CHAPTER 6

1873 Words
CHAPTER 6: Audition HINDI na ako mapakali at palakad-lakad na lamang ako sa back seat at dumadagundong ang kaba ko sa dibdib. Nanginginig na rin ang mga kamay at binti ko pero heto’t nakatayo lang ako at palakad-lakad pa. Simula nang makarating ako rito ay hindi na ako nakaupo pa ulit. Kasi naman sobrang kinakabahan na ako sa mangyayari sa akin mamaya. “Kalma ka lang naman puso, kalma. Kayang-kaya mo naman ’yan,” pagkakausap ko pa sa sarili ko at tinapik-tapik ko pa ang dibdib ko, kung saan nakatapat nito ang puso ko. Ang lakas-lakas nang kabog sa dibdib ko at sa katunayan nga ay nabibingi na ako nito. Tiningnan ko lang ang ibang kasamahan ko na kasali sa timpalak ng Boses Ng Pilipino o Seven’s Real Entertainment. Ang iba ay halatang kinakabahan din pero nakaupo naman sila. Kaya ang ginawa ko ay umupo na lang din ako at palihim na nagdasal. Sana manalo ako o makapasok man lang. Dahil baka hindi na nga talaga payagan pa ni Tiya Beth kapag nabigo ako ngayon. Mahigit tatlumpu kaming maglalaban para sa paligsahan na ito at ang sabi pa nila ay sampu lang ang mananalo o makapasok. Sana...sana isa ako sa mga sampung makakapasok sa Entertainment na ito. Simula pa ng bata pa ako ay pangarap ko na talaga ang makapasok dito o maging isang mang-aawit. “Contestant number 27!” Nahinto ako sa pagmuni-muni ko nang marinig ko ang numerong nakuha ko. “Diyos ko po, ikaw na ang bahala sa akin. Sana’y manalo ho ako,” piping dasal ko at tumayo na. Inayos ko na muna ang puting bestida ko na hanggang tuhod lang ang haba nito. Isang simpleng bestida na may bulaklak na tulipan sa baywang ko at pinarisan ko lang din ng puting sapatos. Sa pinsan ko ito at hindi pa kasya sa akin. Sobrang masikip pero tinitiis ko na lang ito. Alangan naman kasing suotin ko pa ang tsinelas ko o ang lumang sapatos ko? Ayoko naman na bumili pa ng bago. Ang mahabang buhok ko na hinayaan ko lang itong nakalugay at kaunting kolorete ang nilagay ng pinsan ko sa mukha ko. Para hindi raw ako magmukhang losyang. Iyong bestida ko pala ay iyong walang manggas? Ah...sleeveless. Ganoon. Sa totoo lang ay binili lang namin ito sa ukay-ukay kahapon. Mura lang naman kasi roon at saka masyadong mahal ang mga bestidang binebenta ngayon. Hindi kaya ng budget ko. Kasama ko ang pinsan ko at nandito siya para suportahan ako. Huminga ako ng malalim at nang maalala ko ang mga pangarap ko ay parang mahikang naglaho ang kaba ko at panginginig. Sinalubong ako ng isang matangkad na babae. Maganda siya at mukhang mayaman din. Binigyan niya ako ng mikropono at nakangiting kinuha ko naman ito. “Goodluck, contest number 27, fight!” aniya at napangiti na lang din ako. Mas nabigyan pa ako nang lakas ng loob sa ginawa niya. Nang makapunta na ako sa entablado ay nakita ko ang maraming tao at tatlong huradong nakaupo sa hindi kalayuan nito. Tahimik ito kaya napalunok ako. Heto na, heto na Eyse ang pinakahihintay mong pagkakataon. Nandito ka na sa entablado at kaharap mo na ang maraming tao. Kung mananalo ka, matutupad na ang mga minimithi mo. Nakangiting binalingan ko ang mga hurado at unang nakaagaw ng pansin ko ang isang guwapong hurado. Pinapagitnaan siya ng dalawang magagandang babae. Matiim siyang nakatitig sa akin at iyong mga mata niya ay sobrang lamig. Sa paraan nang pagtitig niya sa akin ay para akong matutunaw. Nakakapanghina naman ng tuhod. Ano ba naman ’yan? Kahit hindi ko man ito matitigan sa malapitan ay alam ko talagang sobrang guwapo niya. Tumikhim ang katabi niyang babae at tinaasan pa ako nito ng kilay. Diyos ko po, tinaasan ako ng kilay? Wala na akong pag-asa nito. “What’s your name?” tanong ng pangalawang babaeng hurado. Ay Diyos ko po, dapat ba ako magsalita ng Ingles? Hindi ko napaghandaan ito, ah. Iyong kanta at ang boses ko lang naman ang pinaghandaan ko. “Eysella Romel po,” nakangiting sambit ko sa magandang pangalan ko at ngumiti ang babaeng huradong nagtanong sa aking pangalan. “Ilang taon ka na, Eysella?” tanong naman ng unang babae. Iyong tinaasan ako ng kilay kanina. “18 po,” tipid kong sagot. Eh, iyon naman kasi ang alam kong sasagutin. Ayoko ng mahaba pa. “Ano ang kakantahin mo?” tanong niya ulit sa akin at may pekeng ngiti. Hindi yata ako gusto ng isang ito, eh. “Ikaw, ang kanta po ni Yeng Constantino,” nakangiting sagot ko rito. Paborito ko talaga ang kantang iyon. Kahit sabihin na nating may kalumaan na ito pero para sa akin ay hindi. Bagong-bago talaga para sa akin. ”Now go, show your voice to us.” Humakbang ako paatras at nagsimula na ang pagtugtog ng musika. Pinikit ko ang mga mata ko para may emosyon akong ipakita sa kanila. Para damang-dama ko naman ang kanta. Itinapat ko ang mikropono sa labi ko. Hinintay ko muna bago ko kinanta. “Sa pagpatak ng bawat oras ay Ikaw...” Nang kantahin ko ang ‘ikaw’ ay nagmulat ako ng aking mga mata at eksaktong napatingin ako sa lalaking hurado at bumilis lang ang t***k ng puso ko. At dahil nga nabigla ako, lalo na ang bilis nang t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay lalabas na ito. At labis-labis akong nasindak nang mapatingin ako sa hurado ay kasabay na napahinto ako sa pagkanta. Diyos ko po. Mariin na napapikit ako nang marinig ko ang sigawan ng mga taong nanonood. Iyong musika ay lumampas na sa pang-unang liriko at nang mapansin din na wala namang kumakanta ay kaagad na huminto rin ang musika. Nakapikit pa rin ang mga mata ko at naghari ang katahimikan sa entablado. Mas lalo lang ako kinabahan at alam ko na... Alam ko na ang magiging resulta nito. Pumalpak ako! B-Bakit ba kasi ako biglang napahinto? Bakit ba kasi ako napahinto bigla nang masalubong ko ang mga mata ng hurado na ito? Tumahip ng malakas ang puso ko at hindi na yata ito normal. “What’s wrong?” “I think she’s not ready, how pathetic. Singing Contest ito pero mukhang hindi naman pala pinaghandaan ng contestant.” “She seems nervous, I guess so.” Dinig kong sambit ng mga hurado at napakagat labi ako. S-Sayang iyong pagpunta ko rito. Bakit ba ang tanga-tanga ko? “Send her out,” narinig kong sabi ng lalaki na ka-eye to eye ko kanina. Heto na, heto na nga at pumalpak na talaga ako. Ah! Bakit ba ako huminto? Hayon na iyon, eh! “Let her rest first, let’s give her five minutes to relax herself and send her here again,” dugtong na sabi pa ng lalaki at nabuhayan ako nang lakas ng loob. Nagmulat ako ng mga mata ko at naramdaman ko na may humawak sa braso ko at hinila ako. “But Elton? Pumalpak na siya,” sabi pa ng isang babae at mas dumiin pa ang pagkagat ko sa labi ko. “Let her relax first.” Diyos ko maraming salamat. Maraming salamat po talaga at binigyan pa ako ng pagkakataon para sa Singing Contest. Pinaupo ako ng babae, siya iyong nagbigay sa akin ng mikropono sa akin kanina. “Minny! Bigyan mo ako ng mineral water!” sigaw niya sa isang babae na hindi kalayuan sa direksyon namin. Nakaupo ito at mukhang may ginagawa itong trabaho. Nakasalamin ito at maikli lang ang kanyang buhok. “Right away,” sagot nito at tumayo. Para kumuha siguro ng tubig. Umupo sa tabi ko ang babae at binigyan niya ako ng tsokolate. “Eat up, and relax yourself. May four minutes and 40 seconds ka pa para mag-rest. Huminga ka nang malalim,” nakangiting sabi niya at sinubo ko naman ang tsokolateng binigay niya sa akin. Nalasahan ko ang matamis ng tsokolate at nginuya ito. “Lucky you, contest number 27 ay binigyan ka pa ng second chance para sa Singing Contest na ito. Himala nga iyon, eh,” aniya at nagbaba ako nang tingin. “N-Nakahihiya iyon,” nauutal kong sabi. “Nabigla ka lang siguro, noong kinanta mo ang liriko ng ‘ikaw’ ay siyang pagbukas mo rin ng iyong mga mata. Siguro, nagulat ka nang magtama ang mga mata niyo ni Sir Elton. He’s so attractive, right?” Nag-init ang pisngi ko nang sabihin niya iyon sa akin. Naalala ko ang mukha ng hurado at kahit nga hindi ko ito nakita sa malapitan ay alam kong may taglay na kakisigan nga ito. “Nandito na po ang mineral water, Ms. Yena.” Binuksan ito ng katabi kong babae at binigay sa akin. Uminom naman ako ng tubig at ngayon ko lang talaga nalaman na nauhaw ako bigla. “Times up!” narinig naming sigaw ng isang babae. “Mukhang ayaw na sa ’yo ni Miss Allona, but don’t you worry. Hindi mo kailangan ang boto niya para sa ’yo. Kung nagustuhan ni Sir Elton o may talento ka talaga sa pagkanta ay makakapasok ka. Goodluck,” aniya at ngumiti na lang ako sa kanya. Sabay kaming tumayo at hinatid niya ako hanggang sa pintuan ng entablado. “Do you think she can do it, Ms. Yena?” “Yes, and I hope isa na siya sa makakatulong sa atin.” “I hope, too.” Hindi na ako nakapagtanong pa kung ano ba ang sinasabi nila. Dumiretso na lang din ako at kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko sa dibdib. Salamat sa kanila at nabuhayan ako ng loob. Hinding-hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito. Dapat handang-handa na ako ngayon. Muli kong hinarap ang tatlong hurado at hindi na ako magugulat pa kung pagtataasan ako ng kilay ng isang babae. Nasa kanang banda ito ng lalaki at habang iyong isa naman ay nakangiti lang sa akin. Iyong klaseng ngiti na bibigyan ka ng pag-asa at lakas ng loob. “Okay ka na ba ngayon?” tanong sa akin ng huradong nakangiti at mukhang mabait nga siya. “Opo,” mabilis kong sagot. “Good, now you ready?” Tumango lang ako bilang sagot at hindi ko na inabala ang sarili ko na tingnan ang lalaki. Baka kasi mangyayari na naman ang nangyari sa akin kanina. Ayoko ng mangyari iyon kasi baka sa pangalawang pagkakataon ay pumalpak na naman ako. Parang hinihigop niya ang lakas ko, eh... At parang may kapangyarihan siya na bigla ka na lang mapapahinto sa hindi malaman na kadahilanan. Sapat na ang nangyari sa akin kanina at nakakahiya talaga iyon.. Umalingawngaw sa buong entablado ang musikang kakantahin ko at humugot na muna ako ng malalim na hininga at naghanda na rin. Inangat ko pataas ang mikropono at tinapat ito sa bibig ko nang malapit na ako sa musikang liriko ay saka ako nagsimulang kumanta. “Sa pagpatak mg bawat oras ay ikaw. Ikaw ang iniisip-isip ko. Hindi ko mahinto pintig ng puso. Ikaw ang pinangarap-ngarap ko. Simula nang matanto. Na balang araw iibig ang puso. Ikaw ang pag-ibig na hinintay. Puso ay nalumbay ng kay tagal. Ngunit ngayo'y nandito na. Ikaw. Ang pag-ibig na binigay. Sa akin ng may kapal. Biyaya ka sa buhay ko. Ligaya’t pag-ibig ko’y. Ikaw... Pag-ibig ko’. Ikaw...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD