"Sir, talagang kailangan mo pang gumanti kay Hazelle? Nakita mo ba ang itsura niya kanina? Sobra siyang nasaktan! Wasak panigurado ang puso niya. Alam kong malaki ang kasalanan niya sa iyo pero kawawa naman siya. Ayusin niyo na ang pamilya niyo," saad ni manang Fe. "Oo nga, Gabriel. Ayusin mo ang pamilya mo. Naawa ako sa kanya kanina. Parang hindi ko na kayang magpanggap na asawa mo," saad ng Filipino-Korean na si Eunji. Bumuntong hininga si Gabriel. "Ngayon lang naman ito. Hindi ko naman patatagalin. Gusto ko lang siyang turuan ng leksyon. Huwag naman kayong magalit sa akin. Gusto ko lang ipadama sa kanya kung ano ang naranasan ko noong nagsisinungaling siya sa akin. Pero hindi ko naman talaga siya matitiis. Pagsusungitan ko lang din siya ng kaunti." "Hay naku, sir Gabriel! Bahala ka d

