Nakalipat ako sa isang apartment na puro babae ang nakatira. Mas maayos nga iyong ganoon para maging komportable naman ako. Si Milly ang naghanap sa akin nitong apartment na halos dalawang oras lamang ang layo mula sa dati kong pinagtatrabahuhan. Medyo malaki ang renta kahit na maliit na espasyo lang naman ang aking nabili. Lalo pa ngayon at wala akong trabaho, at wala rin akong mahanapan ng trabaho dahil nagpapagaling pa. Pero... ayos na rin. Pahinga ko na rin dahil sa mga nangyari noong nakaraan. Malaking tulong din ang perang natanggap ko mula sa mga Delgado at iyon ang ginamit upang makapagsimulang muli. Hindi naging madali sa akin ang aking ginawang paglipat. Una sa lahat ay nagpapagaling pa ako mula sa aksidente. Hindi naman grabe pero dahil mura pa lamang ang mga galos na natamo a

