NAPANSIN KONG MAY kakaiba kay Daniel nang mag-dinner kami sa isa sa mga paborito niyang restaurant nang gabing iyon. He looks distracted. Aaminin kong medyo distracted din ako kaya hindi ko kaagad napansin. Hindi ko kaagad napansin na pareho kaming nananahimik habang kumakain. “`Something wrong?” ang tanong ko, puno ng concern ang tinig. Hindi ko na yata dapat na niyaya pa siyang kumain sa labas. Baka pagod na siya at gustong magpahinga. Kailangan ko lang siyang makita. Kailangan kong siguruhin sa aking sarili ang ilang bagay. “No, wala namang wrong o problema. I’m okay.” Hindi ako gaanong naniniwala sa sinasabi niya pero ayoko rin namang mamilit. Alam ko na sasabihin din niya ang mga bagay na naiisip niya kapag handa na siya. “Okay.” Umiling si Daniel. “No, I’m not doing this. Hind
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


