Hindi na muling lumabas pa si Madame Sofia. Ilang minuto akong nanatili roon at nagbaka sakaling makikita niya ako pero wala akong napala. Inabot ako ng halos isang oras katatanong sa mga nakakasalubong ko patungkol sa kung nasaan nga ba talaga ang tamang daan patungo sa address na sinasabi ko. Kung hindi naman ako iniiwasan ay sinusungitan at tinataboy. Wala ring nangyari kaya bagsak ang mga balikat akong naupo sa isang gutter. Anong oras na pero nasa labas pa rin ako. Hindi ko alam kung paano ako uuwi sa bahay ng mga Delgado. Wala akong cellphone at wala rin akong pera. Ang lamig-lamig pa rito sa labas at kumakalam na rin ang sikmura ko. Pinahid ko paalis ang isang luhang lumandas sa aking pisngi. Nawawalan na ako ng pag-asa pero nanati

