CHAPTER 11

1985 Words
Chapter 11: Fiancé? NAKINIG lamang ako buong meeting namin at iniwasan ko na ang kulitin ang mga katabi ko dahil ako lang naman ang topic nilang lahat. Bakit naman kasi ganoon ang mga sinabi nila tungkol sa akin? Ano raw ang relasyon namin ni Sir Elton? Wala sa sariling napatingin tuloy uli ako sa kanya. Isa siyang mabuting tao. Nakikita ko mismo iyon sa kanya kahit hindi ko pa siya lubos na kilala. Dahil nararamdaman ko ang kabutihan niya. Isa na rin ang patunay noong binigyan pa niya ako ng pangalawang pagkakataon. Pero grabe naman ito kung gagawin nilang issue ang pagpasa ko sa singing contest kahit na oo, doon pa lang ay bumagsak na talaga ako. Ako ang nakararamdam ng guilt kapag madadawit ang pangalan ni Sir Elton ng dahil lamang sa akin na nangangarap na makapasok sa malaking entertainment na ito. Napaigtad naman ako sa gulat nang may dumampi na malamig na bagay sa kaliwang pisngi ko. Napatayo ako ng wala sa oras. “Sir Elton.” “You okay? Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” tanong niya sa akin. Nilingon ko pa ang mga kasamahan ko at sa amin talaga sila nakatutok. Kahit isa-isa ko pa silang tiningnan ay hindi man lang sila nag-iwas nang tingin sa amin. Hindi ba sila nahihiya? Napabuntong-hininga na lamang ako at muli kong naramdaman ang malamig na bagay sa aking kamay. Kinuha ko na lamang iyon at dahil parang natuyo nga ang lalamunan ko kaya uminom ako ng energy drinks. “H-Hindi niyo naman po ito kailangan na gawin, Sir Elton,” sabi ko. “What happened? I told you that I’ll be your mentor, Ms. Eysella,” he said. “Bakit...bakit po binigyan niyo ako ng pangalawang pagkakataon para mag-audition ulit?” Gusto kong malaman ang dahilan niya na kung bakit niya ito ginagawa sa akin. At bakit nga ba ako pa ang nilalapitan niya sa halip na lumapit siya iba ko pang kasamahan? Ayoko naman na mag-isip ng hindi maganda tungkol sa kanya. “It’s normal to make a mistake sometimes, ang pumalpak you know that. Para sa akin ay mahalaga ang oras. Hindi mo kayang ibalik ang oras na iyon na hindi ka tumigil sa pagkanta mo ay gusto kong ibalik mo ang pagkanta mo at gawin ito ng tama. That time was wasted and I know you waited for this day so why should I give you that opportunity to share your talent with us? It ain’t no joke for you to step on stage, because I know... You guys are preparing this very well.” “Pero bakit po ikaw ang magiging mentor ko? M-Marami pa po kaming pagpipilian mo, Sir Elton,” ani ko. “Discouragement and rejection, always remember this. Sa sampu kayong nandito ay bakit ikaw ang pinili ko as my student?” tanong niya. “Bakit po?” “Because you already got rejection from our other producers and composers. Because they believe, when you failed no chance of winning. They’re pretty perfect to think, aren’t they? That’s why they want a perfect singer too though it doesn’t exist. So, I’m here, a CEO will guide you all the time to lead the world of winning at sasamahan kita sa pangarap na gusto mong maabot. Alam kong malaki ang pangarap mo, hindi ba?” “Sir Elton. Kalabisan na po iyon,” sambit ko at napahalakhak siya. Ipinatong niya sa ulo ko ang kamay niya. “Wala akong masamang motibo. Ang gusto ko lang ay maging katulad ka nila,” aniya at inilahad niya ang palad niya upang ituro ang mga taong nasa paligid namin. “Hindi ba tayong mga Pilipino ay sama-sama at nagkakampihan? Alam kong kaya mo ito.” Napangiti na lamang ako sa huli. Feeling ko ang special ko naman. “Natatakot ka ba sa sasabihin ng iba?” tanong niya sa akin at dahan-dahan akong napatango. “Ang sabi nila...ano raw ang relasyon natin? At bakit mo ako pinapaboran?” tanong ko at hindi na siya tumigil pa sa paghalakhak. “Hindi ko inaasahan na transparent ka pala. Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba kung wala namang katotohanan. Huwag mong problemahin ang isang bagay na hindi naman dapat pagbigyan pa ng oras. Dahil sayang lang ang mga iyon. Mag-focus ka sa pangarap mo, Eysella Romel. Hindi sa sasabihin ng mga taong nasa paligid mo. Dahil iyan ang totoong distraction para sa atin. Dapat palagi ka ring positibo.” Mas namangha ako sa pag-uugali at katangian ni Sir Elton. Sa mga sumunod na araw ay tinuruan niya ako sa mga dapat kong gawin bilang isang singer at siyempre kasama ko roon sina Minny at Ms. Yena. Hindi naman kasi palagi na kami lang ni Sir Elton ang naiiwan. Hindi naman naiilang sa presensiya. Baka kinakabahan ay puwede pa. Ewan ko ba sa sarili ko, eh. Nang binigyan kami ng break time ni Sir Elton ay nagmamadaling lumabas si Minny para kumuha raw ng maiinom namin. Kahit si Ms. Yena ay nagpaalam din para magbanyo. Kaya naiwan kaming dalawa ni Sir Elton sa loob ng studio niya. Oo, personal studio niya ang gamit namin. Oh, ’di ba? Super special ko nga talaga. Kaya natatakot ako na baka mabigo ko siya. Kaya gagawin ko talaga ang makakaya ko. Ayokong ipahiya si Sir Elton. Ayokong ipahiya siya na tinanggap niya ang isang katulad ko na magbabagsak lang pala sa CEO namin. Iiwan ko ang bagay na iyon na mangyari. “Sino pala ang nagturo sa ’yo nito?” tanong niya at ang tinutukoy niya ay ang gitara. “A-Ang Kuya ko po,” sabi ko at hayan na naman ang sobrang kaba ko. Nagiging kaswal na nga ako, eh. “May meeting kami kasama ang mga producers. Pipili kami ng tatlo sa sampu para sa first album na mai-release namin this year.” Na-excite naman ako sa sinabi niya. Masuwerte pa kaya ako na mapili rin ako? Sana nga, eh. “But solo iyon. Alam ko na hindi pa...ito ang tamang oras para sa inyo. May proseso pa...” Tumango na lamang ako dahil wala naman akong masasabi pa. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sahig. Para yata ibalik sa pinaglalagyan niya ang gitara pero dahil ginamit ko nga iyon kanina ay hindi niya sinasadyang masagi ang backpack ko. Wala namang mga gamit ko ang nahulog, ang bag ko lang. Nakita ko pa ang pagyuko niya at hinawakan niya ang isang bagay na basta na lamang inilagay roon ni Janjan. Tumayo ako upang lapitan siya. “Sa iyo ang backpack na ito, hindi ba Eyse?” tanong niya sa akin at sinulyapan pa ako. “Akin nga po,” sagot ko at hindi ko pa magawang kunin mula sa kanyang mga kamay ang backpack ko dahil hawak-hawak niya ang keychain. Oh, ang keychain na nakalilimutan kong tanggalin. “Hindi po sa akin ang keychain na iyan, Sir Elton,” sabi ko at napatitig uli siya sa mga mata ko. “Talaga?” “Opo. Ibinigay ko iyan sa isa kong kakila sa school namin. Para kung may maghahanap ay maibigay niya iyan pero wala raw, eh. Kaya ibinalik na lamang niya sa akin.” “Because he purposely left it up to you to know who owns the voice inside the music room,” mahinang bulong niya na hindi ko na masyadong naintindihan pa. Kasi parang Ingles. naman iyon, eh. Sobrang bilis din. Pero may nahabol din naman itong pandinig ko sa sinabi niya. “Music room po? Paano niyo po nalaman na naiwan ito ng may-ari sa music room?” namamangha kong tanong. “Ha?” gulat na tanong naman niya. “Sa music room nga po ito na naiwan ng may-ari, eh,” ani ko at ibinalik na niya iyon sa akin. “Baka kung makita po ito ng may-ari ay sasabihing niya na ninakaw ko ang keychain niya. Si Janjan kasi, eh.” Sinubukan ko nang tanggalin iyon. Ako na kasi ang nahihiya, eh. “Keep that. Dahil baka sinadya niyang iwan iyan para sa ’yo.” “Ha? Imposible naman po iyon,” ani ko. “Malay mo,” sabi niya lang at magsasalita pa sana ako nang magkasunod na dumating ang dalawa. “Heto na, guys. Meryenda muna po tayo, Sir Elton.” Umupo na ako ulit sa couch at sa kabila naman umuwi si Sir Elton. Si Ms. Yena ang katabi kong umupo. Sa kalagitnaan nga ng meryenda namin ay siya namang pagdating ni Ms. Veronica. “Hi, Elton! Naabala ko ba kayong lahat?” tanong niya at malapad pa ang ngiti niya. “Ms. Veronica, ikaw pala. Halika, samahan mo kami sa meryenda,” pag-aaya ni Ms. Yena. “Tamang-tama naman pala ang dating ko!” masayang saad pa niya. Umupo agad siya sa tabi ni Sir Elton. Nang bigyan siya nito ng drinks ay may kung ano na naman ang pumipiga sa puso. Hayan na naman ang pagsikip ng dibdib ko. Ewan ko kung bakit hindi ko sila kayang tingnan nang ganito, eh. “Bakit pabigla-bigla ang pagpunta mo rito, Veronica?” tanong ni Sir Elton sa kanya. Humilig pa siya sa balikat nito bago siya sumagot. “Kasi alam kong nandito ka, eh. Palagi kaya tayong kumakain ng meryenda ng magkasama. Pss.” Napahawak ako sa dibdib ko. Naguguluhan na talaga ako. Ano kaya ang totoong relasyon nila? Wala naman kasi akong nalalaman tungkol sa kanila, eh. Kaya clueless ako palagi, eh. “Puwede ka naman pong pumunta rito, Ms. Veronica,” ani Minny. “Sige, gusto ko iyan!” natatawang saad pa niya. Tumayo naman ako at napatingin pa sila sa akin. “Hi, Eyse. Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin. “Uhm, magbabanyo lamang ako,” paalam ko at naramdaman ko pa ang pagtingin sa akin ni Sir Elton pero hindi ko na lang siya pinansin pa. Lumabas na ako na mabigat ang dibdib. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Paglabas ko naman ay hindi ko sinasadyang mabangga ko ang taong sasalubong din pala sa akin. “Sorry po!” natatarantang sabi ko at inalalayan ko siyang makatayo kasi siya ang bumagsak sa sahig. “Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?” naiinis nitong tanong sa akin. Kinabahan pa ako nang makilala ko siya. “Ms. Allona...” “Oh, ang baguhan naming aspiring singer. Ang special na singer ika ng lahat. Palagi mong kasama ang fiancé ko.” “F-Fiancé?” nagulat kong tanong sa kanya. Sino ang tinutukoy niyang fiancé niya? “Hindi mo alam kung sino ang fiancé ko? Ms. Romel, katulad ka talaga ni Ms. Veronica. Na palaging nakadikit sa fiancé ko. Si Sin Elton Baudelaire ang tinutukoy kong fiancé mo. Tss.” Napatitig ako sa likod niya nang bigla na lamang siyang nag-walk out. Naguguluhan din ako kung ano ang relasyon ni Ms. Veronica at Sir Elton, pero hindi ko inaakala na nandiyan pa pala si Ms. Allona. Kung ganoon ay hindi girlfriend ni Sir Elton si Ms. Veronique? Dahil totoong fiancè niya si Ms. Allona? Pagpasok ko sa banyo ay parang lumilipad pa ang isip ko. Napahinga ako nang malalim at nanghilamos na lamang ako. “Mali yata ang pinasukan mong banyo, Eyse.” Napatalon ang balikat ko nang marinig ko ang boses ni Sir Elton at nagkatinginan pa kami sa malaking salamin na nasa harapan namin. “Po?” “Ano ba iyang iniisip mo? At bakit nasa ibang banyo ka?” naaaliw na tanong niya sa akin at nang may pumasok nga na isang lalaki ay namilog ang mga mata ko. Hinawakan niya ako sa balikat at inilabas doon. Nang makalabas na nga kami ay natawa na lamang siya. Napakamot ako sa batok ko dahil sa kahihiyan. Baka sabihin niya na masyado akong ignorante. “Pasensiya na po. Nagkamali ako, kasi hindi ko po napansin, eh,” sabi ko at hinawakan niya lang ang ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD