Chapter Ten

2723 Words

“ANO ANG GAGAWIN natin bukas?” Mula sa aking cell phone ay napatingin ako kay Daniel na nakahilata sa sofa sa may sala. Mukhang relaxed na relaxed siya sa puwesto. Enjoy na enjoy siguro niya ang paghilata dahil hindi na niya iyon madalas na gawin. Tinapos ko muna ang pagtetext ko kay Daddy bago ko siya sinagot. “Ikaw lang. Ano ba ang gusto mong gawin?” “I’m not sure. Ano ba ang mga puwedeng gawin dito?” “Puwede kong i-Google. Akala ko ba gusto mong mamitas ng strawberry?” “Puwede ring bumili na lang sa palengke.” “Tinatamad ka, ano?” Nginisihan niya ako. “Ang perfect ng weather. Ang sarap mahiga lang.” “Puwede mo namang gawin iyan sa Maynila. Ilagay mo sa pinakamababang temperature ang aircon.” “Iba ang Baguio, Petrang. Iba.” “Hanggang kailan ka ba magiging super busy?” “Hindi n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD