My Thursday was pretty good. Nagkaroon lang kami ng recitation as a review na rin for the exam. Friday ng umaga, im just reviewing all the subjects na itetest namin dahil meron pa kong time to review kasi hapon pa ang exam namin ganoon din ang naging routine ko sa Saturday ko. The test went well... I guess nasagot ko naman lahat.
Ang hirap lang kapag honor student ka, nasa top ka na nga you're still striving hard to stay on the top kaya kailangan mong mag aral to meet their expectations. Mahirap maging disappointment and trough studying hard, I felt that I somehow lessen the hardship ng mga magulang ko sa'kin. When i look at them and see the smile plastered on their faces, for me that's more than enough.
Ngayon ang hang out na pinagusapan naming mag babarkada, sa may Robert's kami. it's a well known samgyupsalan here and masarap ding tumambay because free access of wifi and well air conditioned din ang place kaya chill chill lang.
Susunduin daw kami ni Lior sa sasakyan niya oh dba sagana sa gas ang bakla. Minsan lang naman niya gamitin 'yon kaya keri lang. Mag aalas dos na kaya naligo na ko at nag prepare ng susuotin.
Napag usapan naming lahat na susuotin namin ang shirt na in order namin sa online. Friendship goals daw. Same lang iyong mga designs noong shirt may curvy font doon at nakasulat na HANGOUT, nag kakaiba lang kami sa kulay noong shirt. Maroon shirt ang kulay noong akin. I pick my black high-waisted jeans. Tinupi ko sa ilalim 'yong jeans and tinuck in ko sa harap ang shirt to add more style in it. Nag belt din ako na kulay white para partner sa white sneakers ko. I made a tiny braid on both side of my hair. Lagay ng kaunting lip tint then cologne and powder okay na.
3 pm ang napag usapan at huli akong susundin ni lior dahil malapit lang din samin ang Robert's . I just forced him fetch me, ayaw niya kong sunduin noong una dahil malapit lang naman daw ako.
"Oh gagala ka nanaman?" nag salita si mama habang pinapanuod akong mag sapatos. Oh nakalimutan ko palang mag pa alam sa kaniya.
"Hang out lang ma hahahaha. Hindi pa pala ako nakakapag paalam. Aalis kami ngayon ma, kakain lang sa labas OTW na sila para sunduin na ako," wala na rin namang magagawa si mama dahil nakabihis na ko at may mag susundo na sa'kin. That's one of my strategy kapag may gala kami. Hindi ako agad mag papaalam para kapag nand'yan na wala ng magagawa si mama.
"Oh may pera ka n'yan?" Kinukuha na niya 'yong wallet niya when i stopped her.
"Ma hindi na kailangan. Libre na ni Lior kaya okay lang na walang pera besides may ipon pa ko." I smiled while looking at her. Inismiran niya ako.
"Oh bahala ka. Magingat kayo,"
Ilang saglit lang narinig ko na ang sasakyan ni Lior. Kinuha ko ang leather crossbody bag ko at hinalikan sa pisnge si mama.
"Ma una na kami," tumango lang siya at sinabing ingat daw kami.
Paglabas ko ng bahay ay nadatnan ko si Lior na nakasandal sa black ford na sasakyan niya. Naka black sunglasses pa siya, prada ang brand. his wearing a white shirt na katulad ang design sa sa'kin. Khaki shorts for the bottom and a white shoes. Messy style ang buhok niya na medyo mahaba na. Kung titignan siya ngayon ay pasado na siyang maging artista or model, iyon nga lang pang lalaki rin ang leading man niya . Inalis niya ng dahan dahan ang sunglasses niya.
"Let's go miss" sinabi niya 'yon with his manly voice. Ang daming sayang sa mundo, isa na siya doon hayss.
"Anong drama ito bakla?" natatawa ako habang pumapasok sa loob ng sasakyan niya. Doon ako sa shotgun seat umupo at nandoon na sila Enni at Deby sa likod. Baby blue ang kulay ng shirt ni Enni with tie waisted jeans sa baba. Buhaghag lang ang buhok niya at nagkikipagusap kay Deby. Si Deby naman ay nakasuot ng black shirt, favorite niya 'yang color na 'yan kaya noong pumili kami black agad ang kinuha niya, tinernuhan niya ng denim shorts and a flannel shirt that tied up in her waist, naka messy bun ang hair niya.
"Natalo siya doon sa game namin last time and we gave him a dare." Natatawa ring sabi ni enni.
"Ang gwapong nilalang pero gwapo rin ang hanap tsk ... Sayang ka bakla." Umiiling pa si Deby at dismayang dismaya ang mukha.
Pinagmasdan ko si Lior. Totoo namang gwapo siya. Mapapansin mo na ang jawline niya kahit hindi pa masyadong define. He has a russet brown eye color that compliments his deep set eyes na para bang laging nangungusap. Medium thick eyebrows, rusty brown hair kaka dye lang ng hair niya. Straight slim nose and an average lips, natural pink ang kulay noon.
"Gwapo mo baks, maglalaki ka nalang tapos jowain kita," sinabi ko 'yon habang nakatitig sa kaniya pero ang bakla ngumisi lang. Mayroon siyang students driver license kaya siya ang nag da drive ngayon at siya lang naman ang may magarang sasakyan samin na marunong mag drive.
"Not interested miss, I'm not into a PLATinum." Nakatingin pa rin siya sa daan at hindi ako tinapunan ng tingin. Tumawa 'yong mga babae sa likod na akala mo naman eh may hinaharap din na kasing laki ng pakwan. Umirap muna ako bago sumagot.
"K lang, mayroon naman akong ka something." Kinuha ko ang cellphone ko noong tumunog. Nagsilapit sila Enni at Deby sakin.
"Sino? Si crispy patata? May something~" Ginaya pa ni Deby 'yong nasa commercial. Inismiran ko lang siya habang ang dalawa tawa ng tawa. Tinignan ko kung sino ang nag chat. Si rhenuel 'yon hehehe pagkatapos kong bumanat na may kasamang charot sa dulo eh bumawi siya hanggang sa nag iba iba na kami ng topic.
Ngumiti muna ako bago mag reply. Tinatanong niya kung anong ginagawa ko dahil maharot ako pinicturan ko ang daan pati ang sarili ko tapos sinend ko sa kaniya.
"Houy sino 'yang ka chat mo?" Lumapit ulit sakin si Deby habang kumakain noong chips.
"Iyong ka something ko nga,"
"Totoo may ka something kana? Hindi 'yan GC?" sumabat si Enni sa usapan namin. Hindi ko nalang sila pinansin at tinignan ang reply niya. Nag send siya ng picture parang project yata ang ginagawa niya, mga designs. Madaming guhit 'yon, palibhasa drawing kaya hindi ko maintindihan.
Rhenuel Alcaraz : hirap gumawa ng plates
Renaissance Gavino : plato? Mahirap nga yata baka mabasag kapag nag kamali ka ng galaw.
Nag react siya ng hahaha doon sa chinat ko nagtataka naman ako. Plates dba plato?
Rhenuel Alcaraz : what I mean is plates sa architecture hahahaha
Renaissance Gavino : ano 'yon? Project ganoon?
Rhenuel Alcaraz : pwede basta it's a thing for architecture and engineering college student only.
Although hindi ko maintindihan syempre hindi pa naman ako college sinabi ko nalang na gets ko.
Nakarating nakami sa Robert's kaya nagpaalam na ko kay rhenuel at tinago na muna ang cellphone ko. Umupo kami doon sa hindi masyadong expose sa may bandang sulok dahil dugyot kumain ang mga kaibigan ko.
Nag order na si Lior ng pagkain
"Alam ko na kung sino ang ka something nito," si Deby ang nag gigrilled noong pork and meat at kami taga picture at taga kain lang. Si Enni inuna iyong kimchi habang ako nag hihintay na may maluluto doon sa ginigrilled ni Deby para may makain na ko. Si Lior tahimik lang na nakaupo kinakarir ang pagiging lalaki.
"Sino??" curious na tanong ni Enni.
"Edi 'yong lalaki sa kasal duhhh nakita ko kanina, siya ang ka chat niyang bruha. May pa send pictures pa kala mo ikinaganda niya. Maharot ka," sabi niya at dinuro pa ako gamit iyong tong.
"Hindi naman medyo lang mga 10 out of 15. " Nag smile pa ko na kaunti para mang asar lang. "Nasa stage palang kami ng knowing each other." Nagsmile pa ko ulit ng kaunti with matching paliit ng mata at papikit pikit, ganda mata ang tawag ko d'yan.
"Baka landian stage kamo, " kahit kailan kontra bida sa buhay ko si Deby.
"Houy bakla ang tahimik mo. Kinarir mo 'yang pagiging lalaki." Natatawa ako dahil kanina pa siya tahimik so not him. Tumikhim muna siya bago sumagot.
"I'm just thinking," wow english at hindi sabaw ang english niya.
"Thinking of what? Nalilito ka na ba kung babae o lalaki ang gusto mo?" tanong ko.
"Gaga hindi errr ehem..."medyo pumalpak siya doon dahil hindi talaga maiiwasan ang nature ni bakla. "Im just thinking that in my state, no one will ever love me the way I wanted. Kayong mga tunay na babae alam kong hindi pera lang ang habol sainyo ng mga lalaki, it's either gusto ka nila or interesado sila sainyo but in my case alam kong lalapit lang sila dahil mapera ako, " mahabang lintanya niya kaya naman napatigil kaming lahat.
"Bakla ka, ano nanaman 'yang iniisip mo, porket ba nagastos ang pera mo dahil samin sumama 'yang loob mo?" Deby is trying to lighten up the mood pero nag smile lang si Lior.
"Why are you thinking that way ba Lior? " tumingin muna siya kay Enni bago nag baba ng tingin.
"Alam niyo 'yong kinukwento ko sainyo na crush ko at nakachat ko. Hindi na nagparamdam noong nabigyan ko na siya sapatos, imagine nagtipid ako para ma ibigay iyon, " bakas ang hinanakit sa boses niya.
"Don't mind that s**t of a bastard" si Enni iyon habang chinichibug ulit ang kimchi.
"Smile na Lior nandito naman kami hindi ka namin iiwan basta't manlilibre ka lang," okay na 'yong unang sinabi ni Deby eh pero ano pa bang expect mo sa babaeng 'yan.
"Lior bakit hindi mo try ang babae?" nag alangan ako noong sinabi ko 'yan. Tumingin siya sakin na para bang napaka impossible no'ng mangyari, it's possible kaya may nakita ako sa sss iyong gay may jowa na babae eh.
"Ayy oo baks baka sa babae mo lang mahahanap ang tunay na sarap... Hmmm" nag smile pa ng nakakaloko si Deby at sinubo ang pork hindi man lang binalot sa lettuce.
"Sarap... I mean baks baka sa babae mo lang mahahanap ang tunay na pagmamahal," nandidiri siyang tinignan ni Lior.
"No! Iwwww over my dead sexy body," maarteng turan ni Lior.
Kumain nalang kami habang nagkukwentuhan at hindi narin kinaya ni lior ang dare kahit na pormang porma siya medyo palpak ang boses niya. Nakarami ako ng kinain kaya nag pahinga muna ako at nag myday nalang noong mga pictures namin at noong pagkain, Iyong before at after noong pagkain. May nagpop out, profile picture ni Rhenuel naka charcoal tuxedo siya doon at nakabukas ang tatlong butones nang white polo niya sa loob, at nakalabas ang silver necklace niya. Inaayos niya iyong wrist watch niya sa picture parang hindi niya alam na pinipicturan siya but it was a perfect angle dahil ang gwapo niyang tignan doon habang seryoso siya sa ginawa niya. I think prom night ito or what.
Rhenuel Alcaraz : magaling ka ba sa math?
Renaissance Gavino: pwede na medyo kailangan din 'yun sa accounting eh.
Rhenuel Alcaraz : can you solve this
Renaissance Gavino : sige I'll try, ano ba?
Rhenuel Alcaraz : 5+4?
Renaissance Gavino: nang ga gago ka ba?
Rhenuel Alcaraz : sagutin mo nalang dali
Renaissance Gavino : nine!!
Rhenuel Alcaraz : if 5+4 is nine....
Renaissance Gavino : then?
Rhenuel Alcaraz : can you be mine?
Renaissance Gavino: ayan ka nanaman ambadoy
Renaissance Gavino : ito 4+4?
Rhenuel Alcaraz : eight babe
Renaissance Gavino : if 4+4 is eight then you + me is fate.
Rhenuel Alcaraz : corny jo pero dahil nanggaling sayo sige kikiligin na ko.
Tinago ko muna iyong cellphone ko at nakipag usap sa mga kaibigan ko pinaguusapan na nila ngayon ang boyfriend kunno ni Deby ewan kung saan niya nabingwit. Pinakita niya kasi samin ang gwapo ni kuya mukhang nagayuma ni Deby.
"Anong gayuma ang ginamit mo d'yan?" nakataas ang kilay kong tanong.
"Ganda lang aissa sapat na" ngumiti siya at tinapik sa kamay niya ang baba niya.
"Parang ginayuma mo 'yan eh. Ang gwapo tapos mahuhulog sayo? Tanga lang ang mahuhulog sa imburnal," tinignan niya ko ng masama.
"Duh inggit much ka gurl." She rolled her eyes tsaka pinakita pa ang ibang pictures nila ng jowa niya raw.
"Ilang taon na kayo?" curios na curious si Enni nagnining pa nga ang mata niya habang nag tatanong.
"Ahmm actually ako lang ang may alam na boyfriend ko siya hindi ko pa kasi siya nainform, 2 months ko ng alam na boyfriend ko siya," ngumiti ngiti siya. Tsk sabi ko na nga ba eh ambisyosa ang ate mo.
"Grabe ang sarap talaga nang libre mabigat lang sa tiyan pero hindi sa bulsa." himas himas ko pa ang tiyan ko dahil sa sobrang busog
"Opportunista talaga kayo eh noh, sino ang susunod na manlilibre?" si Lior ang nag salita na nasa gay mode na ngayon ang sunglasses niya kanina ay ginawa na niyang headband.
"Si Deby tutal malapit na birthday niya." Turo ni enni kay Deby.
"Ayaw ko wala akong pera si Lior nalang ulit. Houy Lior ikaw nalang, kami kahit gastosan mo pa kami ng pera hindi ka namin iiwan pagkatapos, tsk ako nga hindi mo pa nireregalunan tapos 'yong opportunistang shittard na 'yon makakakuha lang ng sapatos sayo ng basta basta.... Tsk tsk tsk bery wrong." Nag hand gesture pa siya.
Maggagabi na noong makauwi kami nagmano muna ako kay mama at ibinigay ang take out ko para sa kaniya. Kinuha ko muna ang mga notes ko at nagbasa basa baka mag karoon ng bonggang surprise samin si ma'am nganga ako. Noong matapos akong mag review ng notes kinuha ko na yung phone ko para manuod ng kdrama hanggang sa nag chat si Rhenuel nag good night kaya nag good night na rin ako, tinignan ko ang oras mag tu 12 na pala kaya natulog na ko.
Dumaan ang isang linggo na nag chachat pa rin kami ni Rhenuel at hindi mawawala ang banat doon pero hindi ko pa siya nakikita mula noong binalik ko ang jacket niya.
Papunta ako sa may palengke doon sa Lily School supplies,sa taas iyon ng palengke. May bibilhin ako para sa projects tsaka ballpen na rin para kasing bula ang mga ballpen ko nawawala nalang bigla.
Tumitingin ako doon sa mga designs at mga papel noong may kumalabit sakin. Paharap ko nakita ko si Rhenuel na nakangiti sakin medyo naka feel ako ng awkward grabe maharot lang ako sa chat pero mahiyain ako sa personal.
"Wazzup." Kinuha niya ang mga dala ko kahit hindi naman mabigat. Pati na ring ang bag na dala ko.
"Ahh salamat , anong binibili mo?" binibuild up ko pa ang kapal ng mukha ko para mamaya maka bawi ako.
"Pencil lang tsaka mga materials sa plates... Hindi iyong plato ahh," Natatawa siya noon , inismiran ko lang siya.
"Aba malay ko bang iyon 'yon, " kunwari ay nag tingin tingin ako sa mga designs.
"Ikaw? May bibilhin ka pa?"
"Ikaw sana, magkano ka ba?"
Pinagkrus niya ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib niya at umiling iling habang nakangiti.
"Mahal sana ako eh.... Pero sige libre nalang para sayo." Tinaas baba niya pa ang kilay niya. Iba din pala kapag in person kayo naglalandian iba ang impact. Natigilan ako at umiwas ng tingin.
"Char lang ito naman, " syempre kapag hindi mo na kayang panindigan ang kaharutan makipag charutan ka nalang.
"Kumain kana?" tinanong niya iyon habang nakapila kami.
"Lah pa fall ka," sagot ko nang nakatingin sa kaniya. Kumunot naman ang nuo niya na parang ang layo ng sagot ko well malayo naman talaga siguro mula Pampanga hanggang Mindanao.
"Anong pa fall doon sa kumain kana ba? Tinulak ba kita para mahulog ka? Tinanong lang naman kita ah," minsan hindi ko siya magets. Minsan go na go siya sa harutan tapos minsan ang slow lang niya.
"Gutom lang ako kaya ganyan, kain tayo libre mo." nagbayad muna ako sa cashier bago tumingin sa kniya.
"Ikaw nagyaya tapos ako magbabayad? Mali 'yon." nagbayad na rin siya at sabay kaming lumabas kinuha niya ulit ang mga dala ko
"Ako na nga nagyaya ikaw naman nagpasimula," nangangatwiran ako dahil wala akong masyadong budget para ilibre siya,pero dapat ako talaga ang manlilibre dahil hindi pa ko nakakabawi sa kaniya noong tinulungan niya ko.
At sa huli siya rin ang nanlibre makapal ang mukha ko kahit nahihiya ako. Medyo gutom ako eh. Sa may Speed 7 lang kami kumain dahil malapit lang naman iyon tsaka gusto kong umupo.
"Salamat, babawi ako sayo next time medyo shortage ako ngayon eh." Ngumiti ako ng matamis habang nakatingin sa kaniya ngayon ko lang napansin na hindi siya naka uniform. Ako kasi naka uniform pa ako , kulay white ang blouse ko at blue iyong palda. Siya naka mint green siya na shirt at cargo shorts yata then kanina nakasuot siya ng cup niya na kulay black pero tinanggal niya din.
"Kailan kaya mangyayari 'yang pambabawi mo? Mukhang graduate na ko kapag nangyari 'yan,"
"Grabe ka, siguro kapag may trabaho ka na ganoon," Tumawa siya ng bahagya doon corny kaya ng joke ko buti tumawa siya mukhang ako ang kaligayahan niya.
Kumain lang kami ng footlong at softdrinks. Medyo tahimik lang kami, titingin sa kaniya tapos iiwas kapag mababantay niya ko. Paulit ulit yun hanggang sa natawa nalang siya.
"Stop staring, bakit ka ba umiiwas kapag nakatingin ako sayo pero todo ang titig mo kapag wala sayo iyong paningin ko" nakatingin siya sakin habang sinasabi 'yan, parang laging nakangiti ang mata niya.
"Wala lang, I'm just checking kung saang side ka mas gwapo, mas nache check ko kasi kapag hindi ka nakatingin." uminom muna ako sa softdrink ko tapos ay tumingin ako sa kaniya kaya parang nagtitigan kami.
"So? Saang side ako mas gwapo?" nanghahamon ang tuno niya at pinagsaklop niya ang kamay niya at ipinatong iyon sa lamesa sunod niyang pinatong doon ang baba niya, kaya mas lumapit 'yong mukha niya sakin ang dami ko tuloy napansin ngayong malapit siya sakin. Meron siyang maliit na mole doon sa tabi ng mata niya pati din sa side ng labi niya. At makikita mo rin ang kulay ng mata niya, I think nut brown ang kulay noon. His eyes are seems smiling yet playful.
"You look more handsome...."
pinabitin ko sa ere ang kasunod.
"I look more handsome on what side?" mas tinitigan niya pa ako.
"Beside me." Ngumisi ako pagkatapos kong sabihin iyon at noong tinignan ko siya binasa niya ang labi niya. He licked his lips and pressed it against each other to form a one line, holding the smile that wants to evade.