Hindi na ako nakatanggi nang sabihin ni Archie na siya ang maghahatid sa akin pabalik sa aming probinsya. Nagmamadali na talaga ako dahil malubha raw ang kalagayan ng aking bunsong kapatid na kasalukuyang naka-admit sa ospital. Inisip kong kapag nag-commute ako ay maghihintay pa ako ng ilang oras para sa pagdating ng bus na punuan pa. Kaya kahit tuloy malaki ang galit ko kay Archie, nawalan na lang talaga ako ng choice at pumayag. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay burado na sa utak ko ang mga nangyari. Nakatatak pa rin ang lahat ng mga iyon sa akin at patunay lamang na dala ko pa rin ito sa aming pag-alis sa pamamagitan ng aking munting mga hikbi. Kung ano man ang iiwan naming sitwasyon sa bahay, doon na lamang muna iyon. Iyong pagkakatuklas ko sa mga kasinungalingan ni Archie, sa wa

