CHAPTER 17

1251 Words
Chapter 17: Trust PARANG ang sakit lang sa puso dahil ginamit ko ang pangalan ng isang tao para lamang sumikat ako pero kahit hindi dapat pero lumalabas nga na may ginamit akong tao. Hindi lang naging mentor ko si Sir Elton dahil maski pangalan niya ay ginamit ko na nga. Hindi ko naisip na puwede palang mangyari iyon at siya pa rin ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. “Allona... What are you trying to say?” malamig na tanong ni Sir Elton kay Ms. Allona. “Totoo naman kasi, Elton. Ikaw ang dahilan kung bakit umabot ng hundred thousands ang views ng kantang na-released natin. Dahil sa pangalan mo kaya binigyan ng pansin ng mga tao. May SEB ang nakalagay sa kanta niya, ’di ba?” Parang bigla ay nawalan na ako nang lakas ng loob. Kasi baka totoo nga iyon talaga ang naging dahilan. “We have rules, Allona. You shouldn’t be saying all this because it turns out you just want our singer to be discouraged. You can’t say things like that.” “I’m a producer here, Elton. I have the right to interfere with our singer. I’m just saying the truth.” “Kahit producer ka pa ay matuto kang makiramdam! Si, Eyse, I’m her mentor here and as my trainer you have no right to tell her such things. Another one, didn’t you decline my offer to take Eyse and train her? So why? Why are you saying that I’m still the reason why her song’s views suddenly went up so fast? Why? Sa inaasal mo ngayon ay parang nakalimutan mo na ang rules ng kompanya natin at nagiging immature ka para lang apakan mo ang singer natin na baguhan pa lamang sa music industry!” Napatutop ako sa dibdib ko dahil sa malakas na pagsigaw ni Sir Elton. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Ngayon ko lang din nakita ang galit niya. Nakatatakot pala siya dahil malamig pa sa yelo ang boses niya. “Why are you defending her now?!” “Because you have no right to say things that hurt my trainee! Be professional, Allona!” “Imposible naman kasi ang lahat ng iyan, Elton,” natatawang sabi niya at itinuro niya ang laptop. “Subukan natin na mag-release ulit ng kanta, Elton at kumuha ka ng ibang song writer. Tingnan natin kung bibilis pa ba ang usad ng views niya.” Napaatras naman ako nang hinaklit niya ang siko ni Allona at hinila niya. Sinundan ko lamang sila nang tingin nang palabas na sila. “Let’s talk, Allona.” Hinagod naman ni Minny ang likod ko. “Huwag kang maniwala sa mga sinasabi niya, Eyse. Hindi naman iyon totoo.” “Tama, trainee niya ang isang singer at alam kong naiinggit lang siya dahil mas successful ang kanta mo. Masyado lang mataas ang pride ng babaeng iyan at ayaw niya lang talaga na may nauuna sa kanya,” sabi naman ni Ms. Yena. “P-Pakiramdam ko nga ay totoo ang sinabi ni Ms. Allona... Baka... dahil iyon sa pangalan ni Sir Elton kaya...kaya nagustuhan agad nila ang kanta ko... Baka---” “Eyse, sasama ang loob ni Sir Elton kapag naging negative ka na naman. Masama iyan! Please, dapat magtiwala ka sa sarili mo. Hayaan mo na ang mga issue ni Ms. Allona. Kami... naniniwala pa rin sa maganda mong potential.” “Uum... Pupunta muna ako sa banyo,” paalam ko at hindi ko na sila hinintay na sumagot pa dahil tumalikod na ako. Pero sa halip na pupunta ako sa banyo ay mas pinili ko ang pumunta sa rooftop. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ko ang daming views ng kanta ko. “Ikaw ang dahilan kung bakit umabot ng hundred thousands ang views ng kantang na-released natin. Dahil sa pangalan mo kaya binigyan ng pansin ng mga tao. May SEB ang nakalagay sa kanta niya, ’di ba?” Ngayon ko lang napansin na SEB naman ang ginagamit ni Sir Elton. SEB, Sin Elton Baudelaire, initial name niya ang SEB. Totoong sikat din siya? Napabuntong-hininga na lamang ako. Baka nga ay siya ang dahilan. “Subukan natin na mag-release ulit ng kanta, Elton at kumuha ka ng ibang song writer. Tingnan natin kung bibilis pa ba ang usad ng views niya.” Paano kaya ang subukan namin iyon? Pero...pero baka masasaktan lang ako sa katotohanan na baka nga ay hindi nagkamali si Ms. Allona sa kutob niya. Baka hindi ko kayanin ito. Pero kung hindi namin patutunayan ito ay hindi naman namin malalaman. Kaya...kahit siguro totoo ay dapat kong tanggapin ang katotohanan, ’di ba? Kaya gagawin ko ang suhestiyon niya. “Eyse.” Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Tipid akong ngumiti kay Sir Elton. Hindi na siya mukhang badtrip dahil maaliwalas na ulit ang bukas ng mukha niya. “Ayos lang po ako,” sabi ko at pilit akong ngumiti. “Eyse, may tiwala ka ba sa akin?” tanong niya bigla sa akin. May tiwala nga ba ako sa kanya? Ang dami niyang ginawa para sa akin at puro kabutihan lang ang mga iyon. Wala siyang ibang ipinakita sa akin kundi ang pagiging mabait niyang mentor ko. Kaya bakit hindi ko siya pagkakatiwalaan? “Opo, siyempre may tiwala ako sa inyo, Sir Elton,” nakangiting sabi ko. Napangiti pa siya at umiling. “Eyse, maliban kina Ms. Yena at Minny ay wala kang ibang taong pagkakatiwalaan. Huwag kang makinig sa sasabihin ng mga taong nasa paligid mo. Sa sarili mo, ikaw na sarili mo ang dapat mong pagkatiwalaan. Kung nasaan ka man ngayon ay hindi iyon dahil sa isang tao. Kami, kami lang ang naging instrumento mo para abutin ang kinakatayuan mo ngayon at hindi rin ako ang dahilan ng mga achievements mo. Maaaring may ginamit ka nga pero ikaw pa rin ang dahilan kung bakit nandito ka sa SRE,” mahabang sabi niya. Dahil sa mga katagang lumabas mula sa bibig niya ay parang isang bula na naglaho ang sama ng loob ko at ang pagbigat ng dibdib ko. Sa positibong sinabi niya ay may natutuhan na naman ako. “Sabihin niyo nga po sa akin... May mahika po ba kayo, Sir Elton o sadyang marunong lang talaga kayong mag-comfort sa isang tao?” tanong ko at hayan na naman ang mahinang paghalakhak niya. “Eyse...” Bayolenteng napalunok ako nang hawakan niya ang balikat ko. “May tiwala ako sa kakayahan mo,” sabi niya at dahan-dahan na akong tumango. Katulad nang sinabi nila sa akin ay pinili kong kalimutan ang mga sinabi sa akin ni Ms. Allona. Hangga’t may mga taong naniniwala sa akin ay hindi ako nagpaapekto sa negative feedbacks ng iba. Tumawag din sa akin nang araw na iyon sina Kuya Seb at masaya rin sila para sa akin. Si Kuya Dez nga ay hindi rin siya makapaniwala na ang bilis umusad ng views pero hindi naman sila nagdududa na baka hindi ako na isang magaling na singer ang dahilan kung bakit gumaganda na nga ang career ko sa music industry. Related sa career ko ang kinuha kong kurso sa kolehiyo at ginabayan pa rin ako ni Sir Elton. Sa totoo lang ay malaki na ang utang na loob ko sa taong iyon at parang hindi ko na rin alam kung paano ko ba siya mababayaran o kung paano ako makakabawi sa kanya. Hindi rin ako nahirapan sa university na pinapasukan ko. Kahit naninibago pa rin ako ay mabilis din akong nakapag-adjust. Mahirap nga lang ang magkaroon ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD