CHAPTER 7

1090 Words
Chelly's POV: Matapos naming maglinis ng mga bakanteng kwarto ay nandito na nga ako sa harap ng kwartong tinulugan ko nung nakaraang gabi. Si Peper ay nasa 4th floor habang ako ay naka assign dito sa 3rd floor na ito. Sinadya ko talagang ihuli tong room na ito sa room make-up dahil baka matagalan ako dito. Buti na lang at medyo napabilis kasi hindi nagpa-room make-up ang kapatid ni Liam. Pinalitan ko lang ng toiletries. Mukhang malinis din kasi yun sa gamit pati sa kwarto, halata naman nung pumasok ako dun dahil wala kang makikitang nagkalat na gamit. Pinindot ko muna ang bell sa loob upang siguraduhin kung may tao sa loob. Siguro andito na yun kasi andun na yung kapatid niya sa loob ng kwarto nito e. Mukhang tapos na silang mag swimming. "Excuse me. Room make-up, sir!" Tawag ko mula sa labas ng pinto. Agad na napatitig ako sa mukha ng bagong ligong lalaki na nagbukas ng pinto. "Pasok, Chel!" Nakangiting ani nito. Pagkapasok niya palang ay biglang hinila nito ang mga gamit niya at nilock ang pinto. "Hi!" Anito. "Ah, hi?!" Alanganing ani niya. "Umupo ka muna, mukhang pagod kana." ani nito at ginaya siya sa sofang nandoon. "Uhm, maglilinis ako." Turo niya sa mga gamit. Tinanggal niya ang facemask niya upang makahinga ng maayos. Buti nalang malamig sa kwarto nito kaya napreskuhan ang katawan niya. "No need, stay there. I'll do your work." Anito. "Maglilinis ka ng cr?" Nakamatang tingin niya parin dito. Natigilan ito at napatingin sa kanya. "Ah, I'll just put the toiletries. No need to clean." ani nito. Napakibit balikat nalang siya. Mukhang determinado itong pag pahingahan siya doon at gawin ang trabaho niya. Hinayaan niya nalang ito habang parang donya na naka-upo doon sa sofa. Binigyan niya ito ng instructions kung ilan ang ilalagay na gamit sa kwarto nito at alin ang tatanggalin. Napatingin siya sa orasan ng makitang malapit na ang lunch break. "Babe, sabay na tayong mag lunch! Nagpa-order na ako kay Kuya ng foods natin." Ani ni Ethan na mabilis na natapos sa ginagawang pagpalit ng mga gamit at lumapit sa kanya. Sa kuya nito? Oh.em.ji. Nakakahiya yun. Umupo si Ethan sa tabi niya at yayakap na sana sa bewan niya ng umiwas siya dito. "Opss, amoy pawis ako." Ani niya dito. Hindi ito nagpatinag at talagang inilapit ang katawan sa katawan niya at inamoy ang leeg niya. "Di naman ah? Mabango ka parin." Ani nito na ikinapula niya. Uniwas niya ang leeg dahil may kiliti siya doon. "Sir, wag po!" Aniya. at biglang napatakip sa bibig ng maalala ang sinabi. T*ngna parang yung mga sinasabi sa porn movie. Baliw ka talaga, Chel. Ang landi. Napatawa sa kanya si Ethan at bahagyang lumayo sa katawan niya. "Thirsty?" Tanong nito. Tumungo siya dito kaya lumapit ito sa mini ref na nasa loob ng hotel room at kumuha ng maiinom. Agad niyang kinuha ang iniabot nito at ininom iyon. "Thanks!" Medyo nahihiya niyang ani dito. "Hindi kita nakita kahapon kaya namiss kita." Umupo ulit ito sa tabi niya at yumakap sa bewang niya. Napatitig siya sa mga mata nito na ngayon ay nakatitig din sa kanya. "May online class kami kahapon. Day off ko dito." Aniya. "So that's the reason why I did not see you yesterday. Can I get your number, Babe? Or any social media account? It's hard not to contact you." Ani nito. "Akin na cellphone mo." Agad na binigay nito ang cellphone sa kanya. Bubuksan na sana niya iyon ng makita ang sariling mukhang natutulog habang nakayakap ito sa kanya. "Hoy, bat meron ka nito?" Nanlalaki ang matang tanong niya. "Kinunan ko. Good diba?" Nakakingising ani nito sa kanya. 'What the-?' Ito yung gabing may nangyari sa kanila. Hindi niya manlang namalayang kinuhanan siya nito ng litrato sa sobrang pagod. "Lagay mo na number mo, Babe." Anito. Di maka-antay e. Tinititigan niya pa nga yung larawan nilang dalawa. "Iyan, nalagay ko na." Aniya. "Your social media account?" Anito. "Saglit... Wala kang f*******:?" "I don't use f*******:, just i********:, Babe." clinick niya ang app nito sa i********: at nakita ang account nito doon. Wow, puro lugar na pinuntahan nito ang nakapost saka madalas kasama ang kapatid nito. Binilang niya kung ilan ang post nito. Nasa 15 lang iyon, pero in fairness para itong professional model sa mga pose nito. Sinearch niya ang username niya sa i********: at agad na finollow iyon nang mag appear profile niya sa screen. "Is that your baby?" Napatingin siya kay Ethan na nakasilip din pala sa ginagawa niya. "Yup, that's my baby Kai!" Aniya dito. "He looks a lot like you." Anito. "Malamang, ako nanay e." Tila proud na sabi niya. "I wonder if our baby will also look like you." Ethan mumbled. "Ha?" Napatanga tuloy siya at tila gustong maubo sa sinabi nito. Tumunog ang bell sa loob ng room nila senyales na may tao sa labas. Agad na tumayo si Ethan upang buksan iyon. "Here's your food." Liam said as he enters the room. Agad itong napatingin sa kanya na nakaupo sa sofa at nagce-cellphone ng cellphone ni Ethan. "Ah, hello Sir?!" Awkward na bati niya dito at agad na napatayo. Waaah, katakot. Parang ang sungit kasi nito. "You may stay seated, Miss. I'm just here to deliver your food." -Liam. "Sa table lang, Kuya! And thanks for ordering them for us." -Ethan. "You just made me your scapegoat. Won't you introduce me to your girl here?" "Ah- I'm Rachel Javier, Sir!" Pagpapakilala niya sa sarili, inunahan niya na si Ethan dahil sa kaba. "Liam Arcedez, Ethan's older brother." Inaccept niya agad ang kamay nito ng iabot nito iyon. "Right! And she's mine, Kuya. So hands-off now!" Ani ni Ethan na inaayos na ang nilagay na pagkain ng kapatid. "Tss, territorial eh?" -Liam. "As if you're not the same."-Ethan. Ngumisi dito si Liam at umupo sa isang upuang andoon habang tinitingnan ang kapatid na nag-aayos. Umupo narin siya kagaya nito. " You're still not going?" Ethan said to his brother. "What's the fuss? I'm gonna get to know your girl more." Oh my, interview ba ito? Waah kabado-bente. "Next time, bro. You're gonna ruin our time together. She's still going back to her work. You should eat your lunch too." "You're not even asking me to join you guys." Sinamaan ni Ethan ng tingin ang kapatid habang si Liam ay nakangisi lang dito. "Fine, I'll go now. Enjoy your lunch, Miss Rachel!" Liam said and exited the room. Before that, Chelly replied, "you too, Sir Liam!" to him. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD