Papalubog ang araw. Magkasama kami ni Archie. Maghawak, magkayakap. Para na rin akong nasa alapaap. “Sana ganito na lang lagi…” Hindi ko napigilan ang sariling bumulong. Pagkatapos naming kumain kanina ay nagyaya na kaagad si Archie na lumusong kami sa tubig. May mga swimming pool nga akong nakita e. Iba’t ibang klase pa… At mayroon ding private pool na nasa tapat lang mismo ng kwartong kinuha ni Archie para sa amin. Kaso ay rito ang gusto ko… Sa dagat. Sa tubig na maaaring nagkokonekta sa lahat ng bagay. Mas gusto ko itong natural at kung saan pwede pang pagmasdan ang tira-tirang mga sinag ng papalubog na araw. Si Archie na nasa likuran ko ay hinigpitan lamang ang pagkakayakap sa akin sabay dampi ng halik sa ak

