Kabanata 68

2279 Words

            Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganoon ni Archie sa sala.  Siya na nakayakap lamang sa akin at ako na tahimik na lumuluha. Siguro nga ay naging matagal kahit papaano dahil kusa na rin akong tumahan. Kahit na wala naman siyang sinasabi o kahit tahimik lamang kaming dalawa ay huminto ang aking mga paghikbi.             Hindi ko rin alam kung paano pero… marahil dahil sa pagyakap niya sa akin na iyon ay napawi ang bigat na aking nararamdaman. Nawala ang lahat ng sakit na ilang linggo na ring naninirahan sa puso ko, sinisira ito at pinalulungkot.             Ngunit dahil sa mga sandaling binalot ako ni Archie ng kaniyang mapayapang init ay napawi na rin iyon, unti-unti… dahan-dahan… hanggang sa hindi ko na naramdaman.             Posible pala iyon? Iyong kahit hindi kayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD