CHAPTER 9

1589 Words
CHAPTER 9: Salo-salo PAGDATING namin sa Baguio ay mukhang inaasahan nila ang pagbabalik namin ni Kuya Seb dahil nakaabang agad sila sa amin. Nakatutuwa naman dahil ramdam na ramdam ko ang pagsuporta sa akin ng mga kapitbahay ko at ang naniniwala sa kakayahan at talento ko. Nakatataba ng puso ang effort nila para sa akin. “Pagbati sa ’yo, Eyse!” “Sabi na, eh! Makakapasok ka, Eyse!” “Binabati ka namin, Eyse!” “Ikaw talaga ang pambato ng Baguio!” “Maraming salamat po! Kayo po kasi ang naging inspirasyon ko, eh!” masayang saad ko at hinanap ng mga mata ko si Tiya Beth. Nakita ko naman siya sa pintuan na bahagya lang nakasilip. Nang makita nga niya ako ay bigla rin siyang umalis doon. “Pupuntahan ko lang po ang tiya ko,” paalam ko sa kanilang lahat at patakbong pumasok sa munting tahanan namin. “Tiya Beth!” tawag ko sa aking tiya nang makapasok na ako sa loob ng bahay namin. Wala sa sala ang aking tiya kaya nagtungo ako sa kusina. Nandoon naman siya at nagpupunas siya ng mga basang plato na katatapos lang din na hugasan. Nakatayo lamang siya malapit sa hapag namin. Nagkukunwari lang si Tiya na balewala ang pagdating namin ni Kuya Seb. “Masaya ka ba, Eyse?” tanong niya sa akin nang hindi siya nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko mawari kung galit ba si Tiya o masaya siya? Dahil ang kaswal nang pagkakasabi niya. “Oo naman po, Tiya! Hindi ko po kayo binigo!” masayang bulalas ko. “Tapos ang sunod mong gagawin ay aalis na rito sa bahay, tama?” tanong niya sa akin na ikinahinto ko. Lumapit ako sa kanya at umupo roon. “Tiya, masaya po ba kayo dahil nakapasok po ako?” mahinahon kong tanong. “Masaya ako, Eyse. Masaya ako sa mga bagay na nagagawa mo. Masaya ako sa mga achievements mo. Masaya ako sa lahat-lahat na may kinalaman sa ’yo. Pero hindi ko rin maiwasan ang malungkot dahil tama nga ang mga kuya mo. Darating ang araw ay sa ibang bahay ka na mananatili at aalis ka rin sa poder namin,” sabi niya at nasa boses na niya ang lungkot. “Tiya Beth...” “Walang tiyahin na hindi masaya dahil may pamangkin siyang mabait at may talento sa pagkanta.” “Gusto ninyo po ba...na tigilan ko na lamang ito, Tiya Beth? A-Ayoko naman pong maging makasarili dahil inuuna ko po ang kasiyahan ko at pangarap ko kaysa sa inyo. Ayoko lang po na malungkot kayo ng dahil lang sa akin,” mahinang saad ko. Isa sa pamilyang ito ang pinapahalagahan ko ng sobra-sobra. “Eyse, mahirap ang kinalakihan mong pamilya, anak. Tingnan mo nga ang bahay natin, maliit lang at simple. Puro gulay rin naman ang ulam natin, ang agahan natin ay minsan saging lang. Ang kaya ko lang gawin sa ’yo ay ang pakainin ka ng apat o sampung beses sa isang araw. Isinasama pa kita para magtrabaho. Pinag-aral ka nga pero may plano pa ako na huwag ka na munang magkolehiyo sa susunod na taon. Ang habilin sa akin ng iyong Itay ay ang alagaan kita at ituring na parang tunay naming anak ng Tiyo mo. Nangako rin ako sa kanya na hindi kita pababayaan at palalakihin na may takot sa Diyos. Hindi naman ako nabigo sa mga bagay na iyon, Eyse. Nagawa ko naman ng tama ang responsibilidad ko sa ’yo,” mahabang sabi niya at narinig ko pa ang pagsinghot niya. Iyakin naman pala talaga si Tiya. “Bakit po ba ninyo sinasabi iyan sa akin, Tiya?” naguguluhan kong tanong sa kanya. “Sinasabi ko ito sa ’yo dahil alam kong aalis ka na. Tandaan mo, anak. Hindi ibig sabihin na hinahadlangan kita sa pangarap mo ay ayokong magkaroon ka ng marangyang buhay, na wala ka ng iisipin pa na problema. Hindi ko lang kayang magising na... araw-araw ay hindi ko nakikita iyang nakaiinis mong pagmumukha,” sabi niya pero pumiyok pa ang kanyang boses at kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Alam kong nagbibiro lang siya sa huling sinabi niya. “Tiya naman...” “Sa lahat ng pinsan mo ay alam mo bang ikaw ang mas minahal ko? Alam mo ba kung bakit ganoon?” tanong niya sa akin na inilingan ko dahil hindi ko alam ang dahilan niya. “Alam mo rin na parang anak ka na namin.” “A-Ano po ba ang dahilan, Tiya Beth?” “Kasi anak ka ng nag-iisa kong kuya. Anak ka ng nag-iisa ko sanang kapamilya. Pasensiya na kung minsan ay pinaghihigpitan kita. Alam mo naman na kung bakit, dahil babae ka at dalaga na. Nag-iingat lang kami sa ’yo, Eyse. Ikaw ang unang anak naming babae ng Tiyo mo. Ikaw, hindi mo kailangang isipin ang pamilyang ito. Unahin mo ang sarili mo at ang mundong tatahakin mo ngayon ay hindi madali pero umaasa ako na kaya mong lampasan ang kung ano mang pagsubok ang darating sa buhay mo.” Ibinaba ni Tiya ang pamunas niya sa hapag at lumapit sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya na ikinulong din ng mga palad niya ang mukha ko. