83

1005 Words

Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Gabriel habang nagmamaneho pauwi sa kanyang bahay. Kinikilig siya na akala mo, bago pa lang sila nagkakilala ni Hazelle. Ngayon na lang siya ulit kinilig. Pero mas nakakakilig ngayon at hindi niya alam kung bakit. "Mukhang masaya po yata kayo, sir ah! Naka-score na po ba tayo ng malupit diyan?" nakangising saad ni manang. Mabilis na umiling si Gabriel. "Wala pong ganoon, manang. Masaya lang po talaga ako," sagot ni Gabriel pagkapasok niya ng kanyang bahay. "Sus! Naku, sir hindi mo maitatago sa akin ang kakaibang saya sa mukha ninyo. Napakasaya niyo sir. Ibang-iba ang ngiti niyo. Umaabot sa tainga. Ibig sabihin, tunay na masaya kayo ngayon at mayroon pa nga akong nakikitang kilig. Nagkaayos na po ba kayo, sir?" nakangising sabi ni manang. Bumuga ng hang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD