Kabanata 86

2217 Words

“Ayaw na kitang makita pa, Archie,” sabi ko. “Itigil na natin ito.” Kitang-kita ko ang pamumutla ni Archie pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Napaiwas na lamang ako ng tingin. Sa totoo lang ay hindi naman ganoon kadaling sabihin iyon. Hindi naman ako gumising na lang ng isang araw ay ayaw ko na pala kay Archie. Hindi iyon isang desisyon lamang na ginawa sa isang upuan pagkatapos ay pinanindigan ko na kaagad. Kung magpapakatotoo ako sa aking sarili, alam na alam kong mahal ko pa si Archie. Mahal na mahal ko pa. Kung iuutos nga sa aking isigaw ko sa buong mundo ang nararamdaman ko para kay Archie ay hindi ako aalma. Gagawin ko iyon nang buong puso at buong kaluluwa. Ako pa ang magiging masaya dahil wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin ng iba. At kung siya mismo ang h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD