"Yumakap ka sa akin," sabi ni Gabriel sa kanya. Napalunok ng laway si Hazelle. "Ha? Ah.... b-bakit pa ako yayakap? Ayos na iyan. Hahawak na lang ako dito sa likod." "Yumakapa ka na sa akin dahil baka bigla ka na lang bumaligtad diyan. Hindi ako mabagal magpatakbo," wika ni Gabriel bago kinuha ang magkabila niyang kamay at iniyakap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Hazelle. Ayaw niyang yumakap kay Gabriel nakokonsensya siya sa asawa nito. At naaawa na rin dahil pagloloko na rin ang ginagawa ni Gabriel ngayon. "Bakit hindi mo niyayang mag-rides ang asawa mo?" tanong niya habang nasa byahe na sila. May mic ang helmet nilang dalawa kaya nagkakarinigan silang dalawa at hindi na kailangan pang sumigaw. May camera din kay Gabriel na parang sa mga vlogger na riders. "Wala akong asawa. Sinabi