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko at nanikip ng husto ang dibdib ko. “B-Bakit naman po tayo nag-iiyakan, Tiya?” tanong ko at nanginig pa ang mga labi ko. “Matapang ka, Eyse. Matatag at may prinsipyo sa buhay. Alam kong makakaya mo ito lahat. Palagi kaming nasa likod mo ano mang mangyari. Puwede mo kaming mahingian ng tulong at palaging bukas ang pintuan ng tahanan natin para sa ’yo. Noong lumuwas kayo ng Kuya Seb mo sa Manila ay inaasahan ko na agad ang magandang balita. Kaya naghahanda lang ako na pakawalan ka.” “T-Tiya hindi naman po talaga ako aalis...” umiiyak na sabi ko. “Masaya akong dumating ka sa buhay namin, anak. Sana nga ay hindi ka na lang naging pamangkin ko. Siguro kung pagbibigyan lamang ako, na mabuhay sa susunod pang buhay ay hihilingin ko na sana na ikaw ang magiging anak ko. Mabuti kang bata at alam ko rin na walang mahirap na pagsubok para sa ’yo. Nakikita ko ang pagiging matatag mo. Mahal na mahal kita, kaya mag-iingat ka roon at ang mga paalala ko sa ’yo ay huwag na huwag mong kalilimutan,” mahabang wika niya at mahigpit akong niyakap. Umiyak ako sa dibdib ni Tiya Beth. May lungkot man sa puso dahil posibleng aalis na nga ako sa bahay namin ay nandoon pa rin ang kasiyahan ko. Dahil hindi lang naging isang tiyahin sa akin si Tiya Beth. Naging isang mabuting ina rin siya sa akin kahit na minsan ay umeepal siya sa pangarap ko maging sa panaginip ko. Pero masaya pa rin naman ako na naging tiya ko siya at sila ni Tito ang nagpalaki sa akin. Hindi nila ipinaranas sa akin ang isang ulila lang. Mahirap man kami pero mayaman naman kami sa pagmamahal. “Sabi ko na, eh. Nag-iinarte lang talaga si Inay.” Boses iyon ni Kuya Seb. “Hayaan na niyo ang inyong inay. Nag-iisang dalaga natin si Eyse at normal naman ang mag-alala dahil babae siya.” “Lilipat ako ng paaralan, Kuya. Doon na lamang po ako sa Manila para mabantayan ko si Eyse,” sabi naman ni Kuya Dez. Humiwalay ako kay Tiya Beth at binalingan ko siya. “Bakit mo naman po iyon gagawin, Kuya Dez? Hindi po ba ay palagi mo akong inaaway?” ani ko. “Parang bata naman iyang dalaga niyo, Inay,” sabi niya at umiling pa. “Hindi mo ba ako babatiin, Kuya Dez?” tanong ko sa kanya at ngumiwi pa siya nang makita ang mahaba kong nguso. “Bakit naman kita babatiin, ha? Bakit birthday mo ba ngayon? Eh, ’di happy birthday!” “Kuya naman...” “Oo na. Binabati na kita dahil nangangamoy singer ang bahay na ito.” Nagpapadyak lang ako dahil sa sinabi niya. Natawa lang din kami sa huli. *** Kinabukasan din ay naghanda si Tiya Beth para sa maliit na salo-salo dahil sa matagumpay na pagluwas ko sa Manila. Iyong mga tagarito sa amin ay nagdala pa sila ng kanya-kanya nilang prutas para lamang ibigay sa akin bilang regalo dahil hindi na lang daw ako mangangarap nang gising, kasi matutupad na nga ang pangarap ko. “Eyse, huwag mo kaming makakalimutan, ha?” sabi pa nila na tinawanan ko. “Mukha po ba akong makakalimutin na tao?” magalang na tanong ko. “May mga tao kasi, Eyse. Na nakaahon sa hirap o gumanda na ang buhay ay aba, hindi na sila lumilingon pa sa pinanggalingan nila. Iyong tipong nakasakay sila sa magandang sasakyan nila ay lalagpasan ka lang habang naglalakad ka naman sa gilid ng kalsada.” “Hindi naman po lahat ay ganoon at saka po, bakit ko naman po makakalimutan ang pinanggalingan ko? Matik po ako sa Tiya Beth ko. Siya po ang magiging unang basher ko kung nagkataon,” pagbibiro ko. “Heh!” sita ni Tiya kaya napuno na naman kami nang tawanan. “Bibisita rin naman po ako rito kapag hindi ako abala. Mag-aaral din po kasi ako. Sige na nga... Ano ba ang gusto niyong pasalubong ko?” tanong ko. “Ang masarap na ulam lang, Eyse!” halos sabay-sabay na sagot nilang lahat. “Sige ba! Huhulihin ko lang po ang mga alaga niyong manok at ako ang magluluto.” “Eyse naman...” “Nagbibiro lamang po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD