NAGING mabilis ang aking pagaling. Sa bawat paglipas ng araw ay naging ka close ko na ang mga banyagang kasambahay ni Kent. Ang lalaki naman ay sobrang abala araw-araw. Idagdag pa na parang iniiwasan n’ya talaga ako. Kung magkasalubong man kaming dalawa ay parang nakasalubong ko na rin si Hudas. Kulang na lang ay ang lalaki na ang mag pako sa akin sa krus. Sa mga araw na hindi kami nagkikita iniisip ko na lang na tama na rin ‘yun kaysa naman magkaharap kami at ipa-mukha niya lagi na ayaw niya sa akin o sinusuka niya ako. Sa mga araw na gano’n parang hinihiwa ang aking puso, habang parang namamanglaw o nangungulila sa ‘di mawari na dahilan. Nalulungkot pa rin ako sa pagkakalayo namin ng pamilya ko at ng mga taong karagdagan sa aking pamilya lalo na si Leslie. Pero iniisip ko na lang na

