Cedric's POV
"What happened? Why am I here?" Tanong ko sa babaeng katabi ko.
Agad naman siyang lumingon pero halatang nagulat siya. Mas gulat pa siya sa akin. Samantalang ako nga dapat magulat. Bakit ako nandito? Nasa mall pa rin naman ako. Nasa wash room ako kanina e.
"Ce-cedric?" Tanong niya.
Hindi ko alam kung kailangan ko ba siyang sagutin pero kitang-kita sa mukha niya na manghang-mangha siya.
Sa tagal ko na nag-aartista sanay na ako sa mga ganitong pangyayari. Kaya naman hinayaan ko lang siyang tignan ako. Well, I can say na maganda siya.
Napansin kong may mga napapatingin na sa akin kaya naman dahan-dahan akong gumilid. Dahan-dahan ko ring tinakpan ang gilid ng mukha ko.
Ano naman mangyayari sa akin pag nakita ako ng mga fans ko rito? Wala akong bantay, walang body guards. Dudumugin ako rito.
Napakagat labi na lang ako at nagsisimula ng pagpawisan ang noo ko sa kaba. Napatingin ako sa magandang binibini.
Palapit siya ng palapit. "Panaginip ka lang ba?" Takang tanong niya.
Iniangat niya ang hintuturo niya. Pipindutin ata mukha ko e. Gusto ko tumawa pero mas malakas ang kabang nararamdaman ko.
Kung hind lang ako kinakabahan na makita ng mga fans dito, ikokonek ko hintuturo ko sa kanya sabay tanong ng sino ang alien sa atin? hahahaha ET style. Pero dahil maganda ka naman, papayag akong maging alien. I smirked on the thought.
Napansin kong nagbubulungan ang mga tao sa paligid. This is bad.
Mabilis kong hinila ang kamay niya at nilapit ang aking mukha.
"Let's escape, milady!" Bulong ko sabay ngiti.
Adrielle's POV
"Let's escape, milady!"
"Let's escape, milady!"
"Let's escape, milady!"
Loading...
Waaaa... Napasigaw ako, "CEDRIC?!"
Agad niyang tinakpan ang bibig ko at agad na tumalikod sa mga taong nagmamasid. "Ssshh.. Quiet. Gusto mo ba akong dumugin dito?" Bulong niya.
Nagsisimulang magbutil-butil ang pawis niya sa noo. Kinakabahan siguro siya. Pero... sarap simsimin ni Cedric. Ang bango!!! Pero teka...
"Pano ka ba nakapunta rito?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya.
Yung magic selfie app. Aww.. Kasalanan ko. Kinuha ko ang scarf sa bag ko. Hindi ako si Doraemon pero buti nalang ready ang bag ko at nakadala ako ng scarf. Lamigin kasi ako kaya nagdala ako neto. hahaha
Ipinatong ko sa ulo ni Cedric ang pink na scarf at nagsimulang ipulupot ito. Mas matangkad siya sa akin. Pero abot ko pa rin naman siya kahit papano.
"Buti kalmado ka pa rin?" Pabulong kong tanong sa kanya.
"Kailangan. Kung hindi mas malala pa mangyayari." Napahawak siya sa ulo niya at alanganing ngumiti.
SYET!!! Upclose walang pores mga besh! Confirmed! My God! Tao ka pa ba? Ano ba panaginip ba ito? Nasa heaven na ba ako?
Nawala ako sa pagmumuni-muni ko nang lapitan kami ng guard. "Hoy! Ano ginagawa niyo diyan?" Saway ng lalaking guwardiya.
"Ay! Wala po! Tara na?" Inakbayan ko si Cedric at dali-daling hinila siya. Nakayuko lang siya habang naglalakad kami.
"Pano na ba ito? Ano na gagawin natin? Saan ka ba dapat ngayon? May shooting na ba kayo today para sa teleserye nyo ni Cassandra? Ano na pano na ba?" Sunud-sunod kong tanong nang bigla siyang huminto.
"I don't know. I have never been outside without my bodyguards. Maybe, you can recommend a place?" Nakangiti niyang sabi.
My heart melts. Ano be! Weg nemen genyen!
Nagmamaganda pa ako nang may babaeng biglang sumigaw ng "CEDRIC!!!"
Nataranta kaming dalawa ni Cedric at dali-dali kong hinawakan ang kamay niya at hinatak.
"Si Cedric 'yon oh!"
Mabilis lang kami lumakad dahil pag tumakbo kami lalo kami mapapansin. Habang hatak-hatak ko siya, sinusulyapan ko siya. Nakayuko lang siya habang naglalakad.
Against all odds ang peg bwahahahahahaha
Adrielle and Cedric eloped. Naks hahahahaha
Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. "San ba tayo?" Tanong ko sa sarili ko at nung makita ko ang arcade. Agad akong pumasok dun hatak-hatak pa rin siya. Alam ko na.. sa KTV room.