Prologue
Disclaimer :Everything that is written or stated in this story are just based on my imagination. All of the names, characters, events, places, people, organizations, stated in this story are not connected in to real life and are just purely work of fiction. Any similarities or resemblances of the characters, places and incidents to actual persons, organizations and events are entirely inadvertent and incidental
I AM FROST WRITER AND A FRUSTRATED ONE SO PLEASE FORGIVE ME FOR ALL THE ERRORS AND WRONG GRAMMARS THAT YOU MAY ENCOUNTER IN THIS STORY. THANK YOU AND ENJOY READING!
"Anong gusto mong theme ng wedding ?"
Tumigil ako sa paglalaro ng kamay niya dahil sa tanong ng boyfriend kong si Rhen Tumingin ako sa kaniya at ngumiti .
"Syempre gusto ko 'yung Church Wedding," nakangiti kong sabi sa kaniya at napangisi naman siya.
"Bakit?" sunod niyang tinanong, seryoso siyang nakatingin sakin na para bang kinakabisado ang bawat angulo ng mukha ko.
"Halos lahat naman ng babae ganoon ang gusto, well opinion ko 'yun. Ang gusto ko kasi ganoon 'yung bongga hahahaha" pangarap ko na kasi 'yon mula bata pa ako ang ikasal ako sa simbahan tapos ako ang pinaka magandang babae doon, mahaba ang gown, iyon bang nandoon na ko sa altar pero ang gown ko andoon pa rin sa pituan. Sa harap ng altar nandoon ang taong mahal ko at mahal din ako corny man pakinggan pero ganoon ang gusto ko.
"Gusto ko din ang gown ko mahaba 'yung nasa altar na ko pero andoon pa sa pituan ang dulo ng gown ko," natawa siya sa sinabi ko
"Gusto mo ganoon kahaba?" natatawang niyang tanong
"Oo nga, tapos gusto ko it's either lavender or peach 'yung theme." Nakangiti ako habang inimagine ko ang mga bagay na gusto kong mangyari
"Tapos? Ano pang gusto mo"
"Tapos gusto ko ikaw ang maghihintay sakin sa dulo doon sa harap ng altar" kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan 'yung ngiti na lumalabas doon.
"Ano pa bukod sa ako ang maghihintay sayo sa dulo, sa harap ng altar?"
"Gusto ko ang reception natin doon lang sa amin, kasi 'dba maluwang naman doon kahit medyo mapuno presko pa nga eh, tsaka doon tayo unang nagkita eh kaya special sa'kin iyon," pinaglapat niya ang mga kamay namin at hinalikan ang likod ng kamay ko, I find it sweet.
"Ano pa? Wedding date? " He asked again.
"Hmm I want on February, then 18 ang date," tumango tango lang siya, there's a certain reason kung bakit 'yun ang date na gusto ko. It represents one eternity.
"February 18 represents one eternity for me jo..." Ngumiti ako at tumingala sa kaniya "It posses 1 which stand for only one and 8 na kapag inihiga mo, It will show you the symbol of infinity and the month of February is the month of love."
"Sounds amazing, gusto mo talaga akong makatulyan habambuhay noh, hindi ako nainform na ganyan ka kabaliw sakin," then nakita ko nanaman ang boyish smile niya. Sumimangot ako at pinakinggan pa ang mga sasabihin niya.
"Wala ka na bang plano?" He asked one more question.
"Wala na eh ikaw ba anong plano mo?" Binalingan ko siya and I stared at him for a bit checking his features, ang gwapo niya sa totoo lang para siyang lumabas sa paborito kong libro. He has this charm na kapag tinignan mo, mahaba ang eye lashes niya na lalong nag papungay sa mga mata niya, may matangos na ilong . Fair skin siya, mas makinis pa nga 'to sakin eh, then perfect symmetrical lips oh dba ganyan na ganyan ang sa mga libro with matching makapal na kilay pa.
"Done checking jo?" napahaba ang nguso ko sa sinabi niya tsk mahangin din 'to eh
"Nope, answer my question na dali."
"Ang gusto ko... Ang ikasal ako sayo 'yun lang." Pinapigilan ko ang ngiti ko pero hindi ko kaya. Ang kilig ko hindi ko rin maitago nahampas ko tuloy siya
"Required ba talagang manghampas kapag kinikilig ka?" Hinihimas niya ang braso niyang hinampas ko. Siya naman kasi eh pinakilig ako, mayroon talaga akong hobby na manghampas or manakit kapag kinikilig
"Sorry na." Hinalikan ko nalang siya kung saan ko siya hinampas at sa pisnge, nawala tuloy ang pag ka busangot niya.
"Isa pa nga sa kabila naman," para hindi siya magalit kiniss ko nalang kaya mas lalong lumapad yung ngiti niya. Tinuro niya yung lips niya
"Dito pa jo. "
"Abusado ka, tama na 'yan nakadalawa kana." Tumawa na lang ako dahil nag pout siya.
"Ang panget mo," pang aasar ko. Sa totoo lang ang panget niya tuwing naka pout siya mukha siyang spoiled na bibe
"Ahh ganoon." Napatayo ako sa kama dahil alam ko na ang susunod niyang gagawin. Tumakbo ako palabas sa kwarto niya at pumunta sa sala nila
"Come here baby, I don't bite," I don't bite daw pero umakto siyang mangangaggat, alam kong sa oras na mahuli niya ko kikilitiin niya ko sa bewang at leeg ko, kung saan malakas ang kiliti ko.
"Rhen tama na please?" Nagmamakaawa ako dahil pagod na kong tumakbo napunta na kami sa kusina tapos bumalik sa sala tapos nandito nanaman kami sa kwarto
"Then surrender jo," nang aasar siya pero nang kalaunan ay binuka niya ang mga kamay niya at umaktong yayakap sa'kin kaya lumapit nalang ako para yakapin siya, noong magyakap kami ay hinalikan niya ko sa tutok ng ulo ko, mas hinigpitan ko ang yakap pero nabigla ako noong napunta sa bewang ko ang mga daliri niya at bigla na lamang niya akong kiniliti
"Hahahahaha tama nahhahahaha." Mangiyak iyak ako sa kakatawa dahil sa pangingiliti niya sa akin napahiga tuloy ako sa kama dahil sa pagod.
Nakakapag ingay kami dahil walang tao dito at kami lang dalawa umalis ang papa ni Rhen kasama 'yong kapatid niyang bunso, mukhang inaasikaso ang mga requirements sa pagpapaenroll ni Zhijan 'yung kapatid ni Rhen, mag sesenior high school na kasi siya sa pasukan samantalang si Rhen third year college na sa architecture habang ako kaka graduate ko lang ng grade 12.
Niyakap niya ako at inamoy amoy ang buhok ko "Ang baho mo na jo." Humarap ako sa kaniya habang nakayakap parin kami sa kama at nakahiga.
"Kaliligo ko pa lang eh," matapos kong sabihin 'yun ay hinalikan niya ko sa nuo, pagtapos ay hinalikan niya ang dalawang mata ko sumunod sa dalwang pisnge nakapikit lang ako habang ginagawa niya iyon at naramdaman ko nalang ang mga labi niya sa labi ko marahan lang sa umpisa then it becomes deeper and deeper hanggang sa hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari tinangay na ko ng katinuan and the rest is base on your imagination.
"Papakasalan kita kapag may maipagmamalaki na ko, kapag may naipundar na ko, kapag kaya na kitang buhayin, papakasalan kita pangako tutuparin ko lahat ng gusto mo sa kasal natin, " iyon nalang ang huli kong narinig at hinila na ko ng antok dahil sa pagod.
"I love you. "
"I love you too."
"Pagod na ako."
"Sawa na ako! "
"Hindi ko na kaya."
"Tigilan na natin 'to!"
When I love yous turn into pagod na ako. When I miss you turns into ayaw na kitang makita. Kailan mo masasabing suko na ako? Kailan mo masasabing kaya ko pa?
Hindi lahat ng laban ay kailangan mong labanan, minsan ay mas mabuti pang sumuko nalang para hindi na mas lalong mag kasakitan.
Sabi nila ang pagmamahal ang
bumubuhay sa'tin pero sapat nga ba ang pagmamahal para mabuhay?
Nasusukat kung gaano kalalim ang dagat pero paano masusukat kung gaano kalalim ang pagmamahal? Nasusukat ba ito sa sitwasyong kinakaharap? Sa mga problemang dumarating? Sa bawat pag alon ng dagat? Sa mga pag iyak? Sa ilang baldeng luhang pumapatak?Is it really measurable?
Papaano mo nga ba masusukat ang pagmamahal ng isang tao kung hindi mo naman ito nakikita ni hindi nahahawakan.
Maraming katanungan ang hindi nabigyan ng kasagutan at isa na doon ang tanong kung bakit mo ako iniwan?