Chapter Three

3831 Words
Naging busy ako sa school these past few weeks. Ang daming requirements and projects na pinapapasa, malapit na kasi ang examination kaya ayan sabay sabay ang mga deadline. Papunta ako ngayon sa Speed 7 sa may Sta. Cruz, meeting place namin ng mga kaibigan ko. Napagusapan kasi namin na magkikita kita, dahil Friday naman na. Umupo ako doon sa may sulok. Ako palang ang nandito, for sure naman malelate 'yong mga iyon lalo na si Lior, malayo layo pa kasi ang biyahe niya. Aissang: ano na? Wer na kau? Dito na me. You sent a picture. Nag send ako ng picture na nakapout. Debyn: excited ka gurl? Malapit na otw na ko Enni: ampanget mo. Liordyasongbakla: chaka mo gurl. Maghintay ka nga  nagmamadali? May lakad? Nag react silang lahat ng sad doon sa picture ko, napa irap ako sa kawalan. Habang naghihintay sa kanila ay bumili muna ako ng iced coffee, nakakahiya naman kasi kung tatambay ka sa loob tapos wala ka namang bibilhin. Nag scroll scroll lang ako sa sss, react tapos share. Tinignan ko 'yong mga friend request ko medyo madami na kasi, scroll down lang ako ng scroll down dahil karamihan ay  hindi ko kilala pero bigla akong napahinto noong nabasa ko yung pangalan ni Rhenuel doon. Mag to two weeks na iyong friend request niya, nag send nga pala siya ng friend request noong kasal ni ate shane kaso hindi ko pinansin. Inistalk ko muna siya bago ko i accept. Naka public 'yong account niya pero wala namang masyadong pictures na naka post, boring. Last post niya kasama 'yong tropa niya tatlo sila doon sa picture, iyong dalawa nakangiti habang siya nakangisi. Napansin ko iyong suot niya doon, iyon ang  suot niya noong nagkita kami sa simbahan. Nanlaki iyong mata ko noong maalala kong hindi ko pa pala  naibibigay ang jacket niya. Bigla nalang may nanghablot ng cellphone ko. "Sinong iniistalk mo?" Nakataas ang isang kilay ni Deby noong tinanong niya ko, inirapan ko lang siya. "Wala, akin na nga yan, may lahi ka bang snatcher? Bilis ng kamay mo." Pilit kong kinukuha iyong cellphone sa kamay niya, pero nilalayo niya 'yon sakin. "Wala akong lahing snatcher pero may lahi akong maganda...." huminto siya noong tinignan niya ang picture. "Ayy naheart." Tunignan niya ko at ngumisi. "Houyyy anong ginawa mo??" hindi niya parin binibigay iyong cellphone ko at ang  dami niyang pinipindot doon.        "Footlong ka!! wag mong ireact, tinitignan ko lang yan," May mga tumitingin na samin dahil medyo gumawa na kami ng eksena, nakakabwisit kasi itong babaeng 'to. Umupo nalang ako doon sa inuupuan ko kanina dahil naiinis na ko. "Oh bakit ganyan mukha mo? Mukha kang iniwanan ng jowa," dumating si Enni at Lior nang sabay, umupo sila sa tapat ko katabi si Deby na hangga ngayon ay nagpipindot pa rin sa cellphone ko. "Wala namang jowa 'yan teh, paaanong iiwanan?" si Lior ang sumagot sa tinanong ni Enni. Tumingin ako nang masama sa kanila. "Malapit na kong magkaroon, chill lang guys. " Ngumisi ako. Hindi naman totoo iyon, sinabi ko lang  para tigilan nila ko. "Wehhh tataa???" sabay si Enni at Lior sa pagsabi noon. "Baka nga magkajowa na 'yan dahil sakin hahahaha." Tumingin kaming lahat kay deby na ngango'y tumatawa habang nakatingin sa cellphone ko. "Oh tignan niyo 'yan, kanina dinatnan ko iniistalk si mister garter." Inabot niya ang cellphone doon sa dalawa. "Sinong mister garter?" tanong ni Enni at nagtatakang tinignan si Deby. "Tignan niyo kasi muna iyang  cellphone na inabot ko dba," "Iyong yummy na papa doon sa kasal." Tinignan ako nang masama ni Lior."Mangaagaw ka! ano masarap ba? Masarap ba ang crush ko?" Dinuro duro niya pa ang mukha ko. "Pusang gala ka,  tinignan ko lang 'yan, tsaka siya naman ang nag send ng friend request kaya chineck ko lang," pagdedepensa ko sa sarili ko. Tinignan ako ni Lior na para bang inagaw ko ang buong mundo sa kaniya. "Taksil ka! Akala ko ba friendship over boys tayo? Traydor." Pinunas punas niya pa iyong imaginary tears sa mata niya, pumikit pikit pa siya habang tumitingala na akala mo'y pinapigilan talaga ang pagluha. "Baliw, bumili muna kayo nakakahiya sigaw sigaw ka tapos wala ka pang binibili," binigay na nila sakin iyong cellphone. "Thank me later." Ngumiti pa si Deby bago umalis dahil bibili na sila. Marami naman ang bibilhin nila kaya makikikain nalang muna ako. Agad kong tinignan ang cellphone ko at gustong gusto kong sabunutan si Deby dahil halos yata lahat ng post ni Rhenuel ay nireact niya ng heart kung hindi heart ay wow ang nireact niya, hindi pa siya nakontento doon at nag wave pa siya sa messenger, buburahin ko na sana 'yon noong nakita kong naseen na niya at nag tatype na siya. Kinakabahan ako sa ichachat niya. Balak ko naman siyang i message mamaya para sana makipagkita at maibalik ko na ang jacket niya ang kaso may sa demonyo 'yong kamay ng kaibigan ko. Nagtataka kong tinignan iyong chinat niya emoji iyon ng wave pagkatapos ay dinugtungan niya ng back, nagchat ulit siya.Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko  nag type ako doon. Rhenuel Alcaraz: back Rhenuel Alcaraz : wazup? Thanks sa reacts btw Renaissance Gavino: ahh okay lang.. Sorry iyong kaibigan ko ang pumindot ng wave , sige sorry sa abala. Agad kong pinatay at tinago sa bulsa ko ang phone."Oh bakit mo tinago?" Umupo na sila. Tumabi si Enni sakin at 'yong dalawa naman ay nasa harapan namin. "Alam na bakla, tinago kasi may itinatago." Ngumisi ang dalawang kambal sa kademonyuhan na nasa harapan ko. "You're welcome Aissang" si Deby ang nag salita habang kumakain ng siopao. "Even it pained me a lot Aissa I will still support you, kahit na crush ko pa ang jojowain mo," umarte pa  ang bakla na akala mo'y  nasasaktan talaga kaya natawa silang tatlo nagkipag apir pa siya kay Deby. "Tama na, ngayon lang magkaka love life 'yang si Aissa kung sakali,"  bumaling sakin si Enni at ngumiti, si Enni lang siguro ang medyo matino  sa kanilang tatlo. Mabait talaga si Enni noon tsaka tahimik pero noong nakasama niya 'yang dalawa medyo nahawaan ng kasamaan. "Pero bakit mo muna inistalk?" Uminom muna ako sa slurpee ni Lior bago sumagot kay Enni. "Ganito kasi 'yon, nagkita kami noong nagsimba kami ni mama, napulot niya iyong kwintas ko tapos binalik niya sa' kin magpapasalamat lang sana ako," hindi ko na binanggit ang tagos part lalo lang nila akong aasarin. "Oh anong konek noong pangiistalk sa pagpapasalamat," inumpisahan nanaman ni d Deby. "Oo nga, new way ba ng  pagpapasalamat ang  pang iistalk?  Grabe andami ko na palang napasalamatang papable," umiling iling lang ako sa sinabi ni Lior. Inasar pa nila ako lalo. Ako lang yata ang naging topic sa buong paguusap namin, minsan ay naalis sa'kin pero ibinabalik ni Lior na gustong gusto akong asarin eh. "Meet up ulit tayo next week. My treat, sa Robert's tayo kamiss mag samgyup eh, " mapera kasi sila Lior kaya malakas ang loob manlibre. "Surist ako d'yan," syempre hindi palalampasin ni Deby 'yan. Opportunista ang babaeng 'yan eh. "kol ako, wala naman akong masyadong gagawin next week," parati ding present si Enni dahil mahilig 'yang kumain. "Wala naman akong lakad kaya keri lang," naipasa ko naman lahat ng requirements at exam lang naman nextweek review review lang. "Ingat kayo, iloveyou guys," bumeso ako sa kanilang lahat. "Gosh bakla hindi tayo talo." Pinunasan pa ni Lior ang pisnge kung saan ko siya hinalikan. "I love you kasi as a friend." Inirapan ko pa siya at muling humalik sa pisnge niya. "Labyu all, una na ko," 'yon lang ang sinabi ni Deby at nauna nang umalis. "Sige na Aissa lablab, Lior lablab." Nag flyingkiss pa si Enni samin ito namang baklang kasama ko parang may inilagan na akala mo naman dadapo ang flying kiss sa kaniya. Naghiwahiwalay na kami. Si Lior sumakay ng bus papunta San Fernando City, doon kasi siya tumutuloy actually may kotse naman siya ayaw niya lang gamitin and nasa Manila ang parents niya may business sila doon pero sa Pampanga siya lumaki kasama ang lola niya. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si kuya Ai(Aidan) kapatid ko, nakaupo doon at nanunuod ng TV. Hindi siya madalas dito sa bahay dahil sa  dorm  siya tumutuloy sa Angeles City,doon kasi siya nag aaral para hindi na siya bumyahe parati ay kumuha nalang siya ng dorm doon. Graduating na siya this year. "Oh ma, may bisita ka pala," tumingin si kuya sakin at ngumiti. Tumayo siya at lumapit sakin. "Oh bunso hindi ka na lumaki." Ginulo niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. "Buti alam mo pa ang daan papunta dito, hindi ka naligaw?" tinabi ko muna iyong sapatos ko. "Lokong bata 'to. Meron akong pasalubong sayo," doon ako ngumiti sa kaniya. "The best ka talaga kuys," pumunta ako sa kusina at nadatnan si mama na naghuhugas ng plato. "Ma naman bakit ka naghuhugas d'yan, ako na." Pinaalis ko siya doon at ako na ang nagpatuloy sa ginagawa niya. "Hindi ka pa nga nagbibihis. Mag bihis ka muna doon," Agad ko namang natapos, kakaunti nalang kasi iyong hinugasan ko. Nagmano muna ako kay mama at humalik sa pisnge niya. "Ma asaan ang pasalubong ni kuya?" Excited na excited ako dahil alam kong favorite ko ang ipapasalubong ni kuya. "Nandyan sa ref," Agad kong binuksan ang ref at nakita ko ang  Donuts doon. Kumuha ako ng isang butternuts, favorite ko kasi 'yon. Nag papart time si kuya sa Funtime Donuts kaya parati akong nakakatikim ng donuts kapag unuuwi siya. Pumasok ako sa kwarto at nag palit ng pambahay. Chineck ko iyong cellphone ko at nakita kong may message sakin si Rhenuel, mukhang kanina pa iyon. Rhenuel Alcaraz : sila din ba iyong pumindot noong mga reacts mo sa mga pictures ko? Renaissance Gavino: slr oo sila din Renaissance Gavino: thank you pala doon sa last time Nag seen siya tapos typing, tapos mawawala tapos typing nanaman. Rhenuel Alcaraz : wala 'yon, kailan ka free? Nagulat ako sa chat niya , ambilis naman nito tatanong agad kung kailan ako free Renaissance Gavino: bakit? Rhenuel Alcaraz : iyong jacket ko sana kukunin ko na. Okay another assuming moment lang pala. Akala ko naman yayain na kong mag date. Tengga papala ako. Rhenuel Alcaraz :okay lang naman kung ayaw mong ibalik sayo nalang, basta palitan mo ng bago. Renaissance Gavino : ayy  hindi, ibabalik ko nalang   sorry nakalimutan ko. Sa wednesday free ako. Rhenuel Alcaraz : cge saan? Renaissance Gavino: sa may Sta. Crush sa may 7/11 Rhenuel Alcaraz : Sta. Crush? Saan yan? Marami bang nag ka crushback doon? Renaissance Gavino: Cruz* Rhenuel Alcaraz : HAHAHA anong oras? Renaissance Gavino: around 1 cguro Rhenuel Alcaraz : see you then Hindi na ko nag reply at tinignan ko nalang yung GC namin na p****r ang name. Mga may ubo sa utak eh p****r iyong group namin tapos kami daw mga user. Enni: guys?? Aissang :oh Debyn:  wae? Liordyosangbakla: problema mo? Enni: nagtataka lang ako, si joy ba kapag umiyak dahil malungkot tears of joy parin ba yung tawag? Debyn: Enni ako may tanong sayo, Kung naging hayop ka ba tawag sayo Ennimal? Liordyosangbakla: Deby may pick up line ako sayo. Liordyosangbakla: Deby panget ka ba? Debyn: hindi duh Liordyosangbakla: gaga dapat sagot mo bakit. Ulit, deby panget ka ba? Debyn: oh bakit? Liordyosangbakla: ayy hindi ka aware? Natawa ako sa mga punch line nila, ganyan kami usually asaran tapos kwentuhan minsan seener ang iba pa famous kunno. Taga react lang ako ngayon dahil wala akong maisip na pang asar sa kanila. Si deby at Lior talaga ang malakas ang trip samin kapag usapang barahan at asaran silang dalawa ang nangunguna kaya minsan kawawa kami ni Enni. Kumain kami ng sabay sabay nila mama kasama si kuya,tinawagan din namin si tatay na nag tatrabaho abroad. Ako ang naglinis ng plato, plate attendant ang trabaho ko dito wala naman kasing ibang gagawa kundi ako. Hirap pa minsan hindi ka naman kumain ikaw pa ang maghuhugas. Nagkwento si kuya noong gabing iyon tungkol sa studies and other stuff niya tulad ng kung papaano ang araw araw niyang buhay sa dorm at ang girlfriend niya. Inasar niya pa ako na wala pa daw akong pinapakilala baka daw tumanda na akong dalaga. Nakikinig na lang kami ni mama hanggang sa nakatulugan na namin siya. Dumaan lang ng parang isang oras ang weekend ko. Nag stay hanngang Sunday ng umava si kuya kaya nakasama namin siyang nagsimba ni mama. Nag linis, browse sa internet, f*******: chat sa mga kaibigan ko kahit seener sila halos at nag feeling famous. Ganoon lang ang naging routine ng weekend ko, pero noong nag monday ay halos hindi ko na mahawakan ang walis at cellphone ko. Ang daming ginagawa sa school then naging groggy ako noong Tuesday sabay sabay ang  quizes, whole day yata nag quiz lang kami piga ang utak ko sa mga subjects. Wednesday came, wala kaming pasok kaya nakapag pahinga ako nakapag puyat pa ko noong Tuesday ng gabi dahil alam kong walang pasok. Nag f*******: lang, scroll dito scroll doon nang biglang may nag pop na message. Rhenuel Alcaraz : Ang dali mo namang makalimot miss Nanlaki