Kinabukasan, nagtungo si Hazelle sa bahay ni Gabriel upang kunin ang kanilang anak. Naabutan nyang masayang nakikipaglaro di Gabriel sa anak nila. "Kukunin ko na si Gideon. Isang araw lang naman naging usspan natin na hihiramin mo siya. Sa susunod na lang ulit," kalmado niyang sabi ngunit may diin. Napalunok ng laway si Gabriel. "Hindi ba puwedeng kahit mamayang gabi na lang?" "Hindi. Mahamog na. Magkasakit pa iyang bata," aniya bago kinuha ang anak kay Gabriel. Malungkot na tiningnan ni Gabriel ang kanilang anak. Naglakad na si Hazelle papasok sa kaniyang sasakyan nang pigilan siya ni Gabriel. "G-Gusto ko pang makasama ang bata..." aniya bago lumunok ng laway. Tumaas ang kilay ni Hazelle. "Iyon lang ang pinag-usapan natin kahapon, 'di ba? Isang araw mo lang hihiramin si Gideon. Tapo

