Gising na gising sa buong diwa ko sa mga sumunod na pangyayari. Pagkatapos akong pagpyestahan ng mga tao sa kalsada ay dumating si Archie at binuhat ako paalis doon. Madali niya akong naisakay sa kaniyang kotse na hindi ko ba alam kung iyon ang ginagamit niya kapag si Madame Sofia at kapag sinusundo ako. Iyong asawa naman niya, nakita kong bumalik sa kanilang napakalaki at napakagandang pamamahay kung saan naghihintay si Milly. Sa tarangkahan pa lang ay inalo na niya ang amo. Kahit na ito naman ang humawak ng baril. Kahit na iyon naman ang nagtulak sa akin na tumakbo na palabas. Hindi nga siya ang kumalabit sa gatilyo pero siya pa rin ang sanhi kung bakit sobrang nananakit ang tagiliran ko ngayon. Halu-halo na nga e. Sobrang sakit ng katawan ko pero hindi ko alam kung mas grabe ba ang

