Kabanata 83

2019 Words

“Mabuti at nakarating ka, Clara. Noong sinabi nga ni May na uuwi ka raw ay hindi ako makapaniwala. Kumusta ka na, anak?” Iyon ang pambungad ni Mama nang magkaroon na kami ng aming sariling espasyo. Kanina ay nasa loob kami ng kwarto ni Charlene. Sa wakas ay nakalabas din ng ICU noong hapon at nailipat na sa regular na kwarto. Dengue raw na hindi naagapan, ang sabi ng mga doktor. Mabuti nga at naidala kaagad sa ospital kung hindi ay maaaring mas maraming komplikasyon pa raw ang nangyari. “Ayos lang ako, Mama,” sagot ko. “Hindi dapat kayo ang nagtatanong sa akin niyan. Hindi niyo ako kailangang intindihin dahil kayang-kaya ko ang sarili ko. Ako nga dapat ang nag-aalala sa inyo.” Bumuntong-hininga na lamang ako at iginala ang tingin sa lobby ng ospital kung saan kami nagkukwentuhan ni Mam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD