Mabilis na pumasok si Archie sa kaniyang study. Napaatras nga ako dahil mabilis niyang tinatlong hakbang ang aming distansya. Pilit niyang binawi ang kaniyang cellphone na mabilis ko namang iniwas. “Damn it, Clara! Give me that-” “Hindi, Archie!” mabilis kong iling nang makawala sa kaniya. “Hindi ko ibibigay sa’yo ito hanggang hindi mo ipinaliliwanag sa akin ang lahat.” “Ano na naman bang drama ito? Ha? Hindi ka ba napapagod sa kakaganiyan mo-” “E ikaw? Hindi ka rin ba napapagod sa pagsisinungaling mo sa akin?!” Pinandilatan ko siya. Napangisi lamang ito, binabasa ang mga labi at napapailing. “Nababaliw ka na talaga. Listen to yourself. You sound so crazy!” “Ako pa talaga ang baliw ngayon, Archie?! Ako pa talaga?!” “E sino nga? Tingnan mo nga ang sarili mo. You’re a f*****g mess rig