yung mata ko. Hell, meron pala kaming usapan ni rhenuel. Ibabalik ko pala sa kaniya ang jacket niya. Tinignan ko iyong orasan mag 2:30 na shete! Renaissance Gavino: hala sorry OTW na ko. Binilasan ko ang pag ligo. Nag sweat pants ako na kulay black at white na shirt, nag tsinelas na lang din ako para madaling isuot tsaka Speed 7 lang naman 'yon sa may palengke hindi ko na kanilangang pumorma. "Oh bakit nagnamadali ka saan ka pupunta? " si mama iyon habang tinitignan ako ngayon dahil nagnamadali ako, natataranta pa ko sa pag mamadali. "May isasauli lang po ma d'yan lang sa may palengke." Kinuha ko na iyong paper bag kung saan nakalagay ang jacket niya. Nilabhan ko pa at dinowny para bumango. Tinignan ko ang oras, alas tres na at wala pa kong masakyan na jeep. Kumuha nalang ako ng tricycle, nakakahiya ako pa ang nag sabing  around 1  kaming magkikita pagkatapos alas tres ako dadating. Ayaw ko pa naman na nalelate ako shetenes! bakit ko ba nakalimutan. Sa taranta ko kanina hindi pa ko nakapag suklay kaya hindi ko alam ang itchura ko, buti nalang nadala ko ang wallet ko kung hindi patay ako. Pawis na pawis ako noong bumaba ako sa tricycle grabe kakaligo ko lang naligo ulit ako pero sa pawis naman. Nadatnan ko siyang nagcecellphone doon sa sulok habang sumisipsip doon sa delight na iniinom niya. Nakasuot siya ng sweat pants na kulay black, a white shirt na mayroong printed text doon pero hindi ko mabasa, kulay military green na camouflage ang font noong text na nasa shirt niya na nakaterno sa sweatband nasa sa ulo niya , nakababa lang ang buhok niya at walang direksyon, naka white sneakers siya. Hindi naman siya  pormado sa lagay na 'yan. Ang gwapo niya sa angle na'to at dahil diyan crush ko na siya. Nang slight. Lumapit ako sakaniya. "Ahh ano sorry," nag angat siya ng tingin sa' kin at para bang bored na bored na siya kanina pa. "Grabe naisipan mo pang dumating," mas lalo tuloy akong na guilty mukha kasing kanina pa siya dumating eh. Umupo nalang ako sa tapat niya "Anong oras kang dumating? May pupuntahan ka ba pagkatapos? " nagpipindot siya doon sa cellphone niya at sumisipsip parin sa delight na hawak niya. Napansin kong meron siyang suot na kwintas silver iyon at malaking R ang pendant medyo mahaba nga lang at aabot hanggang sa dibdib niya. "12:30 siguro. Meron dapat kaso hindi na ko aabot." Nakatingin parin siya sa cellphone niya. Tumingin ako sa cellphone ko kung anong oras na its 3:32 pm grabe ang tagal niyang nag hintay. "Ang aga mo naman pala" iyon lang ang nasabi ko. Tumingin siya sakin saglit tapos bumalik siya sa pag cecellphone napalabi ako ng kaunti. Galit ba siya? Sa bagay ikaw pa naman paghintayin ng ilang oras hindi ka magagalit. Magsasalita na sana ako ng tinuro niya ang naka print sa shirt niya at nagyon ko lang din iyon nabasa ng malinaw. "I. Hate. Late, " kagaya nang  sinabi niya ang nakasulat sa shirt niya. "Sorry, " napayuko nalang ako nakakahiya na nakakaguilty. "Grabe yata iyong traffic sa inyo at isang oras kang nagbabyahe," tumingin ako sa kaniya at seryoso siyang nakatingin sakin. Gwapo mo po sir, gwapo rin pala siya kapag nag seryoso akala ko tuwing nakangiti lang eh. alinlangan akong ngumiti. Anyare sa'kin? Bakit ang bilis ko namang mahulog. Grabe isang serious look lang. "Nagmadali na nga ako eh," pag dadalhin ko. "Halata nga," sinabi niya at parang nanunuya. Tumingin siya sa buhok ko, naalala kong hindi pa pala ako nag susuklay. "Diyan ka lang, huwag kang aalis." Tumayo siya at lumabas, napanguso tuloy ako. Pag hihintayin niya rin ba ko ng matagal so that I'll feel the same way? Iniwan niya pa iyong paper bag kaya wala din naman akong magagawa kung hindi maghintay siya, ayan lang naman ang purpose kaya nakipagkita ako sa kaniya eh. Nagtingin tingin lang ako sa paligid. Dumarami na ang mga tao sa loob and mostly ay studyante na magbabarkada tumatambay siguro sila. Tambayan din namin yung 7/11  noong highschool, kwentuhan kami ng matagal tapos yung binili lang namin isang nova tapos gulp tig iisa kaming gulp. Ngumiti ako kasi nakakamiss lang iyong ganoon sa dati, ngayon kasi bihira nalang din kami magkita, nagkikita naman pero hindi tulad ng dati. Separation is part of growing up, wala naman kasing mag iistay talaga at lahat magbabago walang ibang constant sa mundo kundi ang change. "Oh." Unabot niya sakin iyong suklay. "Ano toh? Anong gagawin ko dito?" "Suklay 'yan kung hindi mo alam, try mo kainin baka mabusog ka," panunuya niya sa' kin. Sumama iyong tingin ko sa kaniya. Sayang ang gwapo na niya sana ngayon kaso parang ang sarap basagin ng mukha niya. "Magsuklay ka na, parang dinaanan ng bagyo 'yang buhok mo," medyo nakangisi na siya noong sinabi iyon kaya napangiti  na rin ako kahit papaano, atleast may emotion na siya ngayon hindi tulad kanina na seryoso na lang na ewan iyong mukha niya. "Sorry talaga, nawala kasi sa isip ko ang dami kasi naming ginawa noong nakaraang araw kaya ayon medyo nawindang ang utak ko," nagpapaliwanag ako habang nag susuklay. Noong matapos akong magsuklay ay ibinabalik ko sa kaniya. "Ah ayan salamat." Inaabot ko sa kaniya pero tinitignan niya lang iyon na parang ito ang pinaka walang saysay na gamit sa mundo. "Sayo na 'yan, mukhang mas kanilangan mo kesa sa'kin. Kumain kana?" pagiiba niya sa pinag uusapan namin. Nagisip tuloy ako sa tinanong niya. Nag lunch naman ako, sinigang na manok pa nga ang ulam namin na luto ni mama hindi kasi ako marunong magluto. Wait tumingin ako sa kaniya pero wala sa'kin ang paningin niya,Concern ka sir? "Yup,Kaninang lunch," tumayo siya at naglakad na. Kaya tumayo na rin ako para iabot ang paper bag  nakalimutan niya yata. "Ouyy itong jacket mo." Inaabot ko sa kaniya pero ayaw niyang kunin. "Sundan mo muna ako saglit, magmemeryenda lang tayo saglit," at dahil guilty ako sa pagkalate ko sinundan ko na siya. Pumunta kami doon sa may tapat ng simbahan maraming nagtitinda doon ng mga street foods. Namiss ko tuloy kumain. "Sampu pong betamax at limang Isaw at tatlo pong barbecue....." hindi naman siya mukhang gutom noh. Binalingan niya ako. "Anong gusto mo?" "Isaw lang sapat na," medyo mahina yata ang pagkakasabi ko noon kaya kumunot ang nuo niya. "Ano? ikaw lang sapat na?" pag tatanong niya pero natawa lang ako. "Hala siya, Isaw kasi 'yon. Sabi ko isaw lang sapat na," medyo feeling ka doon sa part na iyon kuya pero keri lang. "Isaw daw po ate gawin mo na pong sampu," syempre dahil may itititanago pa akong hiya sa katawan eh ako na iyong nag abot ng bayad. Kukunin na dapat ni ateng tindera iyon noong pinigilan siya ni Rhenuel. Napatingin tuloy kami ni ateng tindera sa kaniya. "Ako na, Ito na po." Iaabot niya sana iyon at kukunin na ulit sana ni ateng tindera nang pagilan ko din siya. Pinaghintay ko na nga siya tapos siya pa magbabayad. "Ako na nakakahiya sayo," sabi ko habang ngumiti ng bahagya sa kaniya. "Ako na," pagkukumbinsi ni Rhenuel. "Ako na nga kasi," ibabayad ko na ulit nang pigilan namaman niya ang kamay ko.Pabalik balik ang tingin samin ni ateng tindera, nagtatalo na kasi kami sa harap niya kung sinong magbabayad. Napakamot sa ulo iyong ateng tindera bago magsalita kaya tumingin kami ng sabay ni rhenuel sa kaniya. "Ineng, ijo, bumalik nalang kayo kung alam niyo na kung sino ang magbabayad, ka istress kayo alam niyo iyon?" nahiya naman kami sa kaniya dahil may pahawak pa siya sa ulo niya na para bang sumasakit iyon. Sa huli si Rhenuel din ang nagbayad. "Ako ang nagyaya kaya ako ang magbabayad," ayan ang  sinabi niya. Kumain nalang kami doon sa may side dahil medyo mausok sa paligid. Medyo madumi ako kumain kapag Streetfoods yung pagkain. "Ang cute mong kumain, sarap titigan," narinig ko iyon! "Ano? May sinasabi ka?" Naring ko  naman iyong sinabi niya gusto ko lang ulitin niya. "Sabi ko ang dumi mong kumain tsaka sarap titigan noong langit noh." Tumingala siya sa langit. Iba naman iyong sinabi mo  noong una eh gusto ko sanang sabihin iyon Galgau!! Sasakyan nalang natin ang trip niya. Pinunasan ko muna iyong bibig ko tsaka tumingin sa langit, wala namang maganda para sakin well usual lang naman 'yong langit kulay white and blue pa rin. Wala namang maganda eh sa isip isip ko, baka kasi mahurt siya kung sabihin ko 'yon. Meron kasi talagang pagkakataon na maganda para sa atin pero hindi iyon makita ng ibang tao siguro kasi iba-iba ang mata natin, kaya iba iba rin ang perspective natin sa mga bagay bagay. Hinatid niya ako sa may sakayan nagpasalamat nalang ako. Tumago lang siya sakin at sinabing ingat. Nakauwi ako sa bahay at tinanong ni mama bakit daw ang tagal tagal ko. "Medyo na late iyong may ari noong gamit na ibinalik ko ma, hassle nga eh," sambit ko at kinamot ko pa kunwari ang ulo ko. Nag cellphone lang ako saglit at nag pop nanaman yung pangalan ni rhenuel. Rhenuel Alcaraz :nakauwi kana? Renaissance Gavino: ahh oo salamat tsaka sorry sa kanina hindi ko talaga intention na pag hintayin ka ng matagal. Rhenuel Alcaraz : okay lang tsaka nasungitan din kita kanina hahahaha ayaw ko lang talaga ng pinag hihintay ako ng matagal. Renaissance Gavino :buti hindi ka umalis Rhenuel Alcaraz : ikaw naman iyong hinihintay ko kaya okay lang Owwts is this landian? Lalandiin ko din ba? Magkakajowa na ba ko? Papaano kung masaktan ako? What if nahulog ako tapos hindi rin niya ko sasaluluhin? Ayaw ko hindi pa ko ready! Nakapagdesisyon na ko. Renaissance Gavino: May girlfriend ka ba? Rhenuel Alcaraz : wala bakit? Renaissance Gavino: pwedeng ako nalang? Nag tatyping siya pero para safe sa rejection, I will use my  HTC protection , Haharot tapos biglang chacharot . Renaissance Gavino : charot
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD