"Bakit mo ginawa 'yon?!" sigaw ko kay Cassiel. Nasa itaas kami ng gusali na gustong-gusto niyang lugar. "Kapag hindi ko ginawa 'yon, mapapahamak ka! Atsaka, para sa'yo rin ang lahat ng ito! Puro na lang kami protekta sa 'yo pero ano'ng ginagawa mo? Ikaw, ikaw mismo ang lumapit sa kasamaan! Ikaw ang naglagay sa sarili mo sa ganitong sitwasyon!" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya hanggang sa unti-unti kong napagtanto ang lahat-lahat. "Hindi maaari," pabulong kong sabi marahil ay alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya. Kaya ba palaging may nakamasid sa akin na isang nilalang na nakasuot ng puti, at kaya ba biglaan kong nakita si Camiell? "Cassian. Inilayo ka ng Diyos sa kasamaan, ginawa niya at namin ang lahat upang hindi ka mapunta kay Satanas pero tingnan mo, tingnan mo ang g

