Chapter One

3411 Words
"Ma, bagay ba sa'kin 'tong gown?" nakaharap ako sa malaki naming salamin, checking myself if the maroon gown with an off shoulder style will suit me. "Ma, tignan mo dali." Humarap ako kay mama at nagpaganda sa harap niya, pumikit pikit pa ko. "Tumigil ka nga dyan Aissa," mahinang saway niya sakin at tumingin sa suot ko. "Oh ayos na 'yan , i'taas mo na lang ng  kaunti itong nakalaylay sa balikat mo." Kumunot ang nuo niya. "Ano ba 'yan, bakit pinapakita mo 'yang buo mong balikat?" "Ma, kaya nga off shoulder ang tawag dito eh, Ipapakita talaga 'yang balikat ko." Reklamo ko sa kaniya. Itinataas niya pa ng kaunti     'yong lalayan kaya napasimangot tuloy ako "Wala ka talagang alam sa style ma," sambit ko habang inaasar siya,which is half truth naman. Oldies na kasi kaya ganyan. "Noong panahon ko mas maganda pa ko sayo, style style ka pang nalalaman  arte arte mo," aniya. Ohhh here we go again flashback nanaman yan. "Noong panahon namin eh walang pa litaw-litaw na bikat pero magaganda at mukha kaming sexy. Hayyys mga bata nga naman," pailing-iling pa siya habang sinasabi iyon. "Ma, noong panahon n'yo  yun, nineteen forgotten na yun eh." I rolled my eyes. "I'ts already 21st century oh you're so luma na talaga,"sabi ko at bahagyang natawa sa itchura ni mama ngayon dahil ayun nanaman yung mukha niya na asar na asar sakin. "Dalian mo jan wag ka ng umarte arte at memake upan ka pa, tandaan mo hindi ikaw ang ikakasal wag kang ha-harot  harot doon ah, " pagbabanta niya sakin. Kasal ng pinsan ko ngayon and church wedding ang gagawin nila, hindi naman ganoon ka bongga pero ayus na atleast ikinasal siya sa lalaking mahal niya. I sounded like a hopeless romantic teenager. Im wearing a maroon gown na bumagay sakin dahil maputi naman ako at mas lalong nagpaganda dahil litaw ang balikat ko kung saan makikita  rin ang collar bone ko naka defined, simpleng make up lang din ang inilagay sakin at naka braid ang mahaba kong buhok at sindyang ilaglag ang ilang hibla sa harap. Papunta na kami sa simbahan. Nakasakay kami ngayon sa van na pag-aari  ng mapapangasawa ng pinsan ko, nakaupo ako sa pinaka dulo kung saan nakaupo ang ilang mga flower girl. Ako lang sa pamilya namin ang kinuha bilang isang abay sa kasal dahil ako palang ang nag dadalaga at lahat ng mga pinsan kong babae ay maliliit pa. Chinat ko 'yong mga kaibigan ko na pumunta na sa simbahan, syempre kailangan ko ng photographer, balak kong magpalit ng DP sa f*******: at mag post sa i********:. Sinabi nilang papunta na sila hindi nila kayang palampasin ang kainan o handaan, basta may Shanghai go lang sila ng go. Bumaba na kami sa harap ng simbahan at nauna akong mag lakad sa loob, gusto kong makita yung design sa simbahan. Sa gitna ay mayroong red carpet at sa gilid noon ay may mga flower handle, may mga  rosas na kulay red at white. Mayroong mga malilit na kandilang nakapalibot ang nakalagay doon. Sa entrata naman sa pituan ay may malaking arko, it has the same color of roses and designs, may mga petals din sa paligid ang nakakalat, it smells nice here amoy love chour. Ang ganda lang talagang tignan ang simbahan lalo na kung may ikakasal. "Houyy Aissang nag iimagine ka nanaman." May narinig ako demonyong tumawag sa pangalan ko at pag tingin ko nga roon ay nakakita ako ng tatlong demonyong nakapasok sa simbahan. "Tinitignan ko lang yung designs," pagdadahilan ko. "Sus iniimagine mo nyan ikinakasal ka sa crush mo eh," Devine stated. Napaikot tuloy ang mata ko ng 180 degree. "Ebiang, wag mo kong simulan," sabi ko. "Doon na tayo dali, picturan n'yo na ko mga alipores." Nauna akong maglalakad sa kanila. "Ulol," sabay sabay nilang sinabi yun. Devine, Lennia and Lior apat kaming magkakaibigan lalaki si Lior... I mean mahilig  siya sa lalaki. Sila ang pinaka bestfriend ko, same school kaming apat noong highschool pero dahil hindi kami pare pareho ng strand na kinuha ay nakahiwahiwalay kami. Si Lior seaman ang kukunin marami daw kasing isda sa dagat ewan ko kung totoong isda ang tinutukoy niya, si Devine teacher ang gusto mahaba daw kasi ang patience niya i don't think so mahilig siya sa mahaba pero hindi mahaba ang pasensya niya and lastly lennia wants to become a nurse mahilig daw kasi siyang mag alaga pero takot naman siya sa dugo, ewan ko ba kung bakit sa lahat ng normal na tao sa mundo eh nakatagpo ako ng mga above the average ang pag iisip. Ako ang gusto kong kunin ay Accountcy mahilig ako sa pera pero chour lang hilig kong magmanage at mag balance. "Nasa simbahan kayo nagagawa niyo pang mag mura mga demonyo talaga kayo buti hindi kayo nasunog," pangsisita ko sa kanila. Mga baliw talaga. "Anong gusto mong gawin natin mag mahalan? " pambabara sakin ng  nag fefeeling babae dito, mas makapal pa sa make up ko ang kolorete niya sa mukha. Iyong kilay pa niya eh mas pulido pa sa kilay ko parang ginuhit lang ng pintor eh at yung outfit  niya eh kinabog yung dalawa naka black na overall dress pants ang loka habang yung dalawa ay nag papaka trying hard magmukhang koreana, gusto yata nilang maachieve yung mga looks sa pinapanood nilang k-drama, naka overall dress silang dalawa at may shirt sa loob. "Hoy Lior bakla ka, daig mo pa ang mag pa pageant sa make up mo." Dinuro ko yung mukha niya. "Get your fat finger out of my face and correcting it's lia," maarte ang pagkakasabi  niya noon. "Gaga correction 'yon,"pagtatama ni Deby sa sinabi ni Lior. Nag asaran lang kami hanggang sa makapunta na kami doon sa labas, pumunta kami doon sa may bermuda grass. Si Deby, palayaw ni devine, siya ang  photographer ko habang  si Lior ang stylist ko at nagtuturo ng mga poise ko si enni naman, nickname ni lennia, siya ang taga cheer at supporter namin. "Gurl ganito kasi oh." Lior demonstrates the right poise. Umupo siya doon sa may damuhan at tumingin sa kabilang side habang hawak ang kaniyang nuo, nakapilantik ng todo ang daliri niya. "Ayyy yummy," he said that while looking at someone. Napatingin ako kung saan siya Nakatingin,  hindi kalayuan sa pwesto namin ay nakita ko  yung isang binatang nanunuod samin  naka barong siya, it looks like na may participation siya sa wedding. I scanned his face. He has a straight thick dark eyebrows, a pink symmetrical thin lips. His eye lashes are long, also thick and darker that makes his eyes look languid. He owns a ruset brown eye color, a pointed nose. A fair skin color and he's about 6 feet tall or more than that. Mukhang lumubas lang siya mula sa binabasa kong libro, at masasabi kong yummy nga. May pagka-wavy yung buhok niya. Gumuhit ang nakakaloko niyang ngisi nang makita niya kaming nakatingin sa kaniya. "Kayong dalawa focus on the camera not on the papa okay," nagsalita si Deby kaya napatingin kami sa kaniya. Umiiling iling siya. "Makatitig kayong dalawa akala niyo nakakita kayo ng magandang view, nasaan ba?" Tumingin si Enni doon sa lalaki kanina. "Ohh tourist spot pala eh kaya ganda ng view," mahina ang pag kakasabi niya noon pero dinig parin namin. " I love the view," Lior said then  stole one more look doon sa lalaki kanina na ngayon ay meron ng kausap. "Oppa can i say i love view?" nakatingin siya doon sa lalaki habang sinasabi 'yon. Ang gagang bakla kinilig sa sarili niyang banat, tumingin uli ako doon sa lalaki at nakita ko namang nakatingin siya sa gawi namin. Kumaway si Lior at nag flying kiss. Ang malanding bakla eh parang asong nabitchin dahil nangisay noong kumaway pabalik 'yong lalaki at umaktong kinuha yung flying kiss ni Lior. "Sira ka, Deby patingin nga baka may ipang profile na ako." Lumapit ako kay deby at nag tingin tingin,noong may magustuhan ako ay bumalik na kami sa loob ng simbahan. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa paglalakad sa gitna kung saan merong red carpet. Iniisip ko kasi baka matapilok ako or something tapos hindi ko pa kilala kung sino yung kapartner ko at makakasama sa paglalakad. Nabasa ko lang doon sa invitation card  'yong panagalan noong partner ko, rhenuel yata? Itinanong ko rin doon sa pinsan kong ikakasal kung sino yun at kung kilala niya ba, sabi niya kapatid daw noong kaibigan ni kuya lindon yung mapapangasawa ni ate shane na pinsan ko. Naunang lumakad yung mga flower girl, ang cucute nila sa suot nila. Mahilig ako sa bata, mahilig akong asarin sila, para kasing naka achieve ako ng malaking bagay kapag may napapaiyak akong bata. Noong nasa bandang huli na ay nag ready na ko at tumingin sa side kung nasaan ang  lahat ng mga lalaking may participation sa kasal. Nagulat ako noong nasa harap yung lalaki kanina Nakita niya yata na nagulat ako at siguro naalala niya ko kaya natawa siya nang kaunti but then he gave me a boyish smile. Sa pagkakabigla ko ay hindi ko namalayang kami na pala ang susunod kaya naman medyo nalate pa ko at binilisan ang lakad ko para makasunod sa kaniya, he waited me but because of my sudden step ay natapilok ako thankfully nasalo naman niya ko. "Careful lady," natatawa siya habang sinasabi yan but there's a bit concern in his tone, inikot ko ng 190 degree ang mata ko duh medyo napahiya ako doon, sabi ko na nga ba matatapilok ako eh! "Thank you," yun nalang ang nasabi ko at tuloy tuloy na kaming naglakad. I put my arm around his, then back to poise nanaman ako. Grabeng panira ng beauty yun. Nag smile nalang ako but deep inside nahihiya ako. Noong nasa bandang harap na kami kung saan mag hihiwalay na ay bumulong siya sakin. "give me another poise" humarap ako sa kaniya at tinignan siya ng masama, mgumisi siya. " fierce look ah, I like that," nang aasar ang tono niya. I just made face before turning my back at him. Humiwalay na kami sa isa't isa at pumunta na ko sa kabila kung saan ang pwesto ko. Tumingin ako sa may entrance then I saw my cousin wearing her elegant white gown and she also wears the most beautiful smile, evidence that she's truly happy, naglakad sila ng marahan ni Tito hanggang makarating sa altar kung saan nakatayo ang lalaking mahal na mahal niya, they both shred tears when they finally reach their hands and face infront kung saan sila mangangako sa isat isa.  Lumibot ako ng tingin, maraming nag iiyakan dahil sa pagpaplitan nila ng vows. Typical scenario in the wedding, may umiiyak sa tuwa dahil finally nakita na nilang naikasal  ang dalawa, siguro ay alam ng mga taong ito kung anong hirap ang dinanas ng dalawa para lang makatungtong sa harap ng altar at magpalitan vows. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung paano ako ikakasal at kanino? If naririnig lang ng mga kaibigan ko ang inisip ko they will definitely tease me and they  surely say na hindi pa nga ako  nag kaka boyfriend eh  kasal na agad ang iniisip ko, well sumagi lang naman yun sakin dahil sa nakikita ko ngayon. You will be inspired once you saw a couple getting married. Inalis ko nalang yung pag iisip sa bagay na yun dahil bata pa ko para magpakasal hello? 17 years old  wala pang karanasan or what. The wedding went well, nandito na kami sa reception, which is kung saan kami nakatira. Malawak at maraming puno kaya naisipan nilang dito nalang ang reception para mas makatipid, it's not a wrong choice though, mahangin naman dito at maganda ang scenario at ambience sa bukid. Pinaupo na kami sa mga upuan namin. Denesign nila yung lugar  gamit ang kawayan at mga dahon, nasa probinsya naman kami kaya ayos lang na ganito ang set up. Sa pampanga kami na katira, kaya kahit pakawakawayan ang theme eh okay lang. Nakaupo ako at katabi ko ang mga iba pang abay sa kasal, nagchat ako sa gc naming magkakaibigan kung asaan sila. Aissang: houy mga hit the ground asaan kayo? Debyn:chumichibog dito sa gilid, tignan mo ang baklang masiba Debyn sent a photo. Noong tinignan ko yung picture ay natawa ako paano si Lior parang mauubusan ng pagkain, may hawak siyang chicken joy sa isang kamay at hotdog sa kabila. Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yong hotdog wala naman kasi akong nakitang hotdog na handa mukhang nag baon lang siya, hilig talaga niya 'yong hotdog eh. Nag react nalang ako ng haha syempre reactor ako noh. Tumingin ulit ako paligid at tumunganga. Masakit na 'yong paa ko nang dahil sa heels. Marami pang kung ano anong pakulo ang ginawa sa kasal kaya nag picture picture muna ko sa phone ko pambatanggal umay at gutom, smile dito nguso doon unaware sa paligid. Noong may maramdaman akong nakatingin ay luminga linga ako at nakita ko nanaman yung lalaking na kapartner ko kanina na parang natatawa habang nakatingin sakin pinagtaasan ko lang siya ng kilay asking him what the hell his looking at? Nang matapos kumain ay pumunta ako sa mga kaibigan ko at nakita ko silang kumakain parin lalo na ang masibang bakla. "Bakla ang takaw takaw mo hinay-hinay lang, mabilaukan ka sana." Natatawa ako sa itchura niya dahil kung anong ikina poise niya kanina ay 'yun ang kinadugyot niya ngayon. "Oo nga bakla kita mo andaming poging nakatingin, maintain your poise baks," sinabi ni Deby. Lumikot naman ang mata ng bakla at nag form ng o ang bibig niya dahil nakita niyang may mga nakatingin nga sa gawi niya. "Duhh bakla atleast center of attention ako." Ngumiti naman si Lior at kumaway-kaway  gamit 'yong kamay niyang may hawak na hotdog, para tuloy iwinawagayway niya yung hotdog. Gagi talaga, kung tutuisin nga eh mas gwapo pa siya doon sa mga  kinakawayan niya. May itchura din kasi 'yang si Lior hindi lang halata dahil sa make up niya. "Bakla mali naman yung words mo eh attraction kasi yun," enni stated. Natawa tuloy kami. Pero nangangatwiran ang Lior, "Gaga attention kasi talaga yung ginamit ko kasi nakakaagaw ako ng atensyon noh" "Paanong hindi ka makaagaw atensyon eh mukha kang patay gutom na ulikba ka," si Deby ang nagsabi noon at nag tuloy tuloy lang sila sa pag sasagutan. "Let me call the attention of all the  bridesmaids, please proceed in this given area for the bouquet ceremony, " yung emcee ang nagsalita gamit ang mike at kahit ayaw kong pumunta dahil hassle lang ay pinilit ako ng mga kaibigan ko lalo na si bakla. "Aissang dalian mo pumunta kana doon baka mahanap mo yung future mo doon," mahinang bulong at bahagya pa akong tinulak  ni Enni bago tumingin  doon sa pwesto kung saan nag titipon na yung mga bridesmaids. "Oh ibig sabihin ni enni doon sa future, eh yung future jowa mo ha hindi 'yong future as in joga mo," si Deby naman ang pumalit at sinundot pa ang dibdib ko. "Full foam ang gaga kaya pala medyo lumaki," dagdag pa niya. "Babaita kapag nakuha mo yung bouquet ibigay mo sakin ilalimtayo?" ibig niyang sabihin doon sa huli niyang words ay understand medyo naalog 'yong utak niya kaya ganyan si Lior. Na untog yata ang tiyan ng mama niya habang ipinagbubuntis siya At sa kasamaang palad eh' yong ulo niya ang natamaan, may mga words talaga siyang  siya lang ang nakakaintindi kaya nga mayroon siyang the lior dictionary. Sumulok ako doon at hindi masyadong nakikisama doon sa grupo ng mga abay na excited makuha yung bulaklak, ayaw ko naman talaga 'yan eh hindi naman sa naniniwala ako sa pamahiin na kung sino ang makakakuha noong Bouquet ay siya ang susunod na ikakasal, ayaw ko 'yan dahil may garter garter na kasama. Kung sino sa mga lalaki ang makakakuha n'ong garter, siya ang  maglalagay noon sa binti ng babaeng makakakuha ng bouquet. Inihagis ni ate shane ang bouquet at matagal yung pinag agawan sa ere,  hindi ko tuloy sila maintindihan kung bakit nila pinag aagawan. Nabigla ako n'ong mapunta iyon sa pwesto ko at sa taranta ko eh nasalo ko yun, para lang  itong  basketball eh  bulaklak lang yung pinag agawan, saan ko ba ito ishoshoot? "There you go. May nakakuha na ng bouquet pero mukhang fresh na fresh pa ang winner natin, ilang taon kana ija?" the emcee asked. "17 po," maikli kong sagot. "Anong pangalan mo ija?" "Renaissance po, aissa nalang ho," nahihiya ako sa pag sagot dahil halos nasa akin ang atensyon ng lahat. "Ang ganda ng name mo ija," she said while smiling. Ngumiti nalang din ako. Nagpatuloy lang sila sa program. Pumunta nalang ulit ako sa mga kaibigan ko. "Oh ayan." Inabot ko kay Lior 'yong bouquet tuwang tuwa naman siya labas pa ang gilagid  n'ong ngumiti. "Tourist attention ka kanina ha Renaissance," inaasar nanaman niya ko. Ayaw na ayaw kong tawagin ako sa buo kong pangalan , para kasi ng napagtripan lang ni mama eh. "Ouyy Deby sama mo 'yun sa The Lior dictionary, tourist attention daw, dali. Lior bakla tourist attraction yun bobo hilig mo sa attention, attention seeker ka," sambit ko. "Gaga ka ba kapag nag gain ka ng attention mag attract ang mga tao sayo kaya attention muna bago bingo chour," sumagot si Lior pero hindi ko na gets agad 'yong joke niya kaya inikot niya  'yong mata niya. "Duhh ang slow mo talaga... ATTENTION!! B. I. N. G. O nanay mo nagbibingo binato ng bichengco sumigaw ng bingo... Ano wala ka bang childhood?" yun pala 'yong ibig niyang sabibin doon. "Tama na yan bakla agaw atensyon ka talaga kahit saan," sita ni Enni sa kaniya. "Maganda kasi ako that's why," sagot niya. "Lior saan banda? Sa paa?" turo ni Deby sa mukha ni Lior "Ayy sorry akala ko paa yan mukha mo pala." Tumawa kaming tatlo. "b***h," tanging nasabi nalang niya. " Ms. Renaissance  and Mr. Rhenuel please come here gagawin nanatin ang putting the garter." Napalingon ako sa emcee dahil sa narinig ko ang pangalan ko at n'ong Rhenuel?? Iyong lalaki kanina, siya 'yong nakakuha ng garter fudgee! "Aissang!!! 'yong lalaki kanina sa simbahan siya pala ang  maglalagag ng garter mo.., I mean maglalagay," si Deby yun habang hinahampas hamapas pa ako tumayo nalang ako at pumunta doon sa upuan. "Ano aissang gusto mo swap tayo ako nalang, im more than willing," haliparot na bakla, hindi ko nalang pinansin at pumunta na ko doon. Noong makaupo ako at nakita kong papunta siya hawak 'yong garter na white, talaga bang  ilalagay niya 'yan sakin? "Dahil medyo bugets pa ang mga nakakuha ay gamit lang ang kamay at hanggang itaas lang ng tuhod  ilalagay ang garter, huwag ng itaas pa at baka kung ano pang mahawakan o mahila mo jan," hindi ko alam kung joke ba 'yon dahil hindi ako natawa sa sinabi ng emcee. "Relax lady, I don't bite, bigyan mo muna ako ng poise." Lumuhod siya sa harap ko matapos sabibin yun. "Eh kung sipain kita sa mukha tapos sabihin kong mag poise ka," pabalang kong sinabi yun natawa lang siya at hinawakan niya ang paa ko. "Relax, mukha kang matatae." Ngumisi siya sa itchura ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang reaksyon ng mukha ko pero naiinis ako sa lalaking  'to. "Sisipain talaga kita makita  mo," pagbabanta ko sa kaniya pero natawa lang siya ng bahagya. "Wag naman baka iba ang makita ko," aniya habang isinusuot iyong garter sa paa ko. "Pwede ba? dalian mo nalang para matapos na." Tumingin ako sa kaniya. Dahan dahan niyang itinataas 'yong garter sa binti ko at para bang sinasadya niya talagang bagalan, kaya sinipa ko siya ng bahagya napadaing tuloy siya at binilisan na ang paglagay. Umalis ako agad ng matapos 'yun nakakahiya. "Sayang hindi nalaglag panty mo hinihintay ko pa naman malaglag," nang aasar nanaman ang tono ni Lior "Tumigil ka bakla," sinuway ko siya at umupo sa upuan. Pagod akong humiga sa kama ko at kinuha ang cellphone ko tinigan ko 'yong mga pictures ko kanina at pumili ako ng ipang ddp ko at agad akong nagpalit. Naglagay ako ng caption na ethereal with flowers emoji. Uminom muna ako ng tubig pagkatapos ay tinignan ko ulit  yung  f*******: ko, pumunta ako sa i********: at nag upload. Tumingin tingin din ako sa iba at bumalik ulit sa f*******:. Pinost ko yung nga pictures namin ng mga kaibigan ko at cinaption ko ng with bitches, tumunog ang notif ko at tinignan ko 'yun, may nag send sakin ng friend request. Rhenuel Alcaraz sent you a friend request. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD