Tiningala ko si Archie, ang aking mga mata ay awtomatikong umiinit. Ngunit ganoon din ang kaibuturan ng aking sistema na kanina pa parang nagniningas dahil sa kaniyang yakap. Dumagdag lamang iyong kaniyang sinabi na siyang dahilan kung bakit ang init na iyon ay pilit nang kumakawala sa akin. Hindi ko na pinigilan ang aking sarili sa pagtingkayad at pag-abot ng kaniyang mga labi. Wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang halikan siya at iyon nga ang aking ginawa. Nang magdikit ang aming mga labi ay halatang nagulat din si Archie ngunit sa huli ay… bumigay rin. Kaya mas lalo akong tumingkayad, ang aking mga kamay ay kumakapit nang mahigpit sa kaniyang batok. Ang dapat sanang banayad at payapang halik ay naging mainit at marahas. Tuloy ay

