Adrielle’s POV
“God! I never been tensed like that before.” Napaupo si Cedric at pinunasan ang kanyang noo. Pinaypayan din niya ang sarili niya gamit ung v-neck shirt niya.
Pag-angat ng shirt niya ay para bang nagliwanag ito at di sinasadyang masilayan ko ang abs niya na parang kumikinang dahil sa pawis.
Napatulala ako at napahalf-open ang bibig ko.
“Hey! Catch it! You’re drooling.” Napatawa siya sabay tingin sa microphone na katabi niya.
“Sayang naman kung di natin magagamit! Here pay for this and let’s sing together.” Sabay kuha niya ng wallet at abot niya ng 1000 pesos.
“Come on! Take it and let’s sing. I will lock the room, just knock and what’s your name?” Tanong niya.
Parang nasa panaginip ako at ayaw ko ng magising. Pinoproseso ko pa kung totoo ba ito? Ano na ba? Pinindot ko ang pisngi ko.
“Hey! You’re not dreaming. Sun Mall will be closed soon. So, you better hurry.”
Tumayo siya at nilapitan ako.
“Do you want a proof that this is not a dream?” Nilapit niya ang mukha niya sakin.
Hinarangan ko ang mukha ko ng palad ko. “Hindi na kailangan. Alam ko na. Teka magbabayad lang ako. Wait for me here! I will help you to be where you are. Okay? I am Adrielle.” Dire-diretso kong sabi at saka tumalikod. Lumabas na ako ng KTV room.
Narinig ko ung paglock ng pinto at tawa niya.
“God! Nakakahiya po!” Yan nalang nasabi ko.
Nagpunta ako sa cashier na parang lumulutang. Tang juice! Last day ko na ba sa Earth?
“Bayad po sa KTV room. 30 minutes lang po.” Nagulat ako ng may pera akong hawak. Iniabot ko na ang 1000. Nakuha ko pala ung 1000 niya. Hindi ko napansin.
“Maka-po ka ha? May problema ka? Feeling mo bata ka? O siya, nene eto sukli mo. Balik ka ulit, nene.”
Nagulat ako at eto nalang nasabi ko “Ano?!”
“Eto sukli mo, maam. Enjoy!” Sabay ngiti nung kahera na para wala siyang sinabing kakaiba.
Kinuha ko nalang nga. Binalikan ko na si Cedric. Kumatok ako.
“Password, please?” Tanong niya.
“Adrielle.” Sabay bukas ng pinto.
“What took you so long? Come on! Let’s sing.” Nakangiti niyang sabi.
Hindi ito ung kilala kong artista. Hindi ganito ung nakikita ng mga fans. At tingin ko e maswerteng-maswerte ako ngayon.
“One way or another. I’m gonna find yah. I’m gonna get you, get you, get you, maybe next week.. Are you with me?”
Sabay abot niya ng microphone. This is my moment. Kinuha ko ang microphone.
“Yes.. I’m gonna win you..”
Binuhos ko ang lahat sa kantang ito na after neto namalat ako.
“Are you okay? We’re not having a concert. We’re just having fun. So, relax.” Nakangiti niyang sabi. Sabay stretch niya ng kamay at nilagay sa likod ng upuan. Para na rin siyang nakaakbay sa akin.
Juice-colored! Totoo talaga to!
“Ah, oo naman.” Napatawa ako.
Kumanta pa kami ng Perfect Strangers ni Jonas Blue.
“You were looking at me like you wanted to stay. When I saw you yesterday. I am wasting no time, I’m not playing no games. I see you.” Sabay bigay ng microphone sa akin.
“Who knows the secret tomorrow will hold? We don’t really need to know. Cause you’re here with me now, I don’t want you to go.”
Iniabot ko ang microphone sa kanya.
“Maybe, we’re perfect strangers. Maybe it’s not forever..” kanta niya. Kung pwede lang i-video.
Biglang sumakit ang tiyan ko. Bakit naman kaya? Ito na ba ung butterflies in your stomack?
Sige pa rin siya sa pagkanta. Masakit pa rin para akong najejebs. Bad timing naman. Baka naman utot lang to. Juice-colored! Why now? Pano kaya? Ano gagawin ko ngayon? Ito ang mga pwede ko pagpilian.
A. Pigilin to
B. Mag-eexcuse at aalis muna
C. Hahayaan at magbaka sakaling wala ito amoy
Grabe! Parang nagsisimula na akong pagpawisan. Kung letter A ang pipiliin ko, it can cause unnecessary cramps and pain. Kung letter B baka naman pagtayo ko e mautot na ko. Worst is kung pagtayo ko nakatapat pa eto kay Cedric. Kung C naman, 99% of a fart is composed of odorless gases. The remaining 1%, usually sulfurous, give farts their pungent aroma. May sulfur ba ang onion? Waaaa.... Ito kinain ko nung tanghali e. Beefsteak na 80% sibuyas at 20% beef. E masarap sibuyas dun e. Bakit ba? Pero bakit ngayon pa ko nauutot? I need you now Mang Google! Bahala na! C na lang!
Prrrrrrrrutttttttt..........
Mahinang utot lang naman sana walang amoy. Please, sana walang amoy. Hindi nya maririnig dahil kumakanta naman siya. Bakit ngayon pa?! Sa harap pa ni Cedric?! Waaaaaa nakakahiya eto.
Oh no! May naamoy akong hindi maganda. May sulfur ang onion!
Tinignan ko ang mukha nya. Nakakunot na ang noo nya. Waaaaaa..... Kill me now! Lamunin na sana ako ng lupa ngayon!
Napatigil siya sa pagkanta. Juice-colored!!! Pano na? Close na close kasi tong KTV room. Huhuhu
Medyo lumayo si Cedric. Sabay ng ilong at sabi ng "Did you just fart?". Waaaaaaa....... Kung idedeny ko wala rin naman magagawa yun! Aamin na lang ako.
Taas noo kong sinabi na "Yes. I did! Normal people and even the healthiest people do fart, right? Tell me who doesn't fart. You do fart too, right?"
“Pfffft....” Halatang nagpipigil ng tawa. Psh...
"You may laugh." After ko sabihin yun, tumawa siya ng tumawa. Bigla syang nagsalita.
"You know what? That would be beneficial to someone who has a high blood pressure."
Pinagsasabi neto. Tinignan ko sya na may pagtataka.
"Well, the stink in farts control blood pressure. Weird, right? However, it's a fact."
"The thing is hindi ako high blood.” Pagkatapos nya sabihin yun e napatawa na din ako.
"So, kelangan ba magtanong muna ako kung high blood ang katabi ko bago ako umutot?" Natatawa kong tanong.
“Yeah! To make it serve its purpose.” Natatawa niyang sabi.
“Well, I guess. We need to go. Sun Mall will be closing soon and this place, you made it stink.” Tawa pa rin siya ng tawa.
“Oh yeah! I hope this could happen to you too.” Nakakahiya. Bakit ngayon pa?
“So, where are we going?” Tanong niya.
“Hatid na kita. Sigurado hinahanap ka na.” Sabi ko ng nakangiti.
“Yeah. Surely.” Malungkot niyang sabi. Ako lang ba o malungkot talaga siya?