“Tumahimik na kayo. Dadaan na iyong kabit...” Iyon ang bumungad sa akin pagtapak ko sa aming departamento isang Miyerkules ng umaga. As usual, nakaupo sa mga sementong upuan sa gilid ang mga ka-batch kong walang ibang alam at ginawa sa buhay kung hindi ang pag-usapan ang buhay ng iba. Isang malaking hininga ang aking inipon bago taas-noong naglakad papasok. “Ako? Tatahimik? Bakit naman e kung... kabit nga talaga siya?” Pero wala pa ring humpay ang kanilang mga bulungan. “Ang tapang na kabit daw niyan. Alam ninyo ba, sabi noong isang kakilala kong nakatira din daw sa village nila ay iyan pa mismo ang umaastang asawa ni Sir Richard?” “Oh? Ano naman daw ang ginagawa?” “Ayun... Humahabol sa kotse ng amo na parang tutang nawawala. Kung gabi pa raw ay laging nag-aabang sa labas ng gate, h

