Pulag-pula ang mukha ni Hazelle nang magtungo sila sa banyo ng kanyang anak. Hindi niya nga napansin na kanina pa niya hinuhugasan ang kamay ng baby niya. 'Anong eksena ng lalaking iyon? Bakit may paganoon? Pinakikilig niya ba ako? Nagtagumpay na siya kung oo!' Humugot ng malalim na paghinga si Hazelle bago tumingin sa salamin. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa salamin bago huminga ng malalim. 'Huwag kang maharot, Hazelle! May asawa na iyong tao! Hindi ka puwedeng kiligin sa mga ganoong bagay! Kilala mo ang ninong mong iyon, maharot iyon! Sanay magpakilig ng babae!' Sinigurado ni Hazelle na fierce look siya nang bumalik siya sa kanilang table. Wala na si Gabriel doon. Nakatayo na sa labas ng restaurant kaya sumunod na rin s'ya. "S-Saan na tayo pupunta?" muntik pa siyang mautal na

