Mas napangiti ako dahil tama ang kanyang pronounciation ng aking pangalan. Pagpasok ko sa loob ay nalaman kong cozy talaga roon kahit na may mga stuff na hindi naman ekslusibo sa mga mangkukulam pero odd pa ring maituturing kung space dapat iyon ng isang life coach. Maliwanag naman at maaliwalas. Pero may amulets, crystals at jars ng kung ano-anong likido. Papasa naman silang decor siguro. Kahit na siguro ang bolang kristal sa ibabaw ng mesa na natatakluban kulay-violet na tela. Mukhang antigo ang mga kagamitan sa paligid. Sa ibang pagkakataon ay hahangaan ko ang mga iyon. Pero mas napukaw ang aking atensiyon ng receptionist ni Madam Virukka. Napagmasdan ko na ang kabuuan niya. Mukhang business is good talaga kasi mukhang high end ang suot niya from head to toe. Hindi mukhang galing sa uk

