CHAPTER 14

1908 Words
Chapter 14: Crush? “OPO SOBRA. Ang Tiya at Tiyo ko lang po ang nagluto ng mga pagkain na nakahanda lahat. Tapos sa tulong pa ng dalawa kong kuya,” pagbibida ko pa. “Sir Elton, maupo na po kayo,” pag-aaya ni Tiya Beth nang makalapit sa amin. “Kahit tawagin niyo na lamang ho ako sa pangalan ko, Ma’am,” sabi niya. Kahit sa Tiya ko ay super bait niya rin. “Oh... Siya sige. Huwag kayong mahiya na kumain, ha? Kung may kailangan kayo ay nandiyan naman si Eyse.” “Maraming salamat po talaga!” “Wala iyon. Sige na, kumain na kayo. Doon lang ako sa kanilang mesa. Eyse, ikaw na ang bahala, anak?” ani Tiya at hinagod pa niya ang likod ko. “Opo, Tiya,” sagot ko naman. “Amoy pa lang ay masarap na,” puna ni Ms. Yena. Magkatabi kaming nakaupo ni Sir Elton at nasa aming harapan naman sina Minny at Ms. Yenna. Nasa kabilang mesa sina Kuya at tahimik na nanonood sa amin. Sinimangutan ko silang dalawa nang magtagpo ang mga mata namin. Bakit ganyan sila makatingin kay Sir Elton? Kanina pa sila sa school, ah. Parang nagkaroon ng atraso sa kanila na handa na nilang susugurin ano mang oras. Hanggang sa hindi na nga nakapagpigil pa ang mga pinsan ko. Binuhat nila ang dalawang upuan nila at naki-table rin sila sa amin. Nagulat pa nga ang kasamahan ko sa biglaan nilang paglapit. “Hi, I’m Sebastian Salvatore. Nakatatandang pinsan ako ni Ella--- ni Eyse. Isa ako sa nagpapaaral sa batang iyan.” Inirapan ko siya dahil sa itinawag niya sa akin. Hindi na kaya ako bata. “Sin Elton Baudelaire, I’m her mentor,” pagpapakilala naman ni Sir Elton. “Dezustian Salvatore, isang taon lang ang agwat namin ni Eyse. Ikaw? Ilang taon ka na ba?” Ay, bakit iyon pa ang tinanong ni Kuya Dez? Kung sabagay naman maski nga ako ay hindi ko rin alam kung ano na ang edad ni Sir Elton. Alam ko naman na mas matanda siya kaysa sa akin. “I’m 27 years old,” sagot nito sa tanong ng aking kuya. Twenty seven? 27 na nga siya? Mas matanda pa pala siya kaysa kay Kuya Seb, hindi lang sa akin. “Ano ba ang tingin mo sa pinsan ko? Iyang si Eyse ay parang nakababatang kapatid na namin iyan,” ani Kuya Seb. Sina Ms. Yena at Minny ay patuloy lang sila sa pagkain nila pero nakikinig at nanonood pa rin sila. “Kuya, ano’ng klaseng tanong po ba iyan? Bakit po ba kayo nangungulit sa amin?” tanong ko at pasimple ko silang pinandilatan ng mga mata. Pero hindi ko nakuha sa masamang tingin lang. Ang kulit nila talagang magkapatid. “Ano ang tingin ko kay Eyse?” tanong ni Sir Elton at sinulyapan pa ako nito. Naninimbang na tiningnan niya ako. “Parang estudyante ko lang naman siya at ako bilang guro niya ay ginagawa ko ang lahat para maabot niya ang mga pangarap niya,” dagdag pang sambit niya. “Parang isa ring kapatid at kagaya niyo ay isa rin akong kuya niya. Huwag kayong mag-aalala, wala naman akong masamang motibo sa pinsan ninyo,” aniya at hayan na naman ang paninikip sa dibdib ko. Parang isang kapatid at kuya? Hays. “Mabuti kung nagkaiintindihan tayo.” “Kuya naman kasi, eh!” sigaw ko sa kanila. “Sige, kumain na kayo. Pasensiya na sa abala,” sabi ni Kuya Dez saka sila bumalik sa puwesto nila kanina. Doon sila kina Tita Beth at Tiyo Geb. Pambihira naman sila, oh. “Sorry po sa kanilang dalawa. Makulit po kasi sila, eh,” sabi ko. “I understand, Eyse. Siguro kung ako rin ang nasa sitwasyon nila ay baka ganoon din ang gagawin ko,” ani