Selene Nagmamadali akong lumabas mg comfort room dahil naghihintay si Gov sa akin sa labas. Nandito pa rin kami ngayon sa hospital at kakatapos lang ng check up ko at sinamahan niya ako. Paglabas ko sa comfort room ay nakita ko siya sa isang gilid, nakasout siya ng sunglasses, cap at mask para hindi siya makilala ng mga taong nakakasalamuha namin dito. Suwerte nga at walang nakakilala sa kaniya, mahirap na kasi kung meron at baka ma-issue pa kaming dalawa tapos bigyan pa ito ng malisiyosong kahulugan. Kita ko ang pagkainip sa ekspresyon ng mukha niya. “What took you so long?!” Kunot noong tanong niya sa akin matapos akong makalapit sa kaniya. “Sorry po, Gov. ang haba po kasi ng pila eh sa loob eh.” Nahihiyang paumanhin ko pa sa kaniya pero isang malalim na buntong hininga lang ang

