Third Person's POV:
Palingon-lingon si Chelly habang nagtatago sa gilid at tinitingnan ang paligid. Iniiwasan niyang makita si Ethan dahil sobrang nahihiya pa siya sa nangyari.
"Good Morning, Ate Sel!" Bati niya sa kasamahan na nasa receptionist area.
"Morning Chel, samahan mo daw sina Peper maglinis ng room mamaya. Nag check-out na kasi yung mga guest natin nung nakaraang araw sa party." Nagpantig tenga niya sa narinig.
"Huh? Nag Check-out na sila?" Ulit na paninigurado niya dito. Walangya... kung ganun man, ibig sabihin umalis na si Ethan ng walang paalam? Langya yun, pagkatapos siyang gamitin, ganun nalang?
"Oo, maliban dun sa magkapatid na Arcedez sa room 205 at 204." anito.
'Ohh, andun pa pala siya. Hehe. Ikaw naman Chel, sobra ka mag-isip.'
"Ah, sige, Ate Sel." Dumeritso agad siya sa quarter nilang mga empleyado upang magpalit ng damit at ayusin ang mga gamit nila sa paglilinis. Naabutan niya dun si Peper na nagkakape.
"Morning, Peper. Mga anong oras tayo maglilinis?" Tanong niya dito.
"9:00am na be. Dun ka muna sa service bar at samahan si Rhea. Magkakape lang ako saglit. Ako na mag ready ng mga gamit natin, tatawagin nalang kita kapag okay na."
"Okay." Nagbihis muna si Chelly at bumaba na sa service bar kung saan malapit sa pool area. Napadaan siya sa garden kung saan nakahelera ang mga cottages nila sa hotel. May nakita siyang pamilyar na lalaking kumakain doon kasama ng kapatid nito. Ang lalaking pinagtataguan niya kanina. Nakatalikod ito sa kanya kaya di siya nito kita, pero nakita niyang napatingin sa kanya ang kapatid nito. Napa-iwas tuloy siya ng tingin at dali-daling dumiretso sa service bar.
Matapos makita ni Liam ang babaeng kinababaliwan ng kapatid ngayon ay napatingin siya dito. Wala itong kamalay-malay na dumating na ang babaeng kanina pa nito hinahanap.
"Bakit?" Takang tanong ni Ethan sa kanya. Napangisi si Liam at sinipat ang likuran ng babaeng nagmamadaling naglakad palayo sa kanila.
Takang napatingin doon si Ethan at biglang napangiti ng makita ang babaeng iyon.
"Iniiwasan niya ba ako?" Aniya ng makita ang tarantang pagmamadali nito.
"Sa ginawa mo sa kanya, malamang ganun nga." Ani ni Liam at tinuloy ang pagkain ng agahan.
"Ngayon lang yan, di yan makakatakas sa akin mamaya." Halatang may binabalak sa isip na ngumisi ito.
Liam ignore his brother and eat their breakfast. Nang matapos sila ay nagpalipas muna sila ng oras habang si Liam ay nagce-cellphone.
"It's getting hot here." Ani ni Ethan habang umiinom ng tubig.
"Sanay ka lang sa klima ng ibang bansa. Dapat masanay kana sa klima ng Pilipinas kung balak mong manatili dito."- Ani ni Liam habang busyng-busy sa pag ce-cellphone.
"I'm just saying!" Ethan said while glancing at the service bar's counter.
"Wanna swim?"-Liam.
"May balak ka ba? Busyng-busy ka diyan sa Cellphone mo e."- Ethan.
"Hmm, yeah. Just checking her account."
"Woah, buhay pa account niya sa RP? Tibay din niyan nuh? 2022 na."
"Still, good to see a glimpse of her even though I don't know if she's still the one using it."
"Tingin!" Sinilip ni Ethan ang screen ng cellphone ni Liam. "Same name, different surname. Hmm..." Biglang kinuha nito ang cellphone ng nakakatandang kapatid at pinindot-pindot iyon. "Relationship status, 'Separated?'"
Agad na binawi ni Liam ang Cellphone sa kapatid. "Stop that, mind your own girl." Ani ni Liam at tiningnan ang tinitingnan ng kapatid. "It's separated from me. "This is the last relationship status she set after we split." Paninigurado ni Liam.
Hindi na nakatingin sa kanya si Ethan, kundi sa babaeng nasa counter ng service bar at may kausap na lalaking kasamahan nito. Nakakunot pa ang noo nito habang nakatingin doon. "And happy to see that it's still you, huh?" Anito ng hindi nakatingin.
"I don't know if it's still me. But this is strong evidence that she's waiting."
"Lucky bastard," Ethan mumbled while still looking at the counter. "What the heck are they talking about? I'm sure if this girl won't behave, I'll be sure to punish her later." Napatawa si Liam sa kapatid.
"Cool your head, bro. Maybe they're just talking about work." Anito sa kapatid.
Parang batang napanguso ang kapatid niya. Liam put his phone on the table and removed his t-shirt. He pulled his brother then to take a shower before diving into the pool.
Ethan follows his brother and removes his clothes. They started to take a few laps then.
"Woah, that freshens me up." Said Ethan.
"Told you!" Said Liam while chuckling.
Ethan started to roam his eyes to the service bar's counter and found Chelly looking at them.
'Now, I caught your attention.' said Ethan to his head.
It's not just Chelly who's looking at them but the other female guests and employees.
"Waaah!!! Ang popogi talaga nila!" Impit na tili ni Rhea na nasa tabi na ni Chelly. Hindi ito sinagot ni Chelly lalo na at nakatitig siya kay Ethan na napatingin sa gawi nila. Hindi niya maalis ang tingin niya dito lalo na sa napakakisig na katawan nito.
'Oh God, natikman ko ba talaga yan?' Aniya sa sarili.
"Hoy Chel! Tawag ka na daw ni Peper!" Pag-agaw ng pansin sa kanya ni TJ.
"Ah w-wait-!"
"Doon kana girl! sosolohin ko na mga papabols dito." Baliw na sabi sa kanya ni Rhea. Parang gusto niyang batukan ang kasamahan at kaibigan. 'Gaga, akin yang isa diyan.' Aniya sa sarili.
"Di mo makukuha diyan si Chelly, sanay na yan sa lalaki. Tingnan mo at naka-isang anak na nga."- TJ.
"Napakunot-noo niya sa sinabi ng kasamahan. Alam niyang pabiro lang iyon pero sobrang nakaka-offend ata pakinggan.
Ngumiti siya dito ng peke. "Oo nga, kaya nga nadala na ako e. Tingnan mo di na nga ako pumapatol sa tulad mo." Ngiti niya saka pairap na umalis dun sa pwesto niya kanina. Kahit matagal nang nangyari iyong kabaliwan niya dati sa ex niya, marami parin talagang nasasabi ang mga tao sa paligid niya.
'Kala mo naman buhay nila!' Bubulong-bulong na ani niya habang naglalakad. Napatingin ulit siya sa gawi nila Ethan at ng kapatid nito. Nakita niyang sinusundan siya ng tingin ni Ethan kaya binigyan niya ito ng isang heart sa mga daliri at ngumiti bago kumaway at tumalikod upang magpa-alam.
Yung bad mood niya kanina ay parang himalang naglaho bigla pagkakita palang kay Ethan.
Ewan, pero siguro dahil nasanay na rin siya sa mga sinasabi ng iba sa kanya kaya hindi nalang niya dinidbdib ang mga komento ng mga ito. Paki-alam nga naman ng mga ito sa kanya diba? Eh buhay niya to.
'Bahala kayo, basta ako. Magiging masaya ako sa buhay ko.' Aniya sa sarili.
To be continued...