Sir Elton. “Huwag mo nang intindihin pa iyon, Eyse. Kumain ka na lang,” wika naman ni Ms. Yena. “Ang sarap nga talaga ng mga pagkain nila. Oo nga pala, Eyse. May gift kami para sa ’yo.” Inilabas naman ni Minny ang maliit na regalo niya. “Nag-abala ka pa, Minny,” nahihiyang sabi ko. “Hindi ito abala, Eyse. Gift ito, ano? Sige na, buksan mo.” Nang buksan ko nga ay bumungad sa akin ang magandang relo at sa hitsura pa lamang nito ay mukhang mamahalin na naman siya. “Minny, alam mo... Sobra ’to, eh. Ang ganda-ganda niya. Hindi ako...materialistic na tao. Pero dahil regalo mo nga ito para sa akin ay sige tatanggapin ko. Salamat, Minny,” nakangiting sabi ko at tumango-tango siya. “Heto naman sa akin. Tiyak na hindi ka magdadalawang isip na tanggapin iyan,” sabi naman ni Ms. Yena. Mas malaki nga ang regalo niya para sa akin. Kulay pula na sweater naman ang bigay niya sa akin at may puting t-shirt pa sa loob na may tatak na pangalan ng kompanya ni Sir Elton. “Wow... Maganda nga siya at kahit lumain ko pa siya ay ayos na ayos,” utas ko. “Thank you po rito, Ms. Yena.” “Ikaw po, Sir Elton? Ano ang gift niyo?” tanong ni Minny. “Cellphone po,” sagot ko. “Kailangan mo nga iyan, Eyse.” “Hindi rin naman po ako mahilig sa cellphone pero dahil kailangan ko nga po ay tinanggap ko na lang din,” wika ko. “Eyse, puwede ba akong magtanong?” tanong ni Minny. “Oo.” “Kung okay lang naman sa ’yo, kung hindi ay hindi mo kailangan na sumagot sa mga tanong ko.” “Sige, ayos lang naman.” “Bakit pala...ang auntie mo ang kasama mo ngayon sa buhay?” tanong niya sa akin. Nang sulyapan ko nga ang pamilyang nag-alaga sa akin ay masayang-masaya silang nakikipagkuwentuhan. “Kapatid ng itay ko si Tiya Beth. Pitong taong gulang pa lamang ako nang namatay ang aking tatay. May sakit kasi siya, tapos ang nanay ko naman ay hindi ko na rin nakita at naabutan pa. Alam kong magkasama na silang dalawa ngayon,” kuwento ko. “Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kung wala sila ay wala rin ako ngayon. Sila ang pamilyang nag-alaga sa akin simula pagkabata ko at hanggang ngayon,” sambit ko pa. “Nakikita nga namin na sobra kang mahal ng pamilyang kinalakihan mo, Eyse,” sabi ni Sir Elton at lumapad lang ang ngiti ko. “Opo.” PAGKATAPOS naming kumain ay nanonood sa mga palaro sina Ms. Yena, Minny at Sir Elton. Nagpaalam naman ako sa kanila na magpapalit lamang ako ng damit. Dahil kahit malamig naman ang klima ng panahon ay naiinitan pa rin ako. Kasi ang suot ko ay uniporme at toga. Pagpasok ko nga sa bahay namin ay sumunod pala sa akin ang dalawa kong kaibigan. Para lang daldalin ako nang daldalin. “Ikaw, ha Eyse! Hindi mo sinabi sa amin na ang pogi naman pala ng mentor mo sa Manila,” ani Janjan at napadaing ako nang kurutin niya ang baywang ko. “Janjan naman, masakit kaya iyon,” reklamo ko sa kanya. “Grabe, parang nakakita na rin ako ng artista sa personal. Pero mukhang mas guwapo pa yata siya kaysa sa mga modelo at artista na napapanood natin sa TV, ’no Janjan?” saad naman ni Moneth at nangalumbaba pa sa maliit kong mesa. “Sang-ayon ako riyan, Moneth,” tumatangong saad naman ni Janjan. “Lumabas na nga muna kayong dalawa. Magbibihis pa ako. Kanina pa ako naiinitan sa suot ko,” pagtataboy ko sa dalawa at hinila ko pa pareho ang mga kamay nila. “Alam mo sa totoo lang, Eyse. Kakaiba ang tingin niya sa ’yo,” puna ni Janjan. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. “Tumigil ka riyan, Janjan. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo, eh,” sita ko sa kanya. “Pero bagay naman kayo, Eyse. Kaya ayos lang kung kakaiba ang tingin niya sa ’yo.” “Ikaw rin, Moneth,” sabi ko at nang tuluyan ko silang nailabas ay isinara ko ang pintuan ng aking silid. Kumatok pa nga silang dalawa. “Aminin mo, Eyse. Nagka-crush ka rin sa kanya, ’no? At saka hindi ba ang sabi mo sa amin ay type mo ang mga mababait na lalaki?” tanong ni Moneth at napahilot ako sa sentido ko. “At iyon na ang Sir Elton mo, Eyse!” “Ang ganda ng bouquet mo, Eyse! Balita ko ay ang Sir Elton mo nga ang nagbigay niya!” “Sakay ka pa kanina ng maganda at mamahalin niyang kotse ang sabi pa nila!” “Kaya baka crush mo na siya, hindi ba?” “Tumahimik nga kayong dalawa riyan! Nasa labas lang siya at baka marinig pa kayo! Mamaya niyan ay maniwala pa siya sa mga pinagsasabi ninyo!” saad ko. Narinig ko lang ang malakas na tawanan nila. Magka-crush sa sarili kong mentor? Posible kaya iyon? Pinilig ko naman ang ulo ko nang bigla na lang sumulpot sa isip ko ang imahe ni Sir Elton. Oo na, guwapo nga siya pero... may crush nga ba talaga ako sa kanya? Eh, mukhang wala naman... Napatutop naman ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang pagbilis nang t***k ng puso ko. Geez, mali naman ito, eh. Isinuot ko ang bestida na binili sa akin ni Tiya Beth. Off-shoulder ang tawag ng style nito at ang kulay naman niya ay baby blue. ’Sakto ang size nito sa akin. Nakalugay lang ang buhok ko at hindi na ako nag-abala pa na itali ito o itirintas. Ayoko naman kasing magtagal pa rito. Nag-apply na rin ako sa mukha ko ng face powder. Para mas magmukhang fresh pa rin ako. Chos. Flat sandal ang suot kong panyapak at pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na rin ako. Habang papalapit nga ako sa kanila ay naramdaman ko agad ang dalawang pares ng mga mata niya at pamilyar iyon sa akin. Uminit agad ang magkabilang pisngi ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Sir Elton. Bakit niya ba ako pinapanood habang naglalakad? Nakararamdam tuloy ako ng kahihiyan. Tila gusto ko na lang bumalik sa kuwarto ko at magkulong na lamang. Mabilis din ang t***k ng puso ko. “Eyse, ang ganda mo sa suot mo,” puna sa akin ni Minny samantalang ngumiti lang sa akin si Ms. Yena. Sana wala ng dudugtong pa. “Hindi po ba, Sir Elton? Ang ganda ni Eyse ngayon?” Kasasabi ko lamang kanina, eh. Kasi naman. “Yeah. She is... She’s beautiful,” nakangiting sabi niya at alam kong pulang-pula na ang pisngi ko lalo na nang pasadahan niya nang tingin ang kabuuan ng mukha ko. Nabibingi na ako sa malakas na tambol ng aking dibdib. “May good news din pala kami sa ’yo, Eyse,” ani naman ni Ms. Yena at siya na lamang ang binalingan ko. “Ano po iyon?” “Isa ka na sa napili para magkaroon ka ng solo album mo,” sagot niya at nanlaki ang mga mata ko sq gulat. “But Eyse, alam mo na hindi madali ito lalo pa na wala pang nakakikilala sa ’yo kaya kung ano man ang magiging resulta ng lahat ay sana...hindi ka mawalan ng pag-asa at hindi bababa ang self-confidence mo,” ani Sir Elton. Napatango ako. “Hindi ko po nakalilimutan ang mga sinabi niyo sa akin tungkol sa Discouragement and rejection,” nakangiting sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD