Nagising ako sa malakas na tunog na hindi ko malaman kung saan nanggagaling. Ipinikit-pikit ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan ko nang masilayan ang aking paligid. Puno ng mga nagsasayawang babae na hubo't hubad na nakapaligid sa isang lalaking nakaupo mula sa aking harapan. Alam ko na kaagad kung sino siya. Igagalaw ko na sana ang aking mga kamay ngunit nabigo akong maialis ito sa mga kadenang nagliliyab. Pansin ko rin ang pagkawala ng mga saplot na suot ko, hindi ko malaman kung ano ang ginawa nila sa akin. Para bang naubusan ako ng kapangyarihan, wala akong maramdaman na kahit anong lakas. "Gising na pala ang hari natin." Tumayo si Satanas mula sa kaniyang trono at dahan-dahang lumakad patungo sa akin nang may pangungutya. "Ano ang ginawa mo sa akin?! Pakawalan mo ako!" b

