CHAPTER 7

1740 Words
CHAPTER 7: Sin Elton Baudelaire KATULAD ng kanina nang kantahin ko na naman ang ‘ikaw’ ay napatingin na ako sa lalaki at laking pasasalamat ko, dahil panghuking liriko na iyon ng kanta. Hindi na ako napahinto pa. Hindi na rin ako nagulat nang makita kong nakatutok talaga siya sa akin at alam kong matiim niya akong pinapanood. Sumabong ang maraming palakpakan ng mga nanonood sa Singing Contest at natuwa ako nang nakatayo na ang mga hurado at sumabay sa palakpakan ng mga ito. Ngumiti lang ako kasi parang naumid na naman ang dila ko at hindi na naman makapagsalita. Tila maraming hangin ang nakapasok sa aking tiyan dahil sa sobrang tuwa na naramdaman ko sa mga oras na ito. Sobrang nakakatuwa talaga at napatingin ako sa direksyon ng pinsan ko. Nakangiti siya at kitang-kita ko iyong pagpunas ng mga luha niya. Proud sa akin ang pinsan ko. “She’s so good!” “I didn’t expected this. Oh my, God!” “Eysella Romel, right?” tanong ng lalaking hurado at ang boses niya ay namamaos. Maski yata ang boses nito ay parang musika at tilang umaawit na anghel. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa mga pag-iisip na iyon. Wala akong oras para manghusga ng kasisigan ng isang lalaki. Lalo na ngayon ay huhusgahan na ako ng mga hurado at dapat maging handa rin ako. Sa kung ano ba ang magiging resulta na ito. Hayon na, nagsalita na siya. Kinakabahan man pero nilakasan ko ang loob ko at tiningnan ang lalaki. “What do you think, Allona?” Napatingin siya sa kanan niya at marahil ito ang tinatanong niya. Iyong babaeng tinaasan ako ng kilay. Na mukhang maldita. “Well,” huminto na muna ang babae na nagngangalang Allona, saka tumingin sa akin, “At first, hindi ko na siya nagustuhan, dahil bigla siyang pumalpak. Before you enter the Singing Contest, please train yourself to be relax and be ready all the time. Nervous can’t help you and that could lost your guts at the same time.” Ilang segundong tumahimik siya at humugot ng buntong-hininga na kinabahala ko na naman. “You deserve my ‘yes’,” aniya at sa unang pagkakataon ay ngumiti siya sa akin pero saglit lang din iyon. “Salamat po,” sa wakas nasabi ko rin. “Yes ako!” Nagulat naman ako sa sinabi ng pangalawang babae na hurado at natawa pa ang mga tao sa kanya. Noong sumigaw kasi siya ay may bahid na kasiyahan iyon. “Yes, nakuha mo ako sa boses mo at pinakita mo talaga sa amin ang talento mo sa pagkanta. No to mention na, feel na feel mo talaga ang kanta. Kaya, yes.” “Salamat po.” “For me...” Bumilis na naman ang t***k ng puso ko at kung may anong mumunting ibon na naman akong narinig sa paligid. “Ano ka ba naman Eyse! Maghunos dili ka nga!” suway ko sa sarili ko. “I agree with Silverio, but your emotion isn’t enough for me. May kulang ka pa and especially your voice. Dapat isa lang ang tono ng boses ng isang singer. You need to be stick to one pagdating sa boses mo but you can control it, kung mag-eensayo ka lang. Anyway,” saglit na naman siya napahinto at sumandal sa likuran ng upuan niya. Iyong mga mata niyang nanghihigop ay nakatingin sa akin. “You’ll do fine and good job, welcome to the Seven Real Entertainment, Eysella Romel.” “Maraming salamat po!” *** “Congratulations! You’re in!” masayang sambit na sinalubong ako kanina ng babae na nagngangalang Minny at kitang-kita ko rin ang kasiyahan sa mga mata niya. Iyong babaeng nagngangalang Ms Yena ay tahimik lang ngunit nakangiti naman ito. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. “Hindi nga kami nagkamali at nakapasok ka, unang bagsakan ang Singing Contest at magkakaroon ka ng training for this. Congratulations, Eysella Romel,” nakangiting wika niya sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit. Natutuwa rin ako dahil nagawa ko. Nagawa kong makapasok dito at nanalo ako! Grabe, ang saya-saya ko ngayon. Tiyak na magiging masaya rin si Tiya Beth nito. Akala ko talaga kanina ay uuwi ako ng talunan. Pero hindi. Sobrang saya talaga nito. “Uh...puwede ba akong pumunta sa banyo?” tanong ko sa kanila at parang nahihiya pa ako. “Sure! Mamaya ay makikilala mo ang CEO ng Seven Real Entertainment at ang magiging personal manager mo and assistant kung saka-sakali man,” ani Ms Yena at tinuro niya sa akin ang isang silid na marahil ay banyo na iyon. “Salamat po,” sambit ko at nagmamadaling pumasok sa banyo. Pagkatapos kong magbanyo ay kaagad din akong lumabas at bumalik sa back stage pero nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang lalaking hurado na nakaluhod at tila may pinupulot siyang mga bagay. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang mga gamit ko iyon at hawak-hawak niya nga ang shoulder bag ko. Nagmamadaling lumapit ako sa kanya at lumuhod din para mapulot ko ang mga gamit ko. “Uh...sa iyo ba ’to?” tanong niya sa akin at bakit ba ganoon ang boses niya? Parang malambing pero malamig naman. “O-Opo,” nauutal kong sagot at sabay na tumayo kaming dalawa. Hayon na naman ang malakas na pagkabog sa dibdib ko. Pakiramdam ko nga, eh nabuntis ang puso ko dahil parang may baby na sumisipa, eh. “May keychain ka ba or something that made from Cebu?” tanong niya na kaagad naman akong naguluhan. Keychain? Wala naman akong ganoon, ah? Napaatras pa ako ng tuluyan ko nang makita ang hitsura niya sa malapitan. Napaawang pa nga ang mga labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Akala ko sa mga TV o sa teleserye lang ako makakakita ng mga guwapong lalaki at akala ko mga artista lang ang mayroong ganitong kakisigang taglay. Nagkamali ako dahil may mga tao rin palang nag-e-exist na guwapong-guwapo talaga. Wala ngang ekspresyon ang mukha niya ngunit hindi naman iyon nakabawas sa kapogian niya. Dahil mas naging cool pa siya. Ang guwapo-guwapo niya talaga. Kulay tsokolate ang mga mata niya at grabe kung makatitig siya. Para kang nahihipnotismo sa paraan ng pagtitig niya, eh. Tapos ang tangos pa ng ilong niya at iyong mga labi niya. Manipis at natural na pula kaya iyon? O may nilagay siya na lipstick? Pero hindi eh, halatang wala siyang inilagay roon. Tapos nakaiinggit iyong kinis ng balat niya at ang puti-puti niya rin. Tapos ang tangkad pa! Sa katunayan nga ay kailangan ko pang tingilain siya dahil sa sobrang tangkad niya at hanggang dibdib niya lang ako. Matangkad naman ako ah? Pero mas matangkad talaga siya, eh. Mas matangkad pa kaysa kay Kuya Seb ko. Tapos din iyong buhok niya na kinulayan din ng tsokolate at maganda ang ayos no’n. Isa lang talaga ang masasabi ko sa kanya, siya na! Siya na ang guwapo! At perpekto na talaga siya! Nakasuot lang siya ng kulay dilaw ng polo na mahaba ang manggas pero tinupi niya lang hanggang siko niya at itim na maong na pantalon saka itim na sapatos din. Simple lang naman ang ayos niya pero talagang attractive siya. Wah! Mala-adonis ang dating niya! May girlfriend na kaya siya? O may asawa na. Sa tiyansa ko ay magkasing edad lang sila ng Kuya Seb ko. Napakurap-kurap ako nang hawakan niya ang panga ko at napatiklop ang mga labi ko. Wah! Bakit...bakit parang may kuryente ang daliri niya? “Ano pong keychain iyon?” naguguluhan kong tanong at binitawan na niya ang chin ko. Bubuka pa sana ang bibig niya para magsalita nang may tumawag na agad sa akin. “Eyse! Hoy, kanina ka pang nakatulala riyan!” Mabilis naman akong napatingin kay Minny. “Sir Elton, kayo po pala. Bakit po kayo nasa back stage?” “I just want to congratulate her and also, to talk to her but maybe tomorrow?” “Sige po,” sabat naman ni Ms. Yena na kadarating lamang niya. “Okay. I’ll go ahead,” paalam niya at sinulyapan pa niya ako. “Eysella, si Sir Sin Elton Baudelaire iyon. Siya ang CEO ng Seven Real Entertainment. He’s also a composer,” paliwanag sa akin ni Ms. Yena. Napatango naman ako. “Eh, iyong katabi pa niyang hurado? Sino ang mga iyon?” tanong ko. “Si Ms. Allona Silverio iyon. Nabalita sa news na engage na sila ni Sir Elton pero no comment naman siya kaya hindi rin kami sigurado kung totoo ang haka-haka. Ang isa naman ay si Veronica Chua, mabait iyon na hindi katulad ni Ms. Allona. Kababata iyon ni Sir Elton.” Hala naman, parehong malapit sa kanya ang dalawang babae. Baka isa talaga sa kanila ang girlfriend nito, ano? “Hindi ka pa ba lalabas? May naghihintay sa ’yo,” ani Minny at napangiti ako. Baka ang pinsan kong si Raime iyon. “Sige, salamat sa inyo, ah. Kita na lang po tayo next time,” nakangiting sabi ko saka ako lumabas. “Eyse! Nanalo ka, nanalo ka!” masayang bulalas ni Raime pagkakaiba pa lamang sa akin at sumalubong agad ang mahigpit niyang yakap. “Ang sabi ko na, eh! Makakapasok ka na!” “Oo! Tiyak na papayagan na ako ni Tiya Beth nito,” nakangiting sabi ko. “Congrats! Tara na, tara na... Ibalita na natin ito kina Mama, lalo na kay Kuya Seb. Proud na proud na naman siya sa ’yo!” natatawang sabi niya. Paglabas namin ay napatingin ako sa lalaking palapit sa direksyon namin. Diretso ang tingin sa akin kaya malakas na tambol na naman ng puso ko ang maririnig ko. “Siya iyong judge kanina, ’di ba, Eyse?” tanong sa akin ni Raime pero hindi ko magawang sagutin. “Eysella Romel, inaasahan ko ang pagdating mo bukas. Don’t worry ipapatawag ko si Ms. Yena para may kasama ka. Mayroon pa akong katanungan at alam kong ikaw rin,” sabi niya at naglahad siya ng kamay. Napatitig ako roon. “Sin Elton Baudelaire, CEO of Seven Real Entertainment.” Tinanggap ko naman iyon kaya nakaramdam ako ng boltahe ng kuryente. Kitang-kita ko rin ang pagsalubong ng kilay niya at tiningnan ang magkahawak naming kamay. “E-Eysella Romel po,” sambit ko sa pangalan ko na medyo nauutal pa. “Eysella Romel...” sambit niya sa pangalan ko. Kakaiba kapag siya iyong sasambit sa pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD