bc

#SoBad: Petra (Completed)

book_age16+
853
FOLLOW
2.1K
READ
friends to lovers
doctor
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
friendship
sassy
nurse
like
intro-logo
Blurb

Ako si Petra, isang simpleng dalaga na nagmahal at nasaktan. Inakala ko na magiging maayos ang lahat sa pagitan namin ni Mark, ang aking boyfriend. Sure, things weren't exactly good the past few months but he was trying to shed those unwanted fats. Naiintindihan ko naman na hindi madali ang pinagdadaanan niya. Pero mali ako ng inakala dahil nakipaghiwalay siya sa akin at inalok ng kasal ang kanyang trainer.

I was really angry so I had the right to be crazy. Nalaman ko ang tungkol kay Madam Virukka, isang magkukulam extraordinaire. Kailangan kong mapagbayad ang ex ko sa ginawa niya sa akin. Nagpasya akong umakyat sa Baguio. Sinamahan ako ng isang mabuting kaibigan, si Daniel. Siya rin ang nagpautang sa akin ng pambayad sa mangkukulam.

Okay naman ang lahat. Maayos ang naging meeting namin ni Madam Virukka. Nalinaw ko sa kanya ang mga gusto kong mangyari. Ang problema lang, cap ni Daniel ang naibigay kong gamit para sa kulam imbes na cap ni Mark. Sa madaling-salita, si Daniel, ang kaibigan kong terrific and awesome ang nakulam.

May pangontra naman sabi ni Madam Virukka. True love's kiss. So ang sunod ko na lang namalayan ay hinahagkan na namin ni Daniel ang isa't isa.

chap-preview
Free preview
Chapter One
"YOU ARE THE cutest baby in the whole wide world!" ang masaya kong bulalas habang niyayakap nang mahigpit si Calliope o Callie. Siyam na buwan pa lang ang baby at talaga namang napaka-cute. Napakasarap panggigilan. Mukha pa ngang naiintindihan niya ang mga sinasabi ko dahil ngumiti si Callie at napahagikgik. Lalo akong naggigil sa kanyang cuteness. "Gusto kong magkaroon na rin ng baby," ang sabi ko sa aking best friend at ina ni Callie na si Cai. "Gustong-gustong ko na talaga." Banayad na natawa si Cai. "Di yayain mo na si Mark na magpakasal." Lumabi ako. "Parang napakadali lang sabihin for you." "Yayayain ka rin niya one day. Magpapakasal kayo at magkakaroon ng baby girl o baby boy na makakalaro ni Callie." Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga. Ako si Petra, medyo atat nang magpakasal pero hindi pa niyayaya ng boyfriend. Siguro ay somosobra lang ang inggit ko kay Cai kaya ako parang desperate na desperate nang ikasal at magkaroon ng anak. Parang ang perfect na kasi ng life ni Bestfriend. Alam ko na hindi naging madali para sa kanya ang makarating na ganitong state of happiness. Napakarami niyang pinagdaanan. Niloko siya ng kanyang one true love maraming taon na ang nakakaraan. College pa lang kami ay may lihim na pagsinta na si Cai kay Wilder na parte rin ng grupo namin. Malapit ko ring kaibigan. May girlfriend noon si Wilder, si Ginger na maituturing ko ring kaibigan to some extent. Umalis si Ginger at nabaling kay Cai ang pansin ni Wilder. Bumalik si Ginger noong mga panahon na may relasyon na sina Cai at Wilder. Mahuhulaan na siguro ng marami ang mga sumunod na nangyari. Galit na galit ako noon kay Wilder pero hindi ko rin naman talaga siya maitakwil na kaibigan. Labis na nasaktan si Cai pero nakahanap din ng kaligayahan nang makilala ang ama ni Callie na si Kali. Nagpakasal ang dalawa at naging masaya ang pagsasama nila sa ibang bansa. Pero hindi inasahan na binawian ng buhay si Kali. Mayroong rare genetic disease ang lalaki. Buntis si Cai nang pumanaw ang asawa. Nagbalik ang aking kaibigan sa Pilipinas at nagbalik din sa buhay niya si Wilder. Ngayon ay in love uli ang dalawa sa isa't isa at isang linggo na lang ay magpapakasal na. Itatanong n'yo siguro kung paano nakapagpatawad si Cai pagkatapos ng naging panloloko ni Wilder noon. Paanong hinayaan uli niya ang puso na magmahal? Hindi ba siya natatakot na baka mangyari uli ang mga nangyari sa nakaraan? Paano kung magloko na naman si Wilder? Panatag ako na mananatiling nagmamahalan ang mga kaibigan ko sa mahabang panahon. Hindi ko rin alam ang mga sagot sa mga tanong na iyon pero nananatili akong panatag. Nakikita ko naman kasi na talagang nagmamahalan ang dalawa. Iyong tipo ng pagmamahalan na parang sa mga pelikula at Korean drama lang makikita. Naniniwala ako na makapangyarihan talaga ang true love at posible ang kahit na ano. Possible ang pagpapatawad at pagbibigay ng ikalawang pagkakataon. Isa pa, mag-iinarte pa ba ako, eh, hindi naman ako ang nakaranas ng lahat ng pait at sakit? Alam ko na parehong nahirapan at nasaktan sina Cai at Wilder sa mahabang panahon pero hindi ko talaga naranasan kaya hindi ko kayang sabihin na naiintindihan ko. Kaya rin wala akong karapatang sabihin na mali ang naging desisyon ng mga kaibigan ko. Masaya ang dalawa, iyon ang pinakamahalaga para sa akin. Anuman ang mangyari sa hinaharap, nasa tabi lang ako ng mga kaibigan ko at nakahandang umagapay. "Bakit ka napabuntong-hininga?" Napatingin ako kay Cai, medyo nagtataka sa tanong na ganoon. Ilang sandali ko munang inalala kung bakit binalikan ko ang mga nangyari kina Cai at Wilder. "Paano kung hindi niya ako yayaing magpakasal?" "Bakit ka ba nag-iisip ng mga ganyang bagay?" "Parang wala siyang kaplano-plano para sa aming dalawa, eh." Hindi ko napigilan ang mapalabi. Si Mark na ang pinakamatagal kong boyfriend. Dalawa lang naman silang naging boyfriend ko pero may comparison pa rin naman, 'di ba? Nagkakilala kaming dalawa sa private clinic na pinagtatrabahuhan ko. Isa akong nurse assistant / administration assistant ng isang surgeon, internist at endocrinologist. Ang surgeon na siyang nagtatag ng clinic na iyon. Isa akong registered nurse at mula nang pumasa ako sa board ay hindi na ako nagkaroon ng hospital experience. Ang sabi ko noon, temporary lang ang magiging trabaho ko sa clinic. Kailangan ko lang ng trabaho noon. Pero ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin ako nakakaalis. Ayaw akong paalisin at parang ayoko na rin namang umalis sa comfort zone na iyon. Anyways, nakilala ko si Mark na naging pasyente nang araw na iyon. Hindi ng siruhano na inaasistihan ko kundi sa resident on duty. Simpleng ubo at lagnat lang ang nararamdaman niya pero may pagka-hypochondriac ang binata. Nagkabanggaan kami sa hallway. Nag-sorry ako at nag-sorry siya. Nagpalitan kami ng sweet smile. Kaagad ko siyang nagustuhan dahil cute si Mark. Kinuha niya ang aking number sa receptionist na kaibigan na pala niya. Naging textmates kami for like a week hanggang sa yayain ko na siyang magkita sa isang coffee shop. Naisip ko na safe ang ganoong lugar para sa getting-to-know-you stage. Bago ko pa man naubos ang kape ko ay nasisiguro ko nang magiging boyfriend ko siya. Hindi nga nagtagal ay nanligaw na siya sa akin. Hindi ko na rin siyempre pinatagal pa ang panliligaw niyang iyon. Pahihirapan ko pa ba siya, eh, knows ko naman na like ko siya? Magpapaligoy-ligoy pa ba samantalang knows ko na kung saan kami hahantong? Para sa akin ay perfect kami ni Mark for each other. Hindi ko pinapansin ang mga taong nagsasabi at nagpaparamdam hindi kahit na medyo may karamihan sila. Ano ba ang alam nila in the first place? Ang nakikita lang naman nila ay hitsura namin sa panlabas. Hindi nila alam kung ano ang nararamdaman namin sa loob, kung gaano kalalim ang pagmamahalan naming dalawa. Bakit daw hindi kami bagay? Kasi chubby si Mark at payatot ako. Fine. Mataba talaga si Mark. Mildy obese siya, hindi lang basta overweight. Noon. Ang laki ng ipinagbago ni Mark sa loob ng maraming buwan mula nang magdesisyon siyang magpapayat. Nagulat talaga ako noong mag-decide siyang magpapayat. Isa sa mga bagay na nagustuhan ko kay Mark ay ang ganap na pagtanggap at pagmamahal niya sa sarili. Hindi niya alintana ang anumang sasabihin ng iba, kung paano siya i-shame ng mga taong nasa paligid niya. Gusto ko ang pagiging confident niya. Gusto ko na alam niya kung kailan papatulan ang mga bully at kung kailan palalampasin. Minahal ko talaga siya sa porma niyang ganoon. Hindi naging ganap na komportable ang mga malalapit kong kaibigan sa kanya. Hindi naman sa judgemental at mean ang mga friends ko. Gusto naman nila si Mark noong simula ng relasyon namin. Tinanggap nila ang lalaking minahal ko. Ewan ko ba kung sino ang talagang may kasalan. Basta nagsimula ang distansiya noon ngang magdesisyon siyang magpapayat. Basta maraming nagbago noong magdesisyon siyang magpa-sexy. Hindi pa rin maituturing na sexy si Mark pero napakalaki talaga ng nabawas sa timbang niya. As in. Ilang buwan na lang siguro ay mawawala na ang mga natitirang excess fats niya sa katawan. Kailangan din niyang sumailalim sa ilang minor plastic surgeries para mawala ang loose skin at stretch marks. Sinuportahan ko si Mark sa layon niyang magpapayat. Hindi dahil sa gusto ko siyang maging makisig sa paningin ko at paningin ng lahat ng tao, kundi para maging malusog. Nurse ako, alam ko ang mga health risk. Siyempre hindi ko nasasabi noon dahil natatakot ako na baka ma-offend siya kaya naman naghintay ako na magkusa siya. Hindi ko rin naman siya pipilitin sa mga bagay na hindi niya gusto. Sa mga naunang linggo, naku, isang word lang ang makaka-describe sa pinagdaanan naming dalawa. Hell. Madalas kaming nag-aaway dahil madalas siyang wala sa mood. Ang sabi ng mga kaibigan ko, dahil lang iyon sa na-deprive si Mark sa pagkain. Natural ang stress at init ng ulo. Makakapag-adjust din. Ganoon daw talaga sa simula. Ganoon nga rin ang paniniwala ko. Naging mas madali naman ang mga bagay-bagay paglaon pero hindi ko talaga masabi na nagbalik ang dating masiyahin at masarap kasama na si Mark. Mas naging strict at disciplined siya. Walang cheat day. Lahat ng kainin ay kalkulado kung ilan ang calories. Kung maaari ay lahat na lang organic ang kakainin. No dairy and gluten. No sugar. No salt. Mas nag-spend siya ng napakaraming time sa gym at running tracks. Kung hindi siya nagtatrabaho ay nag-e-exercise siya. That's right, wala siyang time for me. Ang dates namin ay pag-discover ng mga vegetarian and not-so-fun restaurants. Nag-member ako sa gym niya kahit na hindi ako gaanong natutuwa sa ganoong workout. Sinasamahan ko rin siya sa mga run niya dahil iyon lang talaga ang mga pagkakataon na nagkakasama kami, na nagkakausap kami kahit na paano. Kahit na ang mga pag-uusap na iyon ay madalas na tungkol sa calories at exercise. May mga pagkakataon na talagang sumasama ang loob ko dahil parang walang kaplano-plano si Mark sa aming dalawa. Ang tanging mahalaga para sa kanya ay ang mas pagpapapayat, mas pagpapa-healthy. May mga pagkakataon na naiisip kong obsessed na yata siya sa organic food at sa lahat ng klase ng workout. Minsan ay sinabi pa niya na mas marami na siyang alam sa katawan ng isang tao kaysa sa akin na nurse. Minsan ay nagagalit siya sa akin dahil patuloy ko raw siyang inilalapit sa mga tukso sa tuwing nagyayaya ako sa isang restaurant na hindi pasok sa pamantayan niya. Hindi ko raw siya sinusuportahan. Muli ay sumasama ang loob ko sa mga ganoong akusasyon. Lalo na at wala na yata akong ginawa kundi ang sumuporta at umintindi. Gusto ko lang naman ng fries at steak paminsan-minsan, you know! May mga pagkakataon na parang ayoko na pero mahal ko talaga itong si Mark, eh. Hindi ko masukuan. Dahil sa pagmamahal na iyon kaya patuloy akong nakasuporta at nakaintindi. Isa pa, matagal na rin kaming magkasama. Hindi ko iyon basta na lang maitatapon. Malaki na ang investment ko, parang ganoon ang pakiramdam ko. Saka parang ang laking failure in my part kung basta na lang ako susuko after everything that I've endured. Hindi ako palakain ng gulay—I know it's good for me, pero hindi talaga ako palakain ng gulay. Siguro ay hindi na-train ng mga magulang ko ang bibig ko noong bata pa ako. Basta ayoko ng gulay. Pero mula nang maging vegetarian si Mark ay pinipilit ko ang sarili kong kumain ng gulay. Kahit na naduduwal ako. Minsan ay sinabi kong sakripisyo iyon para sa akin. Hindi raw, sabi ni Mark. Tinutulungan daw niya ako para mas maging healthy. Para mas mapahaba ang buhay ko at mabawasan ang risk sa ilang malalalang sakit. Ako rin daw ang mahihirapan kapag patuloy akong lalamon ng mga pagkaing puno ng additives at walang nutrisyon. Tama naman siya kaya hindi na ako nanumbat na ganoon din naman siya before. So basically, umiikot ang buhay naming magnobyo sa kanyang diet and exercise. Wala na kaming ibang napag-uusapan talaga. Parang wala siyang plano na dalhin sa next level ang relasyon namin. "Meron 'yan," ang sabi ni Cai habang tinatapik-tapik ang kamay ko. "Hindi naman pupuwedeng wala. Malay mo may pinaplano na siya at hindi lang niya sinasabi para manatiling surprise? Have faith." Tumango ako. Gusto kong paniwalaan na ganoon nga ang kaso. Ayokong mag-isip ng mga bagay na negatibo. "Siguro inggit lang din talaga ako sa 'yo, friend. Ikakasal ka na. Ang cute-cute pa ng baby mo." Pinanggigilan ko ng halik si Callie. "Gusto ko rin talaga ng ganito." "Darating din ang right time for you." Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig. Lumapit sa amin si Wilder, nakangiti. Nang marinig ni Callie ang tinig ng ama ay kaagad na umungot. Hindi pa man ganap na nakakalapit si Wilder ay naka-extend na ang mga mumunting braso niya at nagpapakuha sa ama. Ayaw ko pang pakawalan ang pinaka-cute na baby kaya niyakap ko siya nang mahigpit. Nagpumiglas si Callie at pilit na inaabot ang ama. Natatawang kinuha sa akin ni Wilder ang baby girl niya na kaagad na napangiti nang matamis. Nakatuon ang mga mata ni Callie kay Wilder na mukhang wala na rin ibang nakikita kundi ang baby girl. Hindi ko napigilan ang matawa. "Anak ka nga ng nanay mo, Callie." Natatawang hinagkan ni Wilder ang matambok na pisngi ni Callie. "I love you so much!" Hinagkan ni Callie ang mga labi ni Wilder bilang tugon. "Mana sa ina. Definitely," ang natatawang pagsang-ayon ni Cai. Napabuntong-hininga naman ako. "Mas lalo akong naiinggit. Stop na." "H'wag ka nang mainggit," ani Cai. "Stay positive lang. Huwag kang gaanong maiinip. May plano ang tadhana for you. Manalig at magtiwala ka lang. Magpo-propose rin siya sa 'yo. Sa kasal mo dapat flower girl si Callie." "Sigurado iyon!" Nagpasya akong maniwala sa mga sinasabi ni Cai. Kung ibang tao ang nagsabi niyon ay hindi ko siguro gaanong paniniwalaan. Hindi ko isasapuso. Pero iba kasi si Cai. Hindi naging madali ang pinagdaanan niya sa buhay, pero sa bandang huli ay pinagkalooban pa rin ng happy ever after. #Goals My time will come. #ibelieve "YOU'RE WHAT?" ang aking bulalas kahit na narinig ko naman ang sinabi ni Mark sa akin. Mali ako ng intindi. Surely, mali ako ng dinig at intindi. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na mali ako ng dinig at intindi. "I'm breaking up with you." Hindi ako makahinga. In denial pa rin ang utak ko kahit na nanuot na ang mga salita na binitiwan niya. Sa loob ng ilang sandali ay napatitig lang ako kay Mark. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Walang mababakas na remorse o guilt. Mukhang hindi man lang nahihirapan sa kanyang ginagawa. Parang nga dumaan pa ang relief sa kanyang mga mata. "W-why?" ang aking naiusal. Nagpakawala ng buntong-hininga si Mark na para bang bored na bored siya. "Seriously? Hindi mo alam? Surely, alam mong dito ang hantong natin, Petra." "Surely?" Hindi ko napigilan ang paggaralgal ng aking tinig. "Paanong surely? Bakit surely? Ang sure ko lang ay tayo pa rin hanggang sa huli. Ikaw ang end game ko, ako ang end game mo." Natawa si Mark. Pagkatapos ay napailing-iling. "End game. We've been struggling for a while. We've been hanging on to this relationship pero hindi talaga natin alam kung bakit." "Alam ko kung bakit. Dahil mahal kita. Bakit hindi mo alam kung bakit? Bakit nag-stay ka kung hindi mo pala alam kung bakit?" Nagsimula nang mamasa ang aking mga mata. I'm never a crier. I don't want to start now kaya naman pilit kong pinigilan ang pag-alpas ng mga luha na iyon. "Pareho nating alam na walang patutunguhan ang relasyon na ito," ani Mark, mukha pa ring bored. Parang hindi talaga niya malaman kung bakit ganoon ang mga inaasal at tanong ko. Pakiramdam ko pa ay hindi ko na kilala ang lalaking aking kaharap sa kasalukuyan. Saan na napunta ang mga banayad na mata na laging may pagmamahal kung tumingin sa akin? Nasaan na ang warm na ngiti na siyang talagang bumighani sa aking puso? Nawala rin ba ang mga iyon kasabay ng pagkawala ng taba niya sa katawan? Na-burn din niya ang pagmamahal sa akin kasabay ng pag-burn niya sa mga calories? Gusto ko nang humagulhol ng iyak, pero pinipigilan talaga ako ng pride ko. Not in front of this man. Hindi sa isang estranghero. "Walang direksiyon," ang pagpapatuloy ni Mark. "Sumasabay lang sa agos minsan. I think we stayed together because neither one of us wants to give up. I think we always think that we've been together for quite some time and it's wrong to just throw this away, waste it. Pareho nating iniisip na nag-invest na tayo. Parang malaki ang lugi kung basta na lang bibitiw." Umiling-iling ako. "Love, Mark. Love. Iyon ang dahilan kung bakit nanatili tayo sa tabi ng isa't isa kahit na parang walang direksiyon ang lahat. And FYI lang, ikaw lang ang clueless sa ating dalawa. I don't wanna give up because I love you. May direksiyon ang relasyon na ito sa isipan ko." Hindi ba at madalas ko nang ma-imagine ang kasal at future baby naming dalawa? "You do not really love me. You felt safe loving me." "Mas marunong ka pa sa akin, eh, feelings ko nga ito," ang naiinis kong sikmat. "Alam ko kung ano ang nararamdaman ko. Kapag sinabi kong mahal kita, mahal kita. 'Wag kang makikialam sa feelings ko." "Well, I don't love you anymore," ang walang anuman niyang sabi. Sinalubong pa niya ang aking mga mata. "Sa palagay ko ay hindi naman talaga kita minahal. Siguro naisip ko noon na wala nang ibang magmamahal sa akin dahil nga mataba ako noon." Napatulala na lang ako kay Mark. Hindi ko mapaniwalaan na sinabi niya ang mga salitang iyon sa akin. Hindi ko mapaniwalaan ang kalamigan sa kanyang mga mata na para bang hindi niya alam na masasaktan ako sa mga ganoong salita. Muli, kinukumbinsi ko ang aking sarili na mali ang dinig at intindi ko. "I have plans," ang pagpapatuloy ni Mark. "I'm in a good place now. I can do whatever I want in life. I have the confidence that I really need. I don't need to choose safe. Dahil doon, I can create a new life. Hindi ka kasali sa mga planong iyon, sa bagong buhay na gusto kong simulan. I don't see you being a part of my life anymore. So, goodbye, Petra. Have a nice life." Matagal nang nakaalis si Mark pero nakatulala pa rin ako. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang mga sinabi ni Mark. Hindi ko alam kung paano maiibsan ang p*******t ng aking dibdib. Gusto ko nang bumulalas ng iyak pero ayaw nang umalpas ng mga luha. Pasaway na mga luha. Kaninang nagpipigil ako, nagpupumilit na bumulwak. Ngayon namang gusto ko nang pumalahaw, ayaw naman. In denial ang puso ko. In denial ang buong pagkatao ko. Hindi kasi talaga maaaring mangyari ang mga ganoong bagay sa akin. Hindi dapat ganito ang mangyayari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook