Chapter Two

3171 Words
Nakaramdam ako ng mahinang pagtapik, pero hindi ko iyon pinansin pumikit lang ako at sinubukang matulog ulit. Lumakas yung pagtapik sakin kaya medyo nagising na ang diwa ko, amputek gusto ko pang matulog. "Senyora Aissa gumising kana jan," nabungaran ko sa pagdilat ko si mama na nakapameywang sakin. "Bumangon ka na jan at magbihis. Magsisimba pa tayo sa Sta. Cruz, pang third mass na tayo nyan ang tagal tagal mo kasing magising," Mukhang naiirita nanaman siya sakin, kagagaling ko lang sa simbahan kahapon eh, masyado na kong banal. "Ma, ang aga-aga palang eh," sabi ko at pumikit ako ulit. "Hoouyy!! senyora alas nuebe na po nang umaga. Ako na nga ang naglinis ng bahay para sayo eh, " ayan nanaman si mama at mangongonsensiya kala mo naman may konsensiya pa ako. "Oo na, Kagagaling ko lang sa simbahan kapahapon eh." Tumayo na ko,habang pumipili naman ng susuoting damit si mama, nang meron na siyang napili ay inalis niya ang towel na nakabalot sa kaniya, lumantad sa harap ko ang peklat ni mama sa may dibdib. "Hindi ka naman pumunta doon para mag simba eh kaya dalian mo na, maligo ka na, ayaw kong malate." Humarap siya sakin habang sinabi 'yon kaya mas nakita ko iyong katawan niya. Wala ng yung isang bidbid ni mama, nagkaroon siya ng breast cancer noong highschool palang ako, they had to removed her breast which is iyong cancerous that time, para hindi na mag spread yung cancer sa katawan niya. Natapos na akong maligo at nagtotoothbrush nalang sa may sink, iniisip ko kung bakit nag send ng friend request sakin 'yong lalaki sa wedding. I came to an assumption na baka crush niya ko, pero sinagot ako ng kabilang side ng utak ko na assuming lang daw ako, well kaya nga assumption dahil nag assume ka. Medyo feelingera nga ako sa part na yun, slight lang naman. Malay mo kasi dba crush niya ko, maganda naman kasi ako kulang lang sa height. Kumuha ako ng floral dress. Baby blue ang kulay noon at knee-length ang haba tinernuhan ko yun ng white sneakers , nag liptint din ako ng kaunti, binun ko yung buhok ko at nag iwan ng kauting huhok sa harap. Tinignan ko yung leeg ko dahil feeling ko ay may nawawala doon. "Ma!! nakita mo ba 'yong kwintas ko? Iyong bigay ni tatay," sigaw ko kay mama dahil nasa loob siya ng kwarto, parati kong suot 'yong kwintas na bigay ng tatay ko sakin,it was a gold necklace and pangalan ko 'yong pendant. "Hindi, Kaburaran mu talagang anak keka. Tignan mo d'yan baka nailagay mo lang yan sa tabi tabi, kamahal mahal iwawala mo lang," tulad ng sinabi ni mama ay hinanap ko iyon sa tabi tabi pero hindi ko talaga mahanap. "Maaaa!!!! Wala talaga," para akong batang nag susumbong kay mama. "Gamitin mo kasi yang mata mo sa paghahanap, puro kasi bibig yang ginagamit mo," the iconic line of my mom kapag may mga bagay akong nawawala at hindi ko agad mahanap. "Mamaya mo na yan hanapin, malelate na tayo ang tagal tagal mong magayos akala mo ikiaganda mo na," Ganyan kami ni mama usually mag aasaran na akala mo mag tropa pero once na I stepped over the line pagagalitan na niya ko. "Kung pangit ako, pangit din kayo, sainyo lang ako magmamana eh." Tumawa ako pagkatapos at tumingin tingin sa paligid baka makita ko kasi, pero tuwing may nga bagay akong nawawala minsan hindi ko nalang yun hinahanap, once kasi na hinahanap mo, doon hindi nagpapakita pero kapag hindi mo naman hinahanap doon susulpot sa harapan mo parang jowa lang 'yan wag mong hanapin kusang susulpot yan. Chour harot. Sa may bandang gilid kami umupo ni mama. Simula noong nagcancer siya at gumaling ay mas naging devoted siya sa simbahan, parati na kaming nag sisimba dahil sobrang thankful namin kay God, that was a long fight and a big obstacle in our life. She underwent chemotherapy and radiation para lang matanggal 'yong cancer na naiwan doon sa tinanggal na breast niya. She's good right now, umiinom siya ng maraming gamot to survive, taking a chemo tablet for lifetime medication and other med dahil sa iba pa niyang komplikasyon. Nakapikit si mama, probably nagdadasal, she's a warrior indeed, napakatatag niya or should I say nagpapakatatag siya para sa amin. Pumikit din ako para magdasal noong pag dilat ako ay napansin kong malapit ng magumpisa yung mass, nasa gitna na yung mga altar server. Lumibot ang tingin ko sa paligid and there's someone who caught my attention nakaupo siya sa may bandang gitna, pinakatitigan ko siya at kinikilala medyo nakatagilid siya kaya nahihirapan akong kilalanin siya, pero I think nakita ko na siya somewhere. Naramdaman siguro niya na may nakatingin sa kaniya kaya luminga linga siya sa paligid then, our eyes met. Siya iyong lalaki sa wedding, the garter man! Nakita kong para bang pinagmamasdan niya ako o para bang kikikilala ang mukha ko. Nagtataka akong tumingin sa kaniya pinagtaasan ko siya ng kilay at no'ng nakilala na niya ang mukha ko ay ngumiti siya ng bahagya. Naalis lang ang tinginan namin dahil nagumpisa na ang misa. "The peace of the lord be with you always," the priest said. "And with your spirit," sinabi ko 'yon with hand gesture. "Let us offer each other the sign of peace," the priest added. "I love you ma," ani ko kay mama at pagkatapos ay halikan ko siya sa pisnge, I usually do that kapag nag offer na ng peace sa isat-isa. Umismid siya sakin, she meant i love you too with that reaction. Hindi showy si mama sa feelings niya pero makikita mo naman sa mga actions niya. Nag peace be with you din ako sa harap, gilid at likod namin. Na patingin ako sa gawi noong lalaki sa kasal if im not mistaken Rhenuel ang pangalan niya. Nakita ko siyang nakatingin din sakin, nag peace sign siya at ngumiti, bumuka ang bibig niya at nabasa kong peace be with you 'yon. Ngumiti ako sa kaniya ng slight at gumanti ng peace be with you. Natapos na ang simba at nag bless ako kay mama. Pinauna namin yung mga tao at ayaw naming makipagsiksikan, noong nasa labas nakami ay biglang may kumuha sa kamay ni mama at nag mano, noong tinignan ko yung lalaki sa wedding ni ate shane. "Oh sino ka?" tinanong ni mama. I scanned his body, he's wearing a blue denim jacket na nakatupi hanggang siko niya, inside of that jacket is a plain white shirt, then tinernuhan niya ng black ripped jeans and a white sneakers, yung jeans niya nakatupi sa ilalim. Tinignan ko ang mukha niya ganoon pa rin, he's wearing that boyish smile again, na patingin ako sa Adam's apple niya defined na defined na iyon, nakakaagaw ng atensyon, and then I noticed that he's wearing a gold necklace kaso hindi ko makita iyong pendant nakatago na sa shirt niya. "Ahh kakilala ko ma," ako na ang sumagot sa tanong ni mama. "Future manugang niyo po" nakatingin siya sakin noong sinabi niya 'yan, tumingin siya kay mama at ngumiti. "Oh sino ba talaga ito? Kakilala mo o jowa mo?" nagtatakang tumingin samin si mama. "Osya bahala kayo, magusap kayo d'yan at klaruhin niyo 'yan, mamalengke pa ko." Bumaling sakin si mama. "Ikaw doon lang ako kay letti mamalengke alam mo naman 'yon hindi ba, wag kayong masyadong maharot d'yan at sumunod ka agad saakin wala akong taga buhat," aniya sabay tingin kay Rhenuel mukhang sinusuri ang itchura. Nag okay sign siya at Umalis na. Mataray kong tinignan si Rhenuel. "Anong trip mo?" he gave me his infamous boyish smile, mahilig yatang ngumiti itong lalaking 'to. "Type mo ba ko?" I asked to check if my assumption is true. Tumawa siya bago sumagot. "Type agad? Hindi ba puwedeng may ibibigay lang?" "Anong ibibigay mo?" medyo nahiya ako nang slight pero dahil makapal ang mukha ko tinarayan ko lang siya ulit, parang ang taray ko ngayon nakakainis kasi 'yong mukha niya ewan kung bakit. "Sayo ba iyong kwintas na may Renaissance ang pendant? Gold 'yon 'dba?" na shock ako chour, paano napunta sa kaniya 'yon. mukhang nabasa niya yung iniisip ko kaya kahit hindi ko tinanong ay agad niya ring sinagot. "Napulot ko doon sa damuhan sa may simbahan kahapon, hindi ko alam kung kanino, kaya itinago ko muna, nalaman kong Renaissance pala ang panagalan mo," "Nasaan na?" Pinalad ko 'yong kamay ko. Nagkamot siya ng ulo gamit ang isang diliri niya at tumingin sa ibang direksyon. "Ahh nasa pawnshop, sinangla ko muna saglit gipit ako eh," tinignan ko siya at hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Ano?!!" Nanlaki ang mga mata ko, gago 'tong lalaking ito. "Relax lady hahatian naman kita eh, kaya nga kita pinuntahan." Nakangisi siya habang nakatingin sakin, habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi niya. "Naka 5k pala ako doon, grabe ang mahal pala noon." Mayroon siyang kinukuha sa bulsa niya 'yong wallet niya yata. Seryoso ba siya? "Gago ka ba?" hindi ko mapigilang tanungin. "Slight lang." Nag hand gesture pa siya, abnormal ba ang lalaking 'toh. Bigla siyang Tumawa baliw nga. "Hahahaha tignan mo 'yang itchura mo, that's so priceless," isa lang ang masasabi ko mukhang may abnormal nanaman akong nakilala. "Joke lang ito oh." Inilabas niya 'yong suot niyang kwintas at nakita kong iyon kwintas ko, suot-suot niya. "Baka kasi mawala kapag binulsa ko, tsaka makakalimutin ako kaya sinuot ko nalang ayaw ko namang mawala...." Tinignan ko lang siya hindi ko alam kung anong sasabihin ko "Mukha kasing mahal wala akong perang pamalit," matatouch na sana ako doon sa una niyang sinabi, dinagdagan niya pa. Inirapan ko siya ewan kumukulo nanaman ako dugo ko. "Talikod ka," inutusan niya ko. "Inuutusan mo ba ko?" "Hindi, sinasabi ko lang na tumalikod ka, ilalagay ko sayo 'to." Itinaas niya 'yong kwintas at tumalikod nalang ako para matapos na. Inilagay niya ang kamay niya sa harap ko habang nandoon ang kwintas at dahan dahan niya 'yong inilagay sakin. "Thank you nga pala sa pagbabalik ko ng kwintas mo, " sarcastic ang pagkakasabi niya noon. "Welcome," nakangiti ako noonh sinabi ko 'yan at aalis na sana noong hilain niya ko at pinatalikod sa kaniya, para tuloy siyang nakaback hug sakin. "A-anong ginagawa mo?" sa lapit niya sakin ay naamoy ko na ang pabango niya, medyo naiilang ako sa pwesto namin. Ang mukha niya ay nasa kabilang side ng mukha ko kulang nalang ay magdikit ang mga pisnge namin. In my peripheral view nakita kong tumingin siya sakin. "May tuldok ka ba ngayon?"nagtataka ako sa tanong niya, tuldok? What? "Anong tuldok?" sinusubukan kong huwag tumingin sa kaniya dahil baka anong mangyari kapag tumingin ako sa gawi niya. Naiilang parin ako dahil sobrang lapit namin sa isat isa. "Amp... Ang slow, tuldok, period, mens, regla, meron ka?" naramdaman kong umakyat ang init sa mukha ko dahil sa tanong niya. "W-wala! Ambastos mo" kumalas ako sa pagkakahawak niya sakin. "Ang bastos nakahubad, im not naked lady unless... " tinakpan ko 'yong mukha ko dahil nararamdaman kong mas namula ako sa sinabi niya. "Ano ba!!" Tinignan ko siya ng masama. "May tagos ka kasi, baka lang may tuldok ka ngayon.... Kaya pala masungit". Binulong niya pa iyong huli akala mo naman hindi ko narinig. Tinignan ko iyong likod ng dress ko at nagulat ako, I saw a red stained there, okay sana kung maliit lang eh pero pucha parang mapa. May kamay na pumalupot sa bewang ko, noong tignan ko 'yon ay mayroon ng jacket na nakalagay doon. Naka plain white shirt nalang siya noong tignan ko, but then he smiled at me. "Salamat" mahinang sabi ko dahil sobrang nakakahiya, natagusan ako shet! Sa harap pa ng lalaki. "Tara, hatid kita sa mama mo na magiging mama ko, baka mawala ka pa," kahit pa gusto ko siyang sagutin ay tumahimik nalang ako , baka humaba pa ang diskusyon. Naglalakad kami at nararamdan ko nang sumasakit ang puson ko, this is my hell week. Irregular kasi ako kaya hindi ko alam kung kailan ako exactly na nagkakaroon, tuwing nagkakaroon pa naman ako ay sobrang sakit. Dysmenorrhea is real. "Masakit?" tanong niya at tumingin pa sa'kin,Malamang! duh. "Saglit pumunta ka munang cr. Mayroon namang public cr d'yan," Noong nasa harapan na kami ng public cr, noon ko lang naalalang wala pala akong dalang pera, nakay mama 'yong wallet at cellphone ko kaya hindi ko rin siya matatawagan shete naman ang malas, natagusan na nga wala pa kong pera. "Wala kang pera?" tanong niya, hindi naman ako maka sagot kinagat ko nalang iyong ibabang labi ko sa hiya. "Pumasok ka na doon ako ng bahala, maghintay ka ibibili kita ng pamalit mo," seryoso siyang nakatingin sakin. "Huwang mong kagatin 'yang labi mo magkakasugat ka" seryoso siyang nakatingin sa labi ko habang sinasabi 'yon. "Pumasok ka na doon" makautos naman 'to wagas kung wala lang akong tagos I won't even follow his order. Pumasok na ko sa loob ng cubicle at nag hintay doon. Inalis ko muna yung jacket sa bewang ko baka kasi mangamoy isda yun at umupo doon sa toilet. May kumatok. "Psst, ito na oh." Binuksan ko 'yon at nakita ko siyang nakatayo pero nasa malayo iyong tingin niya. Agad ko nalang kinuha iyong plastic na nasa kamay niya. Binuksan ko iyong plastic at nakakita ako ng dalawang balot ng modes 'yong isa may wings at ang isa wala, napangiti ako dahil mukhang hindi niya alam kung anong bibilhin niya. Mayroon ding isang undies doon nahiya tuloy ako hindi ko ma imagine na isang lalaki hindi ko pa lubos na kilala bibili ng napkin at undies para sakin fudge. Lumabas na ko at nakita ko siyang nakatayo doon na para bang kanina pa siya naghihintay, akala ko umalis na siya. Mukha siyang model sa palengke. "Salamat." Kakalasin ko na sana 'yong jacket na nasa bewang ko at ibibigay sa kaniya nang pigilan niya ko. "Tanga ka ba? Aalisin mo 'yan edi nakita iyang tagos mo." He frowned at me while saying those words,disapproval can be seen in his face. Automatic na umarko pataas ang kilay ko, uminit tuloy ang ulo ko sa sinabi niya, kapal ng mukha ng lalaking toh. "Ibabalik ko na nga kasi sayo, sasabihan mo pa kong tanga," naiinis ako na naiiyak ay pucha ito na ang sinasabi ko eh kapag mayroon ako nagiging abnormal ako. Ang arte ko! "S-sorry ganito lang ako kapag mayroon." Pinunasan ko 'yong kaunting luha sa mata ko putek, i felt so abashed gosh. "Okay, Okay tumigil kana. h Ihahatid na kita ibabalik mo nalang yan sa susunod..ahm" Tinignan ko siya dahil meron pa yata siyang gustong sabihin. "Ano?" maikli kong tanong. "Oh." May iniabot siya sakin habang nakatingin sa daan at medyo pinalobo ang isang pisnge niya , tinignan ko iyong binigay niya. Chocolate 'yon, kinagat ko iyong ibabang labi ko para pigilan 'yong ngiti, ano toh? Kinikilig ba ko? Biglang nag init yung mukha ko. "Sabi kasi nila mababawasan ang sakit ng puson kung kakain ka ng chocolate, nakita ko lang yan kaya binili ko na, nagiisa nalang sa counter kawawa naman mahirap maging lonely, " hindi parin siya nakatingin sakin habang sinasabi yun. Hindi ko alam pero parang mayroong napakaraming kabayong tumtakbo sa dibdib ko ang bilis ng t***k mg puso ko. "Salamat talaga," Im really sincere noong sinabi ko 'yan, nakangiti ako at tumingin sa kaniya pero nasa daan parin ang tingin niya. Nakarating kami sa harap ng letti store pero hindi parin siya tumitingin sakin. Nakita ko si mama na para bang ang tagal na niyang naghihintay doon. "Ohh nakarating karin, parang ang layo ng simbahan dito sa palengke ahh magkatapat lang naman lilipat ka lang ng daan" makahulugan 'yong tono ni mama habang nakatingin kay Rhenuel, nagtataka siguro siya kung bakit hangga ngayon ay kasama ko pa siya. "Ahh may misfortune na nangyari eh ma." Itinuro ko ang puson ko. "Misportune ka d'yan," matigas ang pagkakasabi ni mama doon kaya medyo natawa ako. Kukunin ko na sana iyong mga plastic na dala ni mama dahil bawal siyang mag dala ng mabibigat na bagay ng may nauna saking kumuha. "Ako na ho," magalang ang pagkakasabi ni rhenuel. Binitbit niya lahat noong mga dala ni mama kanina. "Saan ho ba kayo?" "Ah diyan lang sa sakayan" sumagot si mama at lumapit sakin. "Ano kamusta 'yang puson mo? "Okay pa naman ma puson parin chour, kanina sumakit Tapos ma bago ako pumunta natagusan ako kaya ito nanghiram muna ako ng jacket sa kaniya para matakpan, tapos nag palit ako doon sa may public cr," Nag kwento ako ng kaunti. "Saan ka kumuha ng pera?" para kaming tangang nagbubulungan ni mama sa gilid ng kalsada habang sumusunod kay Rhenuel "Pinahiram niya ko." Turo ko kay rhenuel na ngayo'y binaba na ang mga bitbit niya "Sakay na po kayo," sakto namang dumating yung jeep papuntang dinalupihan kaya sumakay na kami, nauna si mama at sinakay ni rhenuel 'yong mga pinagrocery ni mama. "Salamat ijo dagdag points ka d'yan." nag thumbs up pa si mama bago pumasok sa jeep. "Salamat, babawi ako next time, ibabalik ko din' 'tong jacket mo. Salamat talaga,", He stared at me for a bit bago mag salita at ngumiti. "Welcome jo." He smiled showing me his perfect teeth pang commercial ang ngiti ah, ngumiti nalang din ako kahit hindi ko maintidihan kung ano iyong ibig niyang sabibin doon sa jo. Nakauwi na kami at inaayos na ni mama iyong pinamili niya. Nagpalit na ko ng mas comfortable na damit at nagpakulo ng tubig, mag hot compress ako, umaatake na ang menstrual cramps ko. "Ma, higa lang ako, sumasakit kasi," "Uminom ka ng buscopan venus kapag hindi mo na kaya," "Opo, " kinuha ko na iyong hot pack at humiga, agad din akong tumayo dahil naalala ko 'yong chocolate. "Ma, may chocolate kang nakita d'yan?" "Ito oh. " sabay bato niya sakin noon buti nalang nasalo ko,catcher kasi ako kaya kung mahuhulog man sila sakin agad ko silang sa saluluhin. "May pa chocolate kapa, at hinatid pa sa sakayan. Ano manliligaw mo 'yon noh?" nambibintang ang tingin niya sakin. "Hindi ma, nakilala ko lang 'yon kahapon doon sa kasal ni ate shane," naalala ko kahapon ko lang pala siya nakilala pero ang dami ng happenings saming dalawa kaloka! Aalis na sana ako ng may maalala. "Maaaaa!" tawag ko kay mama. "Ano nanaman?" naiinis na siya sakin dahil hindi siya matapos tapos sa ginagawa niya dahil sa panggugulo ko. "alam mo ba kung ano ibig sabihin ng jo?" "Oo pero hindi ko sasabihin sa'yo, search mo nalang may cellphone ka naman hindi mo gamitin," nakakainis si mama minsan sa totoo lang. Napapadyak pa ako ng bahagya ang hilig niya kasing mang asar. Humiga ulit ako inisip ko kung ano ang ibig sabihin noong jo masyado akong maiintriga. Binuksan ko hung chocolate at kinain 'yon. Habang kumakain ako ng chocolate ay sinearch ko sa google kung ano ba ang jo. Alam ko narinig ko na iyon somewhere eh Definition of Jo : it is a term of endearment mainly used in pampanga. sweetheart, beloved one, dear, darling and said to be pronounce as joe. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD