Jessie's POV Sampal lamang ang isinukli nito pagkalabas ni Anikka sa silid. Napahawak ako rito habang pinagmamasdan siyang nagdadabog palabas ng pinto. Natawa na lamang ako ng pagak dahil sa nangyari. "Bakit mo nga ba ginawa 'yon, Jessie?" natatawang tanong ko sa sarili. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Nang makita ko ang takot sa mga mata nito ay walang pag-aalinlangan ko itong hinapit palapit sa akin para pakalmahin. Ngunit maging ako ay nagulat sa nagawa. Hindi ko napigilan ang sarili na dampian ang labi nitong nanginginig. Nanaig sa akin ang kagustuhan na pakalmahin ito gamit ang aking bibig. Napailing na lamang ako at akmang lalabas ng binalingan ko ng tingin ang kuwarto. Ang ilalim na pinagtaguan ni Ruby kanina ay isang single bed. Mabuti na lamang at hindi siya napansin

