Dalawang araw makalipas ay bumuti na nga ang lagay ni Charlene. Naging tuloy-tuloy ang panggaling niya at kung minsan ay nakakakwentuhan pa namin. Akala ko nga ay hindi na mauulit iyong gabi-gabi naming pag-uusap na magkakapatid bago matulog pero nangyari iyon. Kaya nga lang, umagang-umaga naman kinabukasan ay kailangan na naming bumalik. Sa ayaw ko man at sa gusto ko, kailangan kong balikan ang aking pag-aaral. Hindi ko naman ito pwedeng talikuran nang ganoon-ganoon na lang dahil sa maraming nangungutya sa akin. E kaunting panahon na lang ay magtatapos na ang semester. Sayang naman kung ngayon ko pa ito pababayaan. Isa pa, kailangan ding magtrabaho ni Archie. Alam ko kung gaano kaimportante ang responsibilidad niya sa kanilang kompanya at maraming tao ang umaasa sa kaniya. Kahit iyon na

