"Please pass the salt.” Nang marinig iyon ay hindi nag-atubili ang aking mga kamay na sumunod. Dinampot ko ang kaniyang ipinakukuha at inilagay iyon sa kaniyang tabi. Pero nang makabalik na sa dating ayos ay tsaka ko lamang napansin na... mas malapit pala sa kaniya ang lalagyanan ng asin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Archie. Hindi tulad kong kanina pa tahimik ngunit nag-oobserba ay nakatingin siya sa kaniyang pagkain at talagang kinakain ito. Ibig sabihin ba noon ay... ako lang ang naaapektuhan sa aming dalawa? Na... ako lang ang may nanginginig na mga kamay kung kaya’t hindi mahawakan nang sabay ang mga kubyertos? Para bang narinig ni Archie ang mga sinabi ng aking utak, dahilan kung bakit siya naman ngayon ang nag-angat ng tingin. Ang maaliwalas niyang mukha ang sumalubo

