Isang araw sa school, isang Rodel ang nakitang humahangos na papunta sa akin. Binagalan ko ang aking paglalakad. “Clara! Sandali lang!” tawag niya. Nang makabawi sa hingal ay dumiretso ito ng tayo. “Totoo ba ang balita? Na maghihiwalay na raw si Sir Richard at ang kanyang asawa?” Hindi ako kaagad nakasagot. Pinaglaruan ko lamang ang aking mga daliri habang nakayuko. Nitong mga nakaraang araw ay ganoon na lang yata na ang postura ko sa tuwing naglalakad dito sa campus. Nakayuko. Binabalatan ang mga daliri. Kung hindi naman nakayuko ay nasa isang sulok lang kung saan alam kong halos wala nang nakakita sa akin. Hindi ko lubos maisip na nagkaganito ako. Na hinayaan akong lamunin ako ng mga sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. Haba

