Halos nanghihina pa siya pakabangon sa higaan, subalit napansin niyang papasikat na ang araw kaya naman agad na siyang tumayo para makapagbihis. "Oh, saan ka nanaman pupunta?" hatak sa kanya ng binata. Napahagikgik na lang siya nang masubsob pabalik sa mahigpit at makulit na yakap ng lalake. "Maghahanda pa ako ng almusal." Pilit niyang tayo muli upang makawala sa malilikot na bisig ng lalake. "Anong oras na ba?" malambing nitong bulong pakasubsob sa kanyang leeg. "Maaga pa, matulog ka na lang ulit," malumanay niya na lang na haplos sa pisngi ng lalake. Ganoon na lang ang ngiti nito sa ginawa niya, kaya’t mas lalo lamang humigpit ang pagkapit nito upang hindi siya makaalis. "Mamaya ka na tumayo, wala akong katabi," muli nitong hatak sa kanya. "Sir Luke!" Natatawa niya na lan

