Kafanatic number 3

939 Words
Adrielle's POV "Ang tagal ko ng naghihintay kay Lola!" Nangangawit na ang mga binti ko. Hindi naman ako puwede umupo na lang dito. Naka-dress kaya ako! "Takte si lola o!" Reklamo ko. Napatingin ako sa cellphone niya. Walang tatak? Inopen ko ito at parang iPhone style lang pero iisa lang ang app. Napakamot ako sa ulo. May camera sa harap at likod. Pero iyon lang? Walang messages. Walang contacts. Hindi ka rin puwede tumawag. Ano ba itong cellphone na'to? Cellphone ba talaga ito? Iisa lang kasi talaga ang nakalagay na app at ito ay ang magic selfie. 'Yong sinasabi ni lola na matutuwa raw ako. "Sus! Hanapin ko na nga lang si lola." Pumasok ako ng CR. Maraming tao pero ni isa sa kanila ay hindi si lola. Inisa-isa ko ang mga mukha nila. Naningkit na ang mga mata ko kakahanap pero hindi ko pa rin makita. Mangatok na kaya ako? Baka naman nagtatae si lola. Inisa-isa ko ang mga cubicle. "Lola?" Tawag ko. Kinatok ko na ang unang pintuan. "Hindi ako ang lola mo! Wala akong apo!" Sigaw ng matanda. "Ah? Ah... Okay. Sorry." "Lola!" Tawag ko sa pangalawang pinto. Pero wala ng sumasagot. Tae! Anyare sayo lola? Lumabas akong bagsak ang mga balikat ko. Nasaan na ba siya? Paano na itong walang kwenta niyang cellphone? Sumandal ako sa pader na malapit sa CR. "Ugh! Makapag-selfie na nga muna. Try ko itong nag-iisang app dito." Pinindot ko na ang app at agad naman itong bumukas. Be with your fave artist. Pick an artist now. "Waaaaaa... Okay ito ha!" Biglang lumabas ang mga litrato ng iba't ibang artista. Napako ang tingin ko sa isang artista. "Oh my gosh!!! Meron din si Cedric!" Napatili at napasigaw ako. Napatalon din ako. Napatingin ang mga dumadaan sa akin pero wala akong paki. Inhale. Exhale. Okay. Kalma. Ibang artista muna. Pinili ko muna si Daniel Radcliffe. Nagbukas na ang camera. Waaaaa... Napatalon-talon akong muli. Nakikita ko si Daniel Radcliffe na katabi ko ngayon. Nakatingin sa camera at nakangiti. Sa sobrang pagkaexcite ko ay niyakap ko ang katabi ko pero muntik pa akong matumba. Nayakap ko lang ang hangin. Awww... Pero ayos na ito. Inayos ko na ulit ang camera. Kita ko na ulit si Daniel. Checking the angles. Ayos na ayos talaga 'to. Kahit saan ko itapat ang camera hindi nawawala ang tingin ni Daniel sa camera. Kaya lang hindi ko siya puwede mayakap o kaya ikiss. Imaginary lang. Illusyon lang ang nakikita ko sa camera. Di bale na. Ienjoy ko na lang ang illusyon na ito. Nakalimang shots kami ni Daniel Radcliffe. Hahaha Ang saya naman ng app na ito. Kaya lang kung may ganitong app si lola, bakit kailangan pa niyang makipagsiksikan kanina? Hay! Hayaan na nga. Malay mo kasi nga iba pa rin pag mahawakan mo yung idol mo. Hehe Ang sinunod ko naman ay si Daniel Padilla. Oh my tang juice! Ang gwapo-gwapo niya. Sampung shots kami. At syempre hindi mawawala si James Reid. Waaaaa... Reid alert!!! Nakakapangagat labi ang kagwapuhan ni James Reid. Sayang hindi ko sila puwede mayakap at mahalikan. Sumunod si Kathryn Bernardo. Kambal ko kaya yun bukod kay Nadine Lustre. Waaaaa... Hindi naman puro boys ang mga idolo ko noh! At syempre si Nadine Lustre ang sumunod. Si Liza Soberano at Enrique Gil din. At hindi mawawala si Alden! Waaaaaa... Mr. Dimples!!! Sumunod si Maine. Wala mang forever kay Maine at Alden pero naniniwala akong may forever kami ni Cedric. Napahalakhak ako sa iniisip ko. Waaaaaa... Ito na! Save the best for last!  "San na ba si Cedric?" Bulong tanong ko sa sarili ko.  Uy! Narito rin si Cassandra ang on screen partner ni Cedric. Pero syempre skip ka noh!  Cedric.. O yan na! Sa wakas, nahanap ko rin! Napangiti ako at pinikit sandali ang aking mga mata bago pindutin ang litrato niya.  Unti-unti kong minulat, ang aking mga mata. "Gosh!!!" Napasigaw at napatili ako. Napatalon-talon din. Grabe! Napatingin sa akin ang mga dumadaan kaya hininaan ko ang boses ko. "Waaaaaa... Grabe na ito!!!" Ang guwapo-guwapo ni Cedric. Suot niyang damit ay iyong suot niya kanina. Red-checkered polo at white v-neck shirt sa loob. Okay kailangan ko na magpicture. Inhale. Exhale. Kalma. Pinaypayan ko ang sarili ko. Nanginginig-nginig pa ang kamay ko. Teka! Huminga ako ng malalim bago tumingin ulit sa camera. Kung totoo ito malamang nangisay na ako rito. Ganito kalapit sa super crush mo ba naman e! Nagulat ako nang may lumitaw sa screen. Low battery. Tang juice! Hindi pupuwede dapat magkapicture kami. Mga 15 shots. Pinindot ko ang screen at nagsimulang magpicture. Sa ika-labinlimang shot ko, pagkapindot ko ng screen ay biglang namatay ang cellphone. "Ayy! Ano ba yan?!" Reklamo ko. "What happened? Why am I here?" Napalingon ako sa katabi ko at nagulat. "Ce-cedric?” Napahawak ako sa bibig ko. Grabe naman! Grabe ang disappointment ko at nag deday dream ako ng ganito. Nasa mall pa ako ha? Gumilid siya at unti-unting hinarang ang kanang kamay sa gilid ng kanyang mukha. Napakagat labi siya. Ang kutis niya ay para bang nagniningning sa liwanag.  Kaparehas pa sila ng damit ni Cedric kanina. Red-checkered polo at white v-neck shirt. Samahan pa ng skinny ripped jeans. Ang buhok niyang kulay black na lalong kumikintab sa liwanag. The scene is blinding. Grabe naman! Sarap naman tignan!!! Parang nag slow motion ang lahat pati pagpikit ng mata niya, at ang pagtulo ng pawis sa noo niya. Ang pawis niya ay para bang perlas na nagniningning. What a view?! Napabuntong hininga na lang ako. Nilapitan ko siya ng paunti-unti. “Panaginip ka lang ba?” Tutusukin ko sana ang mukha niya ng hintuturo ko nang makita kong magsmirk siya. Hinila niya ang kamay ko. At nilapit ang mukha niya sa akin. “Let’s escape, milady!” Bulong niya sabay ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD