Mali sigurong nakipag-usap muna ako kay Madame Sofia patungkol sa pag-alis ko bago ako nag-exam. Kung maibabalik ko nga lang, sana ay pumayag ako sa alok niyang ilang araw na palugit. Ako kasi e, nagmatigas. Lumabas ang pagiging Salvacion ko. Parang si Mama lang noong sinabi ni Papa na iiwan na niya kami at ng mga kapatid ko. Tandang-tanda ko pa noon, unang nagbanta si Papa pero ni minsan ay hindi natakot si Mama. Sa katotohanan nga, siya pa ang halos nagtaboy sa aking ama. Nagalit kaming magkakapatid sa kaniya dahil kahit papaano ay mahal pa rin naman namin si Papa. Syempre ay tatay pa rin namin iyon kahit na ano ang mangyari. Pero tandang-tanda ko rin na mismong sa araw ng kaniyang pag-alis, doon humabol si Mama. Doon ko siya nakitang mawala na nama

