka na talaga ako dahil sa amoy ng pabangon niya.
Dali dali akong tumakbo papalabas ng opisina niya at dumiretso ako sa isa sa mga Comfort Room na malapit dito.
Halos nakasubsob na ako sa sink dahil sa sobrang pagsusuka at hilo na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang sarili ko.
Wala ako sa wisyong lumabas ng comfort room at muntik na akong mapatalon sa gulat nung makita ko si Gov sa di kalayuan mula sa comfort room at tila may inaabangan. Sinundan niya ako?! Nung makita niya ako ay dali dali siyang tumakbo papalapit sa akin.
“Selene, I am asking you seriously earlier! Are you okay? Tara na, dadalhin na kita sa hospital.” Kalmado ngunit halata ang pagkataranta at pag aalala sa tono ng boses niya.
Tatanggi pa sana ako pero bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo na agad naman akong inalalayan ni Gov Louis. Rinig ko ang paghinga niya ng malaim at ang malutong niyang mura pati na din ang sunod sunod nitong reklamo.
“You keep saying you are okay but you are not!! Tss.” Rinig kong reklamo niya habang inaalalayan niya ako. Bahagya akong nag angat ng tingin sa paligid at nakita kong pinagtitinginan kami ng bawat employee na nadadaanan namin. Hanggang sa sinalubong kami nung security niya at nag alok ng tulong pero tinggihan niya yo’n.
“Gov, ano pong nangyari?” Rinig kong salubong na tanong nung isa sa mga bodyguard niya.
“Ihanda mo ‘yung kotse.” Utos niya na agad naman nilang sinunod.
“Tulungan ko na po kayo-“
“Give me the key.” Mariin sambit niya pero napansin ko ang pag aalinlangan nung bodyguard niya na ibigay ang susi sa kaniya.
“Give me that damn key or I’ll fire you.” Mariin ulit niya pa kaya dali daling nitong inabot ang susi sa kaniya.
Nung makarating kami sa parking ng kapitolyo ay sinakay niya ako sa may passenger seat at siya mismo ang sumakay sa driver seat at nagmaneho ng sssakyan.
“Gov, kaya ko naman-“
“Shut up, Selene and stay put.” Mariing suway niya sa akin kaya tumahimik na lang din ako habang nakahawak sa tiyan ko.
Sampung minuto lang ang biyahe sa hospital na pinakamalapit sa kapitolyo kaya nakarating din kami agad.
Pababa na sana si Gov sa sasakyan pero muli akong nagsalita. “Gov, sandali..” Pigil ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin.
“What?” Mariin at kunot noong tanong niya.
“H-Hindi naman po kailangan na sa emergency room ako dumiretso.” Sambit ko tapos ay bumaba na ako ng sasakyan niya kaya dali dali din siyang bumaba at inalalayan ako.
“Sir, masyado na ho akong nakakaabala sa inyo, puwede niyo na ho akong iwan-“
“No, as my employee, you are my responsibility.” Mariing giit niya habang naglalakad kami sa corridor ng hospital.
Nasa first floor ang mga clinics ng doktor kaya nakita ko ang gulat at pagkalito sa ekspresyon ni Gov nung huminto kami sa ob gyn clinic. Lumingon siya sa akin at tignan niya lang ako tapos ay naupo ako sa isang bench sa may waiting area malapit.
Bakas sa mukha ni Gov ang pagkataranta nung may ilan ilan na makakilala sa kaniya kaya kahit nakaupo na ako ay hinila niya akong muli paalis do’n.
“Ano yo’n? Bakit do’n ka huminto?!” Dismayado at mariing tanong niya tapos ay bakas sa sa kaniya pagtataka.
“Sabi ko naman ho sa inyo na iwan niyo na-“
“I want to know the truth Selene, tell me what the f**k is going on?!” Mariin niya pang giit na tanong at bakas sa mukha niya ang galit at inis kaya hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya dahil natatakot ako.
“B-Buntis po ako..” Iyon lang ang tanging lumabas sa mga labi ko kaya nung nag angat ako ng tingin ay bakas sa mukha niya ang labis na pagkabigla.
“What?!” Gulat na reaksyon niya.
“L-Limang b-buwan na ho ‘yung tiyan ko.. apat na buwan ho ako nung nag apply sa inyo..” Mahina at nauutal kong pag amin sa kaniya tapos ay napayuko na lang ako sa sobrang hiya at kabang nararamdam ko.
“At ayon din ho ‘yung dahilan bakit ako laging inaantok at parang pagod sa trabaho, maselan din po ang pagbubuntis ko kaya every two weeks po akong pumupunta sa ob ko.” Saad ko pa sa kaniya habang tahimik lang itong nakikinig sa mga sinasabi ko. Sandali kaming nabalot ng katahimikan dahil do’n at alam kong hindi niya alam ang sasabihin at gagawin niya pero isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kaniya.
“You know that I wouldn’t accept you if you told me that you are pregnant, right?” Mariing tanong niya kaya dahan dahan akong tumanggo.
“O-Opo, k-kaya hindi ko s-sinabi..”
“Pero, Sir..”
“Kailangan ko ho kasi talaga ng trabaho para sa panganganak ko at sa pantutos sa gastusin namin..” Nakakahiya mang aminin pero wala na kong choice kundi sabihin sa kaniya ang totoo.
Rinig ko ang malalim niyang paghinga at kita ko ang pag ilang niya at ang pagkadismaya sa ekspresyon niya.
“If that’s the case, I cannot keep you in that condition-“
“Sir, kailangan ko po ng trabaho kahit hanggang pang pitong buwan ko lang ho. Sir, pangako ho mas sisipagan ko pa ho.” Mariing pakiusap ko sa kaniya pero nakatuon lang ang atensyon niya sa ibang direksyon at parang nag iiwas siya ng tingin sa akin.
“Where’s the father of your child?” Para akong nanigas at pinagpawisan ako ng malamig dahil sa tanong niya. Ilang minuto din akong natahimik dahil parang nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Hindi pa ako handa, nabigla ako na sabihin sa kaniya na buntis ako pero wala akong balak sabihin na siya iyong ama.
No one knew even Katty that Governor Louis is the real father, natatakot ako na baka kapag sinabi ko ay hindi niya ako paniwalaan at mas lalo pang gumulo ang sitwasyon ko.
I bite my lips and hold my tongue. “H-hiwalay na po kami b-bago pa man ako napadpad dito..” Nauutal kong dahilan sa kaniya. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko na nakatitig pa rin siya sa akin.
Nag angat ako ng kaunti ng tingin sa kaniya at kita ko na napailing siya at napabuntong hininga, alam kong hindi niya alam ang gagawin at sasabihin niya na para bang nagdadalawang isip din siya.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa mga sumunod niyang sinabi. “Let’s talk about it after your check up but don’t worry, we will come to an agreement, okay?” Nakangiting paniniguro niya sa akin tapos inabot niya ang kamay niya upang alalayan ako sa paglalakad.
Tumanggo ako at marahang huminga ng malalim, hindi ko alam kung suwerte lang ba ako na hindi niya ako tinangal o ano. Sana tama tong desisyon ko na patuloy na magtrabaho sa kaniya at hindi sabihin sa kaniya ang totoo. Sa ngayon, nagagalak lang ako na hindi na siya nagtanong pa tungkol sa tatay ng anak ko. Napaangat ako ng tingin nung muli siyang magsalita.
“Stop worrying about that damn work for now, let’s ensure your baby’s safety. Okay lang ba kung samahan kitang magpacheck up?